webnovel

Ang Humamon (2)

Editor: LiberReverieGroup

Kinaumagahan ay isinama ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa Spirit Beast Arena.

Nais sumama ng Sacrificial Blood Rabbit ngunit hindi pa lubusang magaling ang kaniyang

katawan. Kahit na nagmamakaawa itong umiyak at umarte na kaibig-ibig ay hindi pa rin nadala

si Jun Wu Xie. Kaya wala itong nagawa kungdi ang tumayo sa may bintana habang nakataw sa

likod ni Jun Wu Xie, malungkot na iwinagayway ang munting palad.

May ilang sandali na ring naghihintay si Qing Yu sa labas ng tarangkahan ng Fiery Blaze Clan

Hall at nang matanaw si Jun Xie ay walang magawa na bumunting-hininga ito.

"Talaga bang pupunta ka doon ngayon?"

Tumango si Jun Wu Xie.

At dahil wala na talaga siyang magawa ay napabuntong-hininga na lamang si Qing Yu at

sinamahan si Jun Xie patungo sa Spirit Beast Arena.

Si Lord Meh Meh hinangaan sa Spirit Beast Arena kahapon at nakuha nito ang atensyon ng

karamihan. Nang marinig ng lahat na ang isang munting Spirit Beast na mababa ang uri ay

naglakas loob na hamunin ang nangungunang ranggi ng Spirit Beast Arena na Six Armed Black

Ape ay maagang nagsipuntahan sa Spirit Beast Arena upang masaksihan ang

pinakainaabangan na palabas.

Ang Six Armed Black Ape ay hindi pa natatalo sa mga nakaraang laban nito at wala ni isa man

sa mga Spirit Beast ang nagawang saktan ito kahit kaunti. Maaaring sabihin na sa lahat ng

mababang uri ng Spirit Beast, ang Six Armed Black Ape ay maaaring ibilang sa

pinakadominante at mabangis na hayop. Lahat ng nakasaksi sa bangis ng Six Armed Black Ape

noon ay sabik na makitang muli ang kalupitan ng Six Armed Black Ape.

Bagama't maaga pa lamang, ang Spirit Beast Arena ay puno na ng mga tao. Bukod sa nais

nilang makita muli ang Six Armed Black Ape, ang mga tao ay nakaramdam ng pag-uusisa kay

Lord Meh Meh ni Jun Xie.

Lahat ng mga tao na nakita si Lord Meh Meh sa laban kahapon, hanggang ngayon ay hindi pa

rin magawang maunawaan kung gaano kalakas ang isang malambot at mahinang tupa na

nagawang itaboy ang napakaraming Spirit Beast sa pamamagitan lamang ng isang unga.

Si Shangguan Miao ay maagang nakarating sa Spirit Beast Arena. Nakatayo siya sa ibaba ng

battle platform kasama ang kaniyang mga kasamahan na nakapalibot sa kaniya. At dahil sa

ang Six Armed Black Ape ay napakalaki ay hindi muna ito pinayagan na dalhin doon hangga't

hindi pa nag-uumpisa ang laban.

"Andito na siya! Siya iyon! Iyon si Jun Xie!" nakita ng isang kabataan na nasa tabi ni Shanggun

Miao si Jun Xie nang maglakad ito papasok kasama si Qing Yu at madali ay sumigaw siya upang

sabihin iyon kay Shanggun Miao.

Naningkit ang mata ni Shanggun Miao habang tinitingnan ang binata na humamon sa kaniya.

Sa isang sulyap na iyon ay mabilis na tumindi ang pagkamuhi na namumuo sa sulok ng

kaniyang labi.

Ang nakita niya ay isang pino at mahinang binata na may kargang mabalahibong tupa na Spirit

Beast na mukhang walang kakayahan na lumaban. At habang papasok sila sa Spirit Beast

Arena, ang sulyap ni Shanggun Miao ay tahasang sinukat ang kalaban nang walang pagtatago,

tiningnan si Jun Xie mula ulo hanggang paa, ang poot sa kaniyang kalaban ay kitang-kita ng

lahat.

"Ang kaniyang Spirit Beast ba ay iyong nasa kaniyang braso?" mapanghamak na tanong ni

Shanggun Miao habang tinititigan si Lord Meh Meh na nasa braso ni Jun Xie.

"Iyon nga."

"Ha! Ang Spirit Beast na iyon ay nagawang manalo ng sampung magkakasunod na laban!? Ibig

ba sabihin niyan ay tanging mga pusa at aso lamang ang narito sa Spirit Beast Arena

kahapon?" tingin ni Shanggun Miao ay isa iyong kalokohan na ang isang Spirit Beast na tulad

nun ay mananalo ng sampung magkakasunod na laban. Kung makalabas ang tungkol doon,

hindi ba't tila isang malaking kalokohan iyon?

"Ang Spirit Beast na iyon ay kakaiba. Narinig ko mula sa mga kalahok kahapon na ang Spirit

Beast ay walang ginawa sa battle platform kungdi ang isang beses na pag-unga sa kalaban at

ang mga Spirit Beasts ay isa-isang natumba sa takot at nawalan ng kakayahan na lumaban."

"Oh? Anong ibig sabihin nun? Isang unga at natakot na ang mga Spirit Beasts? Wala pa akong

alam na may ganoong uri ng Spirit Beast na nabubuhay sa ilalim ng Heavens." naramdaman ni

Shanggun Miao na ang mga ganoong sabi-sabi ay hindi dapat paniwalaan. Kung ang panalo ay

ganoong kadali lamang makukuha kung gayon, ang Spirit Beast Arena ay dapat ipasara! Sinong

may pakialam kung ano ang tunay na nangyari dito kahapon, si Shanggun Miao ay hindi

pinaniwalaan ang lahat ng sinasabi ninuman tungkol doon.

Bab berikutnya