webnovel

Pagbalik sa Chan Lin (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Ginoong Jun, nandito ka." Sinabi ni Mu Qian Fan ng may tuwa.

Tumango si Jun Wu Xie.

Nagmadaling tumabi si Mu Qian Fan para papasukin sila: "Pasok kayo't maupo dito."

Pumasok sila Jun Wu Xie sa bahay at nakitang mas malala pa ang lagay sa loob ng bahay. Maliban sa isang sira-sirang kama at isang sirang mesa at upuan, ang bahay ay masasabing walang laman.

"*Sigh* Bakit parang pamilyar lahat 'to?" Tinignan ni Qiao Chu ang kabuoan ng loob ng kwarto at hindi mapigilang maalala ang mga makitid nilang tirahan, bago nila nakilala si Jun Wu Xie.

Sa loob ng mga taong iyon, mas malala pa ang lagay nila kaysa kay Mu Qian Fan.

"Marami kang nakuhang pera para dun sa itim na bato, bakit ka parin….." Tinanong ni Qiao Chu ng may gulat kay Mu Qian Fan.

Ang itim na bato ay nabenta niya ng ilang-daang taels at hindi ito maliit na halaga. Mas dadali ang buhay ni Mu Qian Fan kapag kumuuha siya doon.

Maingat si Mu Qian Fan sa kanyang sarili at tinignan ang mga kabataan, medyo nahihiya sa kanyang kahirapan: "Binigay ko lahat ng perang iyon sa mga pamilya ng mga kapatid ko sa hukbo. Marami sa kanila ang Puno ng tahanan at marami sa kanila ay mayroong matatanda at batang nakadepende sa kanilang ipon. Ngayong wala na sila, hindi ko magagawang iwan ang mga mahal nila sa buhay para sa sarili kong pagmamahal sa pera, diba? Buhay pa ako at may lakas pa para manatiling buhay. Mas kailangan ng kanilang mga pamilya ang pera kaysa sa akin."

Hindi lang binigay ni Mu Qian Fan ang lahat ng natanggap niya sa subasta, hinukay pa niya lahat ng ipong pinaghirapan niya at walang tinira sa kanyang sarili.

Nagtinginan si Qiao Chu at Fei Yan at naawa, kasama ang pagrespeto.

Nahihirapan na si Mu Qian sa kanyang pamumuhay, pero wala parin siyang tinira para sa sarili niya. Nahiya siya sa mga kapatid niyang pumanaw na at mas piniling magdusa kaysa gamitin ang perang bumawi sa buhay ng mga kapatid niya.

Baka dahil ito sa halatang awa sa mga mata ni Qiao Chu at Fei Yan, na mas nahiya si Mu Qian Fan.

"Maliit lang ang aking bahay, pasensya na. Gusti niyo bang….. maupo sa kama?" Lumapit si Mu Qian Fan sa kama at inalis ang kumot na nangingitim na. Sinubukan niyang alisin ang mga gusot ng kubrikama gamit ang kanyang kamay at tumabi ng nakangiti, inimbitahan sila Qiao Chu na umupo.

Nang makita ang lagay ni Mu Qian Fan, nasakal si Qiao Chu.

Para kay Qiao Chu, hindi mahalaga ang kayamanan ng isang tao, o ang kakayanan niya, kundo ang kung gaano ka dalisay ang puso nito.

Kay Mu Qian Fan, nakita niya ang responsibilidad ng lalaki, na naghihirap, ngunit hindi naghahanap ng yaman. Maliban sa kapangyarihan at kakayahan ni Mu Qian Fan, ang kanyang pagiging makasarili ay nagdulot na ng pagrespeto mula kay Qiao Chu at mga kasama niya.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang buong looban ng bahay at sinabing.

"Labas lahat." At tumalikod para lumabas.

Mas nahiya si Mu Qian Fan. Alam niya sa kanyang puso, na sa ganoong bahay, hindi dapat siya nagiimbita ng bisita. Bagaman ang mga kabataan sa harap niya ay bata pa, sa kanilang mga kasuotan, makikitang may yaman sila.

Sumunod sila Qiao Chu at lumabas, at sumunod si Mu Qian Fan sa kanila. Matapos niyang lumabas, maingat pang sinarado ni Mu Qian Fan ang kanyang pinto.

Hindi pa siya gumagaling mula sa mga sugat niya, at hindi pa makakapaghanap ng trabaho para makakita ng pera. Ang maliit niyang bahay nalang ang meon siyang panlaban sa hangin at ulan.

Gayunpaman, nakalayo lang ng kaunti si Mu Qian Fan mula sa kanyang bahay, naglabas ng baston si Jun Wu Xie na may baga at sinindihan ito. Binato niya ang apoy sa bubong ng bahay ni Mu Qian Fan!

Bab berikutnya