webnovel

Pagsuyo sa Kamatayan (2)

Editor: LiberReverieGroup

Ang pinuno ng pangkat ng matitipunong kalalkihan ay tinitigan ang maayos na itinayong mga

kabahayan at ang bibig nito ay napangisi. Itinaas nito ang daliri at itinuro ang isang matandang

babae na akay ang apo papasok sa kabahayan at sinabi: "Ikaw! Matanda ka! Halika dito

ngayon din!"

Ang matandang babae ay lagpas na sa singkwenta at ang pinsalang dulot ng buhay ay

nagpabaluktot sa likod nito. Ito'y payat at maliit, ang buhok nito ay puti. Nang biglang sigawan

ng matipunong lalaki, lahat ng kulay sa mukha nito ay biglang nawala habang mahigpit na

hinawakan ang kaniyang apo sa takot at nilingon ang grupo ng mga kalalakihan na mukhang

walang gagawing mabuti.

Nangangatog ang matandang babae habang nakatingin sa mga kalalakihan, ang

nagmamakaawang mga mata ay wala sa sarili na napatingin sa ibang takas na nakatayo sa di-

kalayuan. Ngunit ang mga takas na iyon halos ay matatanda na rin tulad niya at ang iba'y

mahinang kababaihan. Hindi nga nila nagawang ipagtanggol ang mga sarili kaya bakit sila

mangaahas na makialam? Bahagyang iniwas nila ang mga tingin, pilit na iniwasan ang tingin ng

matandang babae.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko lumapit ka dito! Hindi mo ba ako marinig!? Kailangan ba na lumapit

pa ako diyan at kaladkarin ka papunta dito!?" Walang pasensyang sigaw ng matipunong

lalakiat galit na nakasimangot ang mukha. Sinenyasan niya sa pamamagitang ng mata ang mga

kalalakihang nasa kaniyang tabi at dalawa sa mga iyon ang mabilis na naglakad patungo sa

matandang babae at puwersahang kinaladkad ito patungo doon.

"Ano… Anong gagawin mo…" Hindi tugma ang matandang babae sa malalakas na kalalakihan.

Lumaban siya upang protektahan ang kaniyang apo ngunit pareho silang kinaladkad doon ng

dalawang lalaki.

Ang pinuno ng pangkat ay may pangungutyang tinitigan ang kinakabahang matandang babae

at sa matabang na boses ay sinabi nito: "Saan kayo patungo kanina?'

Mahigpit na niyakap ng matandang babae ang kaniyang apo sa kaniyang braso at maingat na

sinabi: "Sa ba… Bahay…"

"Sa bahay?" Alarmang napataas ang kilay ng lalaki at pinindot nito ang ilong sa maton na

paraan habang minamasdan ang matandang babae sa sulok ng mga mata at sinabi: "Sinasabi

mo ba na ang bahay mo ay isa sa mga tahanan na nandito?"

Malakas na napalunok ang matandang babae at may pag-aalangan na napatango.

Akmang ibubuka niya ang kaniyang bibig at hindi pa nakakagawa ng anumang ingay nang bigla

siyang tadyakan sa balakang ng lalaki, na naging dahilan upang matumba siya sa lupa!

"Makinig kang mabuti tanda! Sinong nagsabi sa'yo na ang lugar na ito ang iyong tahanan?

Bakit hindi ka umihi at tingnan mong maigi ang sarili mo doon? Ang isang pulubing tulad mo

ay may karapatan ba na manirahan sa magandang bahay?" Mabagsik na saad ng lalaki.

Dahil sa tindi ng tinamo, ang matandang babae ay halos mawalan ng ulirat sa lupa at walang

lakas na makatayo. Ang mahina na niyang katawan ay tila magkakahiwalay habang nanginginig

na nakahandusay siya sa lupa. Ang bata ay napaluhod sa lupa at minasdan ang kaniyang lola

habang ang malalaking musmos na mata nito'y umaapaw sa luha.

Ang eksenang nalatag sa kanilang harapan ay nagpagulat sa puso ng ibang mga takas na

naroon, takot at ligalig ang bumalot sa kanilang mga dibdib. Hindi sila nangahas na lumapit

upang tulungang makatayo ang matandang babae at tanging nagawa ay panoorin ang mga

sangganong iyon na gawin ang mga masasama nilang gawain.

"Lola… Lola…" Nahihirinan na tawag ng bata, ngunit tanging ungol lamang ang nagawa ng

matandang babae.

Ang matipunong lalaki ay tinapunan ng tingin ang mga nahihintakutan na mga takas na nasa

paligid niya at ang puso niya ay napuno ng galak. Sinipa niya papalayo ang bata at marahas na

tinapakan ang hita ng matandang babae. Ang malakas na pagtapak na iyon ay nagdala ng

isang malutong na pagbali at isang kaawa-awang palahaw ang lumabas mula sa bibig ng

matandang babae. Ang palahaw na iyon ay labis na magaralgal sa tainga, parang isang kidlat

na tumama sa mga puso ng nagkumpulang manonood!

"Ikaw matandang hukluban! Para sabihin ko sa iyo! Ang lugar na ito ay hindi tirahan ng mga

basurang katulad mo! Kung gusto mong patuloy na tumira dito, maaayos yan! Sampung taels

ng pilak bawat isang tao araw-araw!" Sigaw ng lalaki at inilipat ang tingin sa mga

nahihintakutang takas na nasa paligid niya.

[Sampung taels ng pilak!]

Hindi maka-imik na natigagal ang mga takas. Hindi nga nila magawa na makapaglabas ng isang

tanso mula sa kanilang katawan, ano pa kaya ang sampung taels ng pilak.

Bab berikutnya