webnovel

Muling Paglakad sa Panganib (8)

Editor: LiberReverieGroup

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang guwapong mukha na iyon na biglang lumapit sa kaniya, at nakakita

ng tuwa na lumalangoy sa mga mata ito. Isang kislap ang naglaro sa mata ni Jun Wu Xie at

bigla ay tumingkayad siya at nagtanim ng halik sa pisngi ni Jun Wu Yao.

Tila nanigas si Jun Wu Yao sa malamig na hangin.

Si Qiao Chu na nakatayo sa isang tabi ay tinakpan ang kaniyangmukha, isang matinding kirot

ang biglang sumaksak sa kaniyang puso… Mabubulag siya sa nakikita niya!

"Sa abot ng iyong makakaya." Saad ni Jun Wu Xie habang isang bahagyang ngiti ang namuo sa

sulok ng kaniyang labi. Bigla niyang napagtanto na ang paminsan-minsang pagpapakita ng

intimasiya mula sa kaniya ay nagdudulot sa dakilang demon lord na laging may mala-

demonyong ngiti sa mukha na manigas at mawala sa sarili, at pakiramdam ni Jun Wu Xie iyon

ay kawili-wiling katotohanan.

Ang makita ang laging nakangiti at misteryosong si Jun Wu Yao na biglang nagpapakita ng

gulat na ekspresyon tulad nito, ang kaniyang puso kahit paano ay nakakramdam ng… maliit na

pakiramdam ng kasiyahan.

[Kawili-wili, hindi ba?]

Kalmadong iniwas ni Ye Mei at Ye Sha ang kanilang mga tingin, napagtanto na mayroong tiyak

na disenyong nabubuo. [Noon, ay laging ang kanilang Lord Jue ang nanunukso sa Young Miss,

nanagiging dahilan na mamula at mahiya ang Young Miss. Ngayon… ang Young Miss ay natuto

nang gumanti!]

[Ang mga paraan niya ng panunukso kay Lord Jue ay nagiging mahusay, at ginagawa iyon nang

napakatiwasay na parang iyon ay sa daliri lamang niya.]

Ilang sandali ang lumipas bago nabawi ni Jun Wu Yao ang kaniyang malay at tinitigan niya si

Jun Wu Xie, nakatayo ng tuwid at hindi alam kung tatawa o iiyak.

Ang munting nilalang niya ay mayroon nang masamang asal.

Ngunit…

Gusto niya iyon.

Puno ng "lugod at kasiyahan", banayad na hinimas ni Jun Wu Yao ang ulo ni Jun Wu Xie, bakas

sa mukha ang pagpapakasasa habang sinasabi: "Masusunod ang iyong hiling."

Pagkasabi nito ay humakbang siya paharan, at isang itim na usok ang namuo at umikot sa

kaniyang palad. Itinaas niya ang kaniyang braso at ang bolang itim ay ipinutok paharap na

kasingbilis ng kidlat, at sumabog sa lugar na nasa kanilang harapan!

Ang tanging nakita nila ay hindi mabilang na dami ng icicles ang sumabog sa ilalim ng itim na

usok. Sa harapan ni Jun Wu Xie at mga kasama, isang maliwanag at malapad na halos

isangdaang metro ang lapad ang lumatag sa kanilang paa. At hindi pa doon natatapos iyon,

dahil ang tunog ng yelo na pinapasabog ay nagpatuloy sa pandinig ng magkakasama, hindi

huminto agad, tuluy-tuloy, at walang katapusan…

'Thunk.'

Napanganga ang mga kabataan.

Ang malutong na tunog ng nabasag na yelo ay tumagal ng isang buong minuto bago iyon

nilukob ng makapal na hamog. Ang tunog ay unti-unting humina, at ang tunog ay tila hindi

iyon huminto, at sa halip ay…

Masyado na iyong malayo at hindi na nila ito gaanong marinig…

Halos gustong mapaluhod ni Qiao Chu sa harapan no Jun Wu Yao ng mga sandaling iyon!

[Ano ngayon kung ang pagpatay ay mamarkahan sa isang segundo?]

[Ano ngayon kung iyon ay tuluyang paglipo?]

[Kumpara kay Jun Wu Yao, Ye Sha at Ye Mei tayo ay mga mahihina alam niyo yun!]

Ang lapad lamang nito, ay mas mahaba na kumpara sa distansiya na ginawa ni Qiao Chu at ng

mga kasama niya kahit pagsama-samahin.

Sa sandaling iyon, malungkot na nakatulala si Qiao Chu sa langit at hindi makapag-salita. [Para

saan ang pagpapahiran nila sa kanilang mga sarili?]

[Sana ay hiniling nila kay Jun Wu Yao na gawin iyon sa simula pa lang at maaring nabuksan

niya ang buong daan para sa kanila sa isang pag-tira lamang!]

[at iyon ay talagang napakalapad!]

"Bigla akong may naalalang kasabihan." Biglang sabi ni Fei Yan.

"Anong kasabihan?" Tanong ni Fan Zhuo habang nakataas ang kilay.

"Ang may-kaya kapag nagpakitang gilas ay kamangha-mangha, habang ang walang kakayahan

kapag nagpakitang-gilas ay walang kuwenta." Saad ni Fei Yan, at ang mata niya ay natuon kay

Qiao Chu. *[Translator Note mula sa Cloud: mahabang Chinese na kasabihan na hindi ko alam

at isinalin ko sa abot ng aking makakaya at ayon sa aking naintindihan. Pagpasok ng Chinese

na parirala para sa talasanggunian at sa mga interesadong malaman. ""有实力的装逼叫牛逼,

没实力的装逼叫傻逼"]

"PFFFT!" Hindi gaanong mapigilan ni Fan Zhuo ang pagtawa sa pahiwatig.

Ano ang pagkakaiba?

Ito na iyon.

Pumalahaw si Qiao Chu at ibinaon ang kaniyang mukha sa mga palad. Bagaman nais niya

talagang bugbugin si Fei Yan ngunit… siya mismo sa kaniyang sarili ay sumasang-ayon na ang

mga salitang iyon ay may kabuluhan kaya ano ang magagawa niya!!?

[Kumpara kay Jun Wu Yao, tunay na naisip niya na ang ginawa niya kanina, ay talagang…

talagang… Walang kuwenta…]

Hindi pinansin ni Jun Wu Yao ang palahaw ni Qiao Chu sa halip ay lumingon siya kay Jun Wu

Xie, nakangisi ito at tinanong: "Tama na ba?"

"Tama na…" Hindi makapagsalita si Jun Wu Xie. Bakit ba pakiramdam niya ay sinadya ni Jun

Wu Yao na ito ang huling dumurog sa icicles dahil sa layunin na nais nitong gumawa ng

kapaligiran para sa maganda at nakasisindak nitong pagtatanghal?

[Ehem, masyado niya lang iyon iniisip.]

Kung alam lamang ni Ye Sha at Ye Mei ang tumatakbo sa isip ni Jun Wu Xie, siguradong

sasabihin nito sa kaniya.

Young Miss, may katuwiran na mag-isip ka ng ganiyan!

Bab berikutnya