webnovel

Imperial City sa Panahon ng Krisis (3)

Editor: LiberReverieGroup

Sa labas ng Imperial City, sa likod ng tatlong bansa nanunuod ang Commander in Chief ng Condor Country habang nilalamon ng apoy ang lungsod. Sa tabi nito, isang batang nakasuot ng puti ang nakaupo sa kabayo habang nakatitig din sa Imperial City. Bakas ang ngiti sa mga labi nito.

"Isang maliit na bansa at nagtulong-tulong pa kayo? Ganito ba kahina ang Condor Country?" Saad ng gwapong binata saka sumulyap sa Commander ng Condor Country. Nasa mata nito ang pagkutya at wala ni katiting na bakas ng pagrespeto.

Sumagot naman ang Commander in Chief ng Condor Country: "Gayong maliit lang ang Qi Kingdom, ang maliit na tinik ang mahirap lunukin. Wala pa sa kalahati ng Condor Country ang liit ng Qi Kingdom ngunit hawak nila ang pinakamalakas na pwersa ng sundalo. Kung wala ang mga sundalong iyon,matagal nang nawala ang Qi Kingdom."

Kahit na matatalo na ang Qi Kingdom, lihim niyang tinitingala ang sandatahang ito. Kahit na babagsak na ang bansang ito ngayon, hanggang sa huli ay mananatiling magiting ang Rui Lin Army.

Hindi kasalanan ng Rui Lin Army ang pagbagsak ng Qi Kingdom kundi dahil sa dating Emperor.

"Ha, rason lang 'yan at hindi bebenta sakin. Sa lugar na ito, may matatawag ka ba talagang magigiting na sundalo? Sigurado akong sadyang mahihina lang talaga kayo at kailangan niyo pang makipagkampihan sa tatlo pang bansa. At hindi lang iyon, kinailangan niyo pa ng kalahating buwan para gawin iyon. Talaga ngang wala kayong silbi." Patuloy na pangungutiya ng binata.

Kumunot ang noo ng Commander in Chief ng Condor Country. Pinipigilan niya ang inis na nabubuhay sa kaniyang puso.

"Ang pinangako ko sa'yo ay paniguradong matutupad."

Sumulyap ang binata sa Commander in Chief at sinabing: "Bakit mukhang naiinis ka na? Ang pangyayaring ito ay ipinakiusap samin ng inyong Emperor. Kung hindi dahil sa pagmamakaawa niya, maraming gustong kumampi samin. Kung wala kayong mga taga-Condor Country, maaari pa rin kaming makahingi ng tulong sa Fire Country. Isa pa, walang mawawala sa Condor Country. Makukuha namin ang aming gusto kapag napabagsak namin ang Qi Kingdom, habang ang inyong bansa naman ay madadagdagan pa ang kapangyarihan, kaya bakit naman hindi?"

"Anong gusto niyong mangyari?" Hindi mapalagay na tanong ng Commander in Chief. Nasa dalawampung taong gulang pa lang ang binata ngunit malakas na ang kapangyarihan nito. Sila ay lihim na nakipag-ugnayan sa Emperor ng Condor Country. Matapos nilang pabagsakin ang Qi Kingdom, tutulungan nila ang binata na matagpuan ang hinahanap nito.

Sumagot naman ang binata: "Iyan ang bagay na hindi mo na dapat alamin."

Nagtagis ang mga bagang ng Commander in Chief ng Condor Country.

Subalit isang ingay ang kanilang narinig mula sa kanilang likuran!

Lumingon ang Commander in Chief ng Condor Country at nasalubong niya ang isang batalyon ng mga sundalo na patungo sa tatlong bansa mula sa likuran!

Nakaporma ang mga itong lulusob sa tatlong bansa. Nakasuot ang mga ito ng kalasag na gawa sa tubo at may mga hawak na patalim. Ang iba pa sa mga ito ay ang gamit sa pagsasaka ang hawak.

Nagtatakang tumingin ang binata sa mga ito at maya-maya ay humagalpak ng tawa: "Hahaha! Hahaha! Ito na ang Qi Kingdom? Hahaha! Ito ang sundalo ng Qi Kingdom? Diyos ko! Nakakatawa! Ito na ang pinaka-nakakatawang bagay na nakita ko!"

Nagulat ang Commander in Chief ng Condor Country, "Hindi iyan ang sundalo ng Qi Kingdom, kundi ang mga mamamayan lang ng bansang ito."

Bab berikutnya