webnovel

Itaas Ang Tabing (6)

Editor: LiberReverieGroup

"Blood of Kin?" Tumaas ang kilay ng Emperador at tinitigan ang Manggagamot ng Emperyo, walang

ideya kung ano iyon.

Ang Manggagamot ng Emperyo ay nanatiling nakaluhod at sekretong napalunok bago nagsalita: "Isang

uri ito ng lason na nakakapagpababa ng dugo ng biktima. Bagama't ang bisa ng lason ay hindi malakas,

ngunit mabagal humilom ang mga sugat ng biktima. Ang lason ay sumasama sa sirkulasyon ng dugo kung

saan pinipigilan nitong maghilom ang sugat kung kaya nagkakaroon ng matinding pagdugo ng sugat at

pagkawala ng dugo ng biktima."

"Ano ang ibig sabihin nito?" Iniisip ng Emperatris ang mga sinabi ng Manggamot ng Emperyo na medyo

pamilyar sa kaniya kaya bigla siyang nagtanong.

Nagsalita ang Manggagamot ng Emperyo, "Ang sugat sa leeg ng ika-apat na Prinsipe ay hindi gaanon

kalubha, ngunit dahil sa epekto ng Blood Kin, ang sugat niya ay hindi agad na maghihilom na naging

sanhi ng kasalukuyang pagdurugo at pagkawala ng napakaraminf dugo…."

Sa gulat ng Emperatris napahawak ito sa kaniyang dibdib at ang mukha ng Emperador ay hindi maipinta

sa bawat minutong lumilipas.

"Wala bang ibang paraan para mapawalang bisa ang lason?" Sa sandaling iyon biglang napuno ng

pagkamuot ang Emperador sa may sala. Ang sugat na natamo ng ika-apat na Prinsipe ay maliit lamang,

ngunit ang maliit na botre ng lason na iyon ay sapat na para ang isang maliit na sugat ay maaaring

ikamatay!

Nababalot ng malamig na pawis ang manggagamot ng imperyo. Pinunasan nito ang gamonggong pawis

sa noo nito bago nagsalita. "Binigyan na ng iyong mga tagalingkod ng pangpadami ng dugo ang

kamahalan upang pansamantalang maibsan ang pagka-ubos ng dugo. Ngunit para tuluyang mawala ang

lason ng Blood of Kin, mayroon ng natatanging paraan! Ang pangalang Blood of Kin ay nanggaling sa

paraan kung paano ito mapapawalang bisa."

"Kung gayon, sabihin mo!" Gusto nang sipain ng Emperador ang masatsat na manggagamot ng imperyo.

"Kailangan ng… dugo ng kamag-anak ng biktima at iba pang medisina pangsuporta bago ito magkaroon

ng bisa." Pagkatapos nito magsalita, ang manggagamot ng imperyo ay yumukod ng tatlong beses, ang

ulo nito ay marahang lumalapat sa sahig.

"Dugo ng kaniyang kamag-anak?" Saglit na nabigla ang Emperador at mabilis na nagtanong pagkatapos,

"Ang dugo ban g magkapatid ay magkakabisa?"

Mabilis na sumagot ang manggagamot ng imperyo "Kung ang dugo ng kapatid ng biktima ang gagamitin,

kailangan pareho silang ipinanganak sa parehong nanay at tatay. Ang magbibigay ng dugo ay dapat lalaki

para magkaroon ito ng bisa."

Dahil sa mga sinabi ng manggagamot ng imperyo, ang Emperador ay napatahimik habang sa kabilang

banda naman, ang mukha ng Emperatris ay halos mawalan na ng kulay dahil sa mga narinig. Sa kaniyang

pagod na mga mata, maliban pa sa pag-aalala niya sa kay Lei Fan, nakakubli ang matinding takot na hindi

napapansin ng iba.

Ang manggamot ng imperyo ay na nanatiling nakaluhod ay mas lalong naginginig. Alam ng lahgat na ang

ika-apat na prinsipe na si Lei Fan ay anak ng babe nito na namatay na. Ang dalawa ay nagkaroon lamang

ng isang anak kun kaya walang ibang biolohikal na kapatid si Lei Fan.

Kung kaya naman, ang natatanging tao na makakaligtas kay Lei Fan ay ang Emperador mismo!

Ang dalawang kamao ni ng Emperador ay mahigpit na nakakuyom. Si Lei Fan ang kaniyang paboritong

anak na lalaki at kahit iniisip niya rin ang kaniyang sariling kaligtasan, hindi niya hahayaan na makita si

Lei Yan na mawalan ng buhay.

Nanatiling tahimik ang Emperador bago ito nagtanong "Gaano karaming dugo ang kailangan?"

Tugon ng manggagamot ng imperyo, "Tatlong mangkok ng dugo ang kailangan at dapat maibuhos agad

ito sa lalamunan ng ika-apat na prinsipe pagkatapos makuha ang dugo sa kamag-anak nito dahil kung

matagalan ito, hindi ito magkakaroon ng bisa."

Ang tatlong mangkok ng dugo ay sapat na para higit na makaapekto sa sa katawan at kalusugan ng isang

tao. Nagsalungat ang kilay ng Emperador at ibubuka pa lamang niya ang kaniyang bibig upang magsalita

ng biglang lumuhod ang Emperatris sa harap ng Emperador!

"Alam kong mahal ng Emperador si Little Fan, ngunit ang kamahalan ay ang anak ng kalangitan, bakit

natin hahayaang mailagay sa peligro ang katawan ng dragon para lamang makakuha ng dugo mula rito?

Maraming dugo ang kinakailangan. Kung ipapagpatuloy ng kamahalan ito, ang katawan ng kamahalan ay

mailalagay sa alanganin! Nagmamakaawa ako sa iyo kamahalan na huwag mo itong iituloy." Umiiyak na

nagmamakaawa ang Emperatris.

Bab berikutnya