webnovel

Pakikipagsabwatan sa Kasamaan (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Ano iyon?" Mabilis na tanong ng City Lord.

Sumagot si Luo Xi sa malamig na singhal: "Ang taong iyon ay hindi nagtatrabaho para sa

kagalang-galang."

"Paano mo nasisiguro?" Naguguluhang tanong ng City Lord.

Nalipat ang tingin ni Luo Xi sa City Lord at agad may kumislap na paghamak sa mga mata niya,

ngunit nagawa niyang takpan iyon. "Simple lang. Gaano ba kalakas ang kagalang-galang? At

ang Clear Breeze City ngayon ay nasa ilalim na nating dalawa. Kung nais ng kagalang-galang na

magawa ang isang bagay, bakit aabalahin pa niya ang sarili na mag-utos ng isang tao upang

gumasta ng napakaling halaga ng salapi upang bilhin ang asyenda? Kung ang kagalang-galang

ay nais ang mga iyon ay sinabi na lamang sana niya sa iyo upang asikasuhin iyon imbis na

lumustay ng mg ginto."

Sa wakas ay napagtanto ng Lord ng City ng mabatid niya ang halaga ng salapi na ginasta ni Jun

Wu Xie sa mga asyendang iyon ay hindi maliit na halaga lang!

"Bukod doon, may isang bagay pa. Alam nating pareho ang dahila kung bakit ang kagalang-

galang ay inutusan tayo na papasukin sa siyudad ang mga takas. At sa ganitong uri ng

kondisyon na inilaan sa mga takas ngayon, hindi ba laban iyon sa tunay na intensyon ng

kagalang-galang? Huwag mo sabihin sa akin na nais ng kagalang-galang na makabangon ng

mga takas hanggang sa ang mga ito'y maging malakas at malusog bago sila dalhin sa kanilang

kamatayan gamit ang lason sa kung saan man?" Ang isip ni Luo Xi ay saglit na nalinawan. Hindi

niya alam kung magkano ang ginasta ni Jun Wu Xi upang mabili ang mga asyendang iyon noon

ngunit nang marinig niyang binanggit ng tindero ang halaga kanina, ay talagang natigagal siya.

At dahil doon ay nasiguro niyang ang taong iyon nasa hilaga ng siyudad ay hindi sugo ng

kagalang-galang.

"Leche. Kung ang taong iyon ay hindi sugo dito ng kagalang-galang, ano ang tunay na

binabalak ng nilalang na iyon?" Saad ng City Lord na nayayamot.

Umiling si Luo Xi. Hindi niya magawang masiguro ang puntong iyon sapagkat ang kabilang

partido ay naglalaan lamang ng tirahan para sa mga takas sa ngayon at bukod doon ay wala

nang iba pa.

"Bakit hindi… muna natin hayaan ang taong iyon sa ngayon. Kung sabagay, ang araw-araw na

gastusin para sa mga takas ay hindi hamak na halaga. At dahil bukal sa kaniya na tulungan

tayong itaguyod ang mga takas na iyon, hindi ba't maganda na makakatipid tayo sa mga

gastusin?" Ang tusong paraan ng City Lord ay nakalatay sa buong mukha nito, hindi maitago

ng mga mata ang di-maikubling kasakiman.

Suminghal sa pagkadisgusto si Luo Xi at ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay naging

masungit. "Yan ay isang pangarap. Ang kinakain lang naman ng mga takas na iyon sa araw-

araw ay tinapay. Gaano ba kalaki iyon para sa iyo? Ang inutos sa iyo ng kagalang-galang ay

pahintulutan ang tatlong daang matatanda at mahihinang kababaihan na may mga anak

papasok sa siyudad araw-araw ngunit sa halip ay lihim mong inuutos sa iyong mga tauhan na

tumanggap ng mga suhol upang hayaan ang mga mayayamang mangangalakal na makapasok

sa siyudad nang walang dahilan at nakakuha ng kaunti sa ambag. Tingin mo ba talaga na

walang kamalay-malay ang kagalang-galang sa lahat ng iyon?"

Kumabog ang puso ng City Lord. Ang payagan ang mga mayayamang mangangalakal na

makapasok ay isang pribadong desisyon na kaniyang lihim na ginawa sa likod ng kagalang-

galang, at nang maisip ng City Lord kung anong uri ng kapangyarihan mayroon ang kagalang-

galang, ay bigla siyang nabasa ng malamig na pawis.

"Young Master Luo… Tingnan… Tingnan mo ang iyong sinasabi…" Saad ng City Lord na may

pilit na tawa.

"Hah! Para sabihin ko sa iyo. Malinaw na alam ng kagalang-galang ang hilig na mayroon ka sa

iyong isip ngunit mas pinili niyang ipikit ang mata sa mga bagay na iyon at hayaan ka na

magkamkam ng salapi. Ngunit kung mangaahas ka na guluhin ang plano ng kagalang-galang,

ang mga kaparusahan ay hindi mo kakayanin! Nais ng kagalang-galang na ang mga mahihina

at sakiting matatanda ay manatili sa kampo at hayaang mabuhay. Kung sila'y mahuhustuhan

sa pagkain at inumin, palagay mo ba'y magiging madali pa rin na kontrolin sila matapos iyon?

Isipin mo iyang mabuti. Halos humigit sa isang libong takas at nais mo pa rin kagatin ang maliit

na halaga ng salapi. Talaga bang pagod ka na mabuhay!?" Hindi matiis ni Luo Xi na makita ang

matinding pagnanasa sa salapi ng City Lord at kung hindi lamang nito dala-dala ang titulo na

Lord ng Clear Breeze City ay hindi na nanaisin ni Luo Xi na makihalo-bilo sa taong katulad nito.

Dahil sa napagsabihan ni Luo Xi, ang mukha ng City Lord ay biglang namutla.

"Tungkol sa bagay na ito, iiwan ko na iyon sa iyo upang iyong ayusin. Kung hindi mo ito

mahahawakan ng maayos, ipaliwanag mong mag-isa sa kagalang-galang! Huwag mo

kalimutan, ang mga tauhan mo ang nagbenta ng mga asyendang iyon sa kabataan!" Agad

nang tumayo si Luo Xi at umalis pagkasabi niyon, hindi na nais na manatili ng ilang sandali pa

sa asyenda ng City Lord.

Bab berikutnya