webnovel

Magdusa Sa Sariling Kagagawan 4

Editor: LiberReverieGroup

[Emperador ng Fire Country?!]

Habang nakasalampak sa sahig, hindi makapaniwalang tiningnan ni Lin Feng si Jun Xie.

Tahimik na nakaupo si Jun Xie, walang mababakas ng pagkagulat sa kaniyang mukha. Ngunit ang mga

mukha nila Xiong Ba at Qing Yu na sumama kay Jun Xie mula sa Fire Country ay puno ng pagkagulat ang

mga mata!

[Si Jun Xie ang Emperador ng Fire Country?! Paanong nangyari iyon? Nang pumunta sila dito kasama si

Jun Xie, wala silang nabalitaang ganoon!]

Kung titingnan si Jun Xie, ito ay kalmado lang ngunit ang totoo, siya ay nagtataka. Alam niya na hindi

niya tinanggap ang hiling ni nLei Chen at hindi niya rin tinanggap ang maging Emperador ng Fire Country.

Ngunit si Qu Xin Rui ay sinabi na tila ito ay may katotohanan.

Kung totoo nga ito, ang rason kung bakit maganda ang trato ni Qu Xin Rui kay Jun Xie ay dahil gusto

nitong makuha ang loob ni Jun Xie.

Hindi alam ni Jun Xie kung paano siya naging Emperador ng Fire Country, at dahil sa dagdag katauhan na

ito, ang atensyon ng lahat ng bisita ay napunta sa kaniya. Maaring dahil dito kung kaya hindi na

binigyang pansin ang insidente kung saan kinain ng buo ng Guardian Grade Spirit Beast niya ang Devious

Wyvern at kung bakit naging mabait ngayon si Qu Xin Rui, ngunit ang lahat ng ito ay dahil sa may

kailangan ito mula sa Fire Country.

Natatawa si Jun Wu Xie sa lahat ng mga nangyayari. Maganda na mali ang akala ni QuXin Rui sa kaniya at

wala na siyang balak magpaliwanag pa.

Ang buong katawan ni Lin Feng ay sumasakit at nang marinig niya ang mga salitang iyon, ang lahat ng

nararamandamang sakit ay tila nakalimutan habang blanking nakatingin sa kaniyang ama, ang lahat ay

naunawaan niya na.

Kung bakit hindi na binigyang pansin ni Qu Xin Rui ang paagkawala ng Devious Wyvern kay Jun Xie at

kung bakit walang binitawang kahit isang salita si Lin Que tungkol kay Jun Xie matapos itong bumalik

mula sa Heavenly Cloud Chambers. Naisip ni Lin Feng nab aka nalaman ng kaniyang ama ang tunay na

katauhan ni Jun Xie kung kaya hindi na gumawa ng kahit ano laban dito. Ngunit dahil siya ay

pinaparusahan ng panahong iyon, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Lin Que na sabihin sa anak ang

tunay na katauhan ng Jun Xie.

Sino ang mag-iisip na na ang Emperador ng isa sa pinakamalakas na nasyon ay ang kabataang nasa harap

niya ngayon?

Kahit si Qu Wen Hao ay nanlalaki ang mga mata sa nalaman, wala siyang narinig na ganito mula sa kay

Qu Lin Yue.

"Ang aking batang anak ay naging tanga at mapangahas at ako bilang iyong tagasilbi ay kinokondena ang

mga ginawa niya sa araw na ito. Hayaan niyong disiplinahin ko siya at turuan ng leksyon at hindi ko na

hahayaan ang mangyari ang ganitong pagkakataon muli." Pangako ni Lin Que, hindi na niya inabala pang

isipin si Jun Xie, ang kaniyang inuna ay ang paghingi ng paumanhin upang mailigtas ang kaniyang anak.

Ngunit…

Si Qu Xin Rui ay hindi kilala bilang mabait ka kahit kanino.

"Disiplinahin? Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang salitang ito. Ang katotohanan na si Lin

Feng ay gumawa ng gulo muli ngayon araw, at pinuntirya ang aking importanteng panauhin. Kung sa

tingin mo madali iyon ayusin, hindi ito gagana sa akin." Saad ni Qu Xin Rui, ang kaniyang mata ay

sumisingkit. Ipinalakpak niya ang kaniyang dalawang kamay at isang lalaki ang bumaba mula sa hagdan

at lumapit kay QU Xin Rui.

Halos mawalan ng ulirat si Lin Que nang makita ang lalaking iyon.

"Nagmamakaawa ako sa Dakilang Tiyahin na patawarin si Lin Feng kahit ngayon lang! Hindi na niya

uulitin ito!" mabilis na lumuhod muli si Lin Que at inilapat ang ulo sa sahig. Kahit mayroon ng balahibo

ng hayop bilang basahan sa sahig, malakas niyang iniuntog ang ulo sa sahig.

Ngunit hindi pinansin ni Qu Xin Rui si Lin Que.

"Kuhanin mo ang pangahas na ito at turuan mo ng leksyon. Dahil si Lin Que ay hindi ito disiplina ng

maayos, hayaan mong ako ang dumisiplina sa kaniya ngayon."

Bago pa matauhan si Lin Feng, ito ay pinulot na ng lalaki gamit lamang ang isang kamay nito!

Bab berikutnya