webnovel

Ang Piging (8)

Editor: LiberReverieGroup

Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang tinitignan ang mga papalapit na mga kabataan sa kaniya, unti-unting namuo sa kaniyang palad ang kaniyang spirit powers.

Nawala ang ngiti sa mukha ng mga kabataan at bigla silang nanlamig ng makita nila ang matinding green spirit power na nakapaloob at sumanib sa buong palad ni Jun Wu Xie…

Nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig sa nakakabulag na berdeng liwanag at bigla silang napaisip kung nilalaro lamang sila ng kanilang mga mata kaya kung anu-ano ang kanilang nakikita!

Ang munting batang iyon ay nasa labing-apat o labing-anim na taon lamang at ang kanilang akala ay nasa rurok lamang ito ng red spirit kaya kampante sila na hamunin ito sa isang away. Subalit, ng kanilang masaksihan ang hindi kapani-paniwalang liwanag ng green spirit ay biglang tumigil ang kanilang mga isip na para bang nakakita ng multo.

[Green spirit!]

[Mahabaging langit, isang green spirit!]

Lahat ng kabataan na nagtungo doon upang hamunin ng away si Jun Wu Xie ay nalaglag ang panga sa lupa.

[Isang labing-apat na taong gulang na green spirit! !]

[Imposible!]

Kahit sa isang mataas na paaralan tulad ng Dragon Slayers Academy ay wala pang nakita na isang labing-apat na taong gulang na green spirit noon. Kadalasan ay labing-pito hanggang labing-walong taong gulang ang pinakamalakas at ang mga iyon ay orange spirit lamang. Kahit ang pinakamalakas sa buong paaralan ay isang yellow spirit lamang at ang mga nakamit nito ay itinuring ng pambihira.

Alas…

Ang munting batang ito na halos hindi pa umabot sa kanilang balikat ang taas at mukhang napakahina ay isang green spirit! !

Sa isang iglap, ang mga kabataang iyon ay hindi na magawang tumawa. Ang kanilang mga ngiti ay nanigas sa kanilang mga mukha, ang mga mata ay puno ng pagkagulat at tila sila ay naging bato sa kanilang kinatatayuan.

Malamig na sinulyapan ni Jun Wu Xie ang nanigas na mukha ng mga kabataang iyon, ang kaniyang mga mata ay naniningkit.

"Sawa na kayo mabuhay?" naghiwalay ang kaniyang mapulang mga labi at ang boses niya ay nagdulot ng takot sa mga kabataang iyon.

Ang kanilang mga ulo ay bumaon sa kanilang mga balikat, pinipilit nilang maging mahinahon. Ngunit ang kanilang mga binti ay nanlambot habang titig na titig sila sa liwanag ng green spirit.

[Isa ba itong panaginip?]

[Labing-apat na taon at isang green spirit…]

[Maaaring isang panaginip lamang iyon!]

Hindi napigilan ng mga kabataan na mapangiwi habang dahan-dahan silang naglakad palayo. Nararamdaman na nila ang lupit ng sobrang kapangyarihan mula sa kumakalat na liwanag ng green spirit. Kahit na sila ay lima na magkakasama, ang pinakamalakas sa kanila ay isang orange spirit lamang at ang green spirit ay higit na mas mataas ng dalawang antas sa kanila!

Ang bilang nila ay walang silbi. Kahit doblehin pa nila ang kanilang bilang ay hindi pa rin nila kayang pantayan ito!

Ang malamig na tingin ni Jun Wu Xie ay sinulyapan ang grupo ng mga kabataan na ngayon ay namumutla na ang mga mukha at sa malamig na tono ng boses ay sinabi niya: "Kung nais niyo pa mabuhay, layas."

Hindi na nagsalita pa ang mga kabataan. Takot na takot silang pumalahaw at mabilis na nagsitakbo, tumakbo silang palayo sa nakakatkato na demonyo na gumapang palabas ng impyerno!

Kahit anong galing ng isang tao, ang makamit ang green spirit kadalasan ay nasa tatlumpung taong gulang na ito. At maituturing na pambihira na makamit ito. Nang ipakita ni Jun Wu Xie ang kaniyang green spirit sa mukha nitong labing-apat na taon ay talagang nakakatakot. Nadurog nito ng tuluyan ang kanilang nauunawaan sa mundo!

Maingat na nagtatago si Lei Yuan sa kadiliman at naghihintay sa isang magandang palabas ng masilayan niya ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy na nagtatakbuhan at tila takot na takot para sa kanilang mga buhay. At ito ay lubos niyang pinagtakhan. Ang mga kabataang iyon ay nakapalibot kanina kay Jun Xie kaya't hindi niya nakita ang reaksyon ni Jun Xie. At ng sa inaakala niya na ang mga disipulo ng Dragon Slayer's Academy ay aatake na, biglang nabahag ang mga buntot ng mga iyon at nag-alisan!

[Ganon lang! ?]

"Anong nangyayari? Bakit sila nagtakbuhan?" tinititigan ni Lei Yuan ang takot na takot na likod ng mga tumatakas na disipulo, makikita sa mukha niya ang matinding pagtataka habang ang tagapagsilbi sa kaniyang tabi ay nagsimulang manginig.

"Se… Second Prince… Second Prince, ti… ti…"

Bab berikutnya