webnovel

Pagpunta Sa Dulong Talampas ng Langit (3)

Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng mga dahon, ang liwanag ng buwan ay tumatagos at nakakagawa ng maliliit na patak ng ilaw sa damuhan, parang isang larawan ng mabituing kalangitan. Tahimik na nakatayo si Jun Wu Xie sa gitna ng mga ilaw na ito habang nagiikot si Lord Meh Meh at kumakain.

Biglang nakaamoy si Jun Wu Xie ng dugo at napasimangot siya sa di ka-aya ayang amoy.

Sa ilalim ng kadiliman ng gabi, nabahiran ang hangin ng ginaw sa mga puno at marahang nadaplosan ang mukha ni Jun Wu Xie. Dala ng hanging ito ang amoy ng dugo.

"Dugo ng tao iyon." Nagsalita ang maliit na itim na pusa habang inaamoy ang hangin sa paligid.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang direksyon kung saan nanggaling ang amoy na iyon. Walang ano man ang nasa bundok at walang ni isang Spirit Beast ang nakita. Kahit ang pinakaordinaryong mga halimaw ay hindi nakita kaya'y ang biglaang pagamoy ng dugo dito ay nakakapagtaka para kay Jun Wu Xie.

"Tignan ko ba?" Tanong ng maliit na itim na pusa habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Tumungo si Jun Wu Xie.

Mabilis na tumakbo't nawala ang pusa.

Sa pag alis ng pusa, si Lord Meh Meh na patuloy na nagiikot ay napatingin lang kay Jun Wu Xie panandalian bago nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Tahimik ang kapaligiran at tanging ang paghaplos lang ng hangin ang maririnig.

Biglang nanikip ang dibdib ni Jun Wu Xie. Ang pakiramdam na ito ay nagdulot ng mabigat na pakiramdam sa puso niya. Senyas yun na nanggaling sa maliit na itim na pusa!

Dali daling binuhat ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh at tumakbo patungo sa direksyon kung saan pumunta ang pusa.

Sa gitna ng madilim na kagubatan, isang malaking anino ang mabilis na gumagalaw sa mga puno. Maraming mga pana ang humahabol sa anino, ang matutulis na punto nito'y bumabaon sa mga puno.

Isang malaking itim na halimaw, kasing liksi ng isang panther, ang gumamit ng komplikadong lupain sa kanyang benepisyo para iwasan ang mga humahabol dito.

Nasa likod nito ang katawan ni Mu Qian Fan na nababalot sa dugo. Ang kanyang kamaong nababalot ng dugo ay nakakapit ng mahigpit sa halimaw, habang nagsusuka siya ng dugo. 

Sa likod nito, isang malaking pulang mantsa ang makikita at ang kanyang damit ay warak warak. Maraming mahalay na sugat ang makikita sa balat nito, ang nahiwang laman ay katakot takot at madugo.

Habang tumatakbo't tumatalon ang itim na halimaw, nagiiwan ito ng bakas ng dugo sa daan.

"Hindi ako aabot… Tumakas ka nalang magisa. Nagpapabagal lang ako. Dahil sakin, maabutan ka pa nila." Mahinang nagsalita si Mu Qian Fan, ang kanyang pagpilit magsalita ay nagresulta ng pagubo niya ng dugo.

"GRRR!" Sagot ng itim na halimaw, tila hindi sumasangayon sa sinasabi nito.

Bumitaw si Mu Qian Fan, pero bago pa ito dumulas sa likod ng halimaw, ang buntot nito'y pumulupot sa katawan ni Mu Qian Fan at idiniin sa likod ng halimaw.

"Niligtas ka ng maestra ko, di para hayaang kang mamatay sa lugar na ito. Kahit ayaw mo nang mabuhay, kailangan mong mabuhay!" Nagsalita ang halimaw gamit ang mga salita ng tao. Nagulat si Mu Qian Fan, pero masyado itong mahina para sumagot.

Inatake siya kanina, at sa mga panahong akala niya'y mamamatay na siya, nakita niya ang maliit na itim na pusang laging kasama ni Jun Wu Xie, at bigla itong nag-ibang anyo at naging isang malaking itim na halimaw na bumubuhat sakanya ngayon.

Nahatak ng halimaw na ito si Mu Qian Fan mula sa kanyang suliranin at sila'y nakatakas, pero hindi nila mailigaw ang mga humahabol sakanila.

Nakikita ni Mu Qian Fan ang onti-onting pag-abot ng mga humahabol sakanila. Kabadong kabado siya pero hindi na niya alam kung ano ang gagawn niya.

Karga karga si Mu Qian Fan sa likod niya, tuloy parin ang pagtakbo ng itim na halimaw, pero hindi magkatulad si Mu Qian Fan at si Jun Wu Xie. Isang ganap na lalaki ito at mabigat ang kanyang katawan. Ang bigat na ito'y nakaapekto sa bilis ng itim na halimaw.

Bab berikutnya