"Bakit ang Grand Adviser ay nagbalik sa piging kasama si little brother Jun?" hindi lumilingon si Lei Chen ngunit ang kaniyang mga sinabi ay direkta sa Grand Adviser na aalis na sana sa kaniyang tabi.
Nagtanong si Wen Yu: "Ano ang ikinababahala ng Kamahalan?"
Nakasimangot si Lei Chen nang ito ay lumingon, matalim ang tingin kay Wen Yu.
"Kung anuman ang nais gawin ng Grand Adviser ay hindi ko hahadlangan. Ngunit sa nais kong gawin, umaasa ako na ang Grand Adviser ay hindi makikialam. Malapit ako sa mga taong iyon na nagmula sa Zephyr Academy at hindi ko ikakatuwa kung may plano ang Grand Adviser laban sa kanila."
Nang makita niya ang matalim na titig na ibinibigay sa kaniya ni Lei Chen, ay wala siyang magawa kundi bumuntong-hininga habang sinasabi: "Kung gayon, patawarin mo ako kung kita'y mabibigo Iyong Kamahalan. Sinabi ko kay Young Master Jun na lisanin na agad ang Imperial Capital.
"Ano!?" pinandilatan ni Lei Chen ang Grand Adviser hindi ito makapaniwala, ang kamay na nasa loob ng kasuotan ay nakayukom!
"Nangako ka sa akin noon na hindi ka makikialam sa pagitan ko at ni Lei Fan! Dapat mo malaman na gagamitin ko ang kapangyarihan na mayroon ang Zephyr Academy ngunit sinabihan mo sila na lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon!? Lord Grand Adviser! Ano ba talaga ang plano mo!? Nais mo ba talagang tulungan ang iyong Emperor!!?"
Galit na pinagsalitaan ito ni Lei Chen. Kung hindi niya pinigilan ang kaniyang sarili siguro ay nakapagbitaw siya ng suntok sa mukha ni Wen Yu.
Kalmadong tumingin si Wen Yu sa mukha ni Lei Chen na puno ng galit at naramdaman niya na parang unti-unting pinupunit ang kaniyang puso. Nakita ng kaniyang mga mata ang paglaki ng batang ito. Matapos ipanganak si Lei Fan, ay naging saliwa ang posisyon ni Lei Chen at hindi makayanan ni Wen Yu na makita ang isang bata na maging paksa ng walang tigil na pakana at mapanirang plano sa loob ng palasyo kaya hinilingniya sa Emperor na pahintulutang maging disipulo niya Lei Chen, iniisip na gagamitin niya ang kaniyang posisyon bilang Grand Adviser upang protektahan ang bata. Ngunit ng madiskubre ni Lei Chen ang katotohanan, ang masayang pagkukunwari sa palasyo ay hindi na maipagpapatuloy pa.
"Alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit kasama ko si Jun Xie pabalik sa piging?" napapagod na tanong ni Wen Yu.
Suminghal si Lei Chen at sinabi: "Hindi ba't sinabi mo na? Nais mo na lisanin niya ang lugar na ito sa lalong madaling panahon! Upang tanggalin ang haligi ng aking supporta!"
Umiling si Wen Yu.
"Nasa labas ako ng pintuan ng piging kanina at hinihintay ang pagdeklara para ako ay pumasok, ngunit hindi pa ganoon katagal nang sabihin ang aking pagdating, ang Fourth Prince ay biglang lumabas mula sa piging kasama si Jun Xie at ng mga sandaling iyon ay hindi ko pa nakukuha ang pagdedeklara. Hindi mo ba naisip na iyon ay kakaiba?"
Sumimangot ang mukha ni Lei Chen. Naisip din niyang medyo kakaiba nga iyon. Nang matanggap ng Emperor balita na dumating si Wen Yu, imbes na papasukin muna si WenYu sa palasyo ay inutusan niya si Lei Fan na akayin palabas si Jun Xie. Hindi normal ang mga pangyayari kanina.
"Hindi ko alam kung nararamdamin mo rin, ngunit aking naramdaman na mayroong hindi tama. Oo, alam ko na maganda ang samahan mo sa Jun Xie na iyon, at alam ko rin ang tungkol sa pagitan ninyo ni Lei Fan. Kaya upang maiwasan ang mga hindi inaasahan na mangyayari, sinundan ko sila at nakita ko ang pagbagsak ni Lei Fan sa lupa, kaya inutusan ko ang mga bantay na akayin siya pabalik. Nais ko lamang talaga makita kung anong uri ng personalidad mayroon ang Jun Xie na iyon at wala akong intensyon na hadalangan ang anumang plano na mayroon ka. Ngunit may nadiskubre akong kakaiba sa batang lalaking iyon."bahagyang tumaas ang kilay ni Wen Yu. Kung hindi niya nadiskubre ang bagay na iyon ay hindi siya mangaahas na sabihin kay Jun Xie na lumisan na.
"Ano iyon?" nagulat si Lei Chen at biglang nagtanong.
Sumagot si Wen Yu: "Ang Ring ng Imperial Fire."
Biglang nanlaki ang mata ni Lei Chen at hindi ito makapaniwala.
"Ring ng Imperial Fire!? Ang ibig mo sabihin ang parehong Ring ng Imperial Flame na pagmamay-ari ng Emperor ng Fire Country na bigla na lamang nawala noon!?" biglang nagbago ang boses ni Lei Chen. Hindi niya naisip na ang nadiskubre ni Wen Yu ay ang Ring ng Imperial Fire!
Tumango si Wen Yu. "Tama, iyon na nga."