webnovel

Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (8)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi man ganoong matalino si Paniginoong Meh Meh ngunit ang magaling itong makipaglaban. Doble ang lakas ng isang suntok ng isang maliit na mabalahibong tupang ito. Ito ay isang magandang karagdagan kay Jun Wu Xie sa kaniyang paghahanap ng lakas at kapangyarihan.

Ni hindi na kailangan pang pumili ni Panginoong Meh Meh ng damong kakainin. Kuntento na siya sa kahit anong damo ang mayroon sa mga nilalakaran ni Jun Wu Xie.

"Ang pangalan niyan ay Panginoong Meh Meh? Ikaw ang nagbigay ng pangalan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Qiao Chu. 

"Ito ang nagsabi sa akin." Walang emosyong sagot ni Jun Wu Xie.

"..." Isang hindi kapani-paniwalang Spirit Beast ito, hindi lamang ito nakakapagpalit ng anyo, mayroon din itong sariling pangalan. Ngunit... anong klaseng pangalan iyon?!

"Erm... kahit medyo hindi kapani-paniwala ito, hindi naman masama ang mga nangyari. Dahil kasama natin si Panginoong Meh Meh, hindi na natin kailangan pang mag-alala sa mga spirit stone."sabi na lamang ni Qiao Chu. 

Madali na para sa isang Guardian grade Spirit Beast ang kalabanin ang ibang mga Spirit Beast.

Ngunit... naisip ni Qiao Chu na baka may pagka-engot ang Spirit Beast na ito.

Maliit Ang posibilidad na kalabanin ng isang ordinaryong Spirit Beast ang Guardian grade Spirit Beast. Hindi makukwestiyon ang kakayahan ni Lord Meh Meh sa pagpatay sa ibang Spirit Beast, ngunit may kinakailangan pa bago mangyari iyon.

Kailangan nilang maghanap muna ng mabibiktimang Spirit Beast!

Ang nakasunod na sa likod nila na Guardian grade Spirit Beast ay tila asong nakabuntot kay Jun Wu Xie. Kung titingnan, mukha itong maamong tupa, ngunit ito ay isang totoong Guardian grade Spirit Beast at ang kapangyarihan nito ay mararamdaman ng lahat ng Spirit Beast na nasa loob isang daang metro ang layo dito. Dahil dito, mahihirapan sila Qiao Chu na humanap na Spirit Beast!

Makakapatay ng Spirit Beast sa isang kurap?

Hahaha...

Kumurap ka lang hanggang sa gusto mo!

Maghanap ka muna ng Spirit Beast!

Walang luhang lumalabas sa mga mata ni Qiao Chu kahit na gustong gusto niya ng umiyak.

Hanggang sa huling gabi bago magtapos ang Spirit Hunt, wala kahit isang anino ng Spirit Beast silang nakita sa malawak na Battle Spirits Forest. Biglang nawala ang mga Spirit Beast sa madilim at masukal na kagubatang ito na dati ay punong-puno ng Spirit Beasts.

Nakaupo sa tabi ng apoy, nakatingin si Qiao Chu sa kay Lord Meh Meh habang ito ay nanginginain ng damo na nasa tabi ng paa ni Jun Wu Xie, ang kaniyang mata ay puno ng pagsisisi.

"Lahat ng ito ay kasalanan mo! Wala tayong nahanap na kahit isang Spirit Beast!" Sabi ni Qiao Chu. Pakiramdam niya ay nadaya sila.

Inangat ni Panginoong Meh Meh ang kaniyang ulo. Tiningnan niya si Qiao Chu at ikiniling ang ulo, puno ng pagtataka ang mukha.

"Hindi mo ito masisisi. Bumaba na nga ang kapangyarihan nito sa tupang anyo nito kumpara sa halimaw na anyo nito." Natatawang sabi ni Fan Jin, masaya siya sa pagsama ni Panginoong Meh Meh sa kanila. Masaya siya dahil may isang makapangyarihang Spirit Beast bilang isang tagapagtanggol si Jun Wu Xie.

"Spirit Stone! Spirit Stone!" Daing ni Qiao Chu, ang mga kamay ay nakatakip sa mukha at wala nang ganang kumain.

May karamihan na din ang nakuha natin Spirit Stone, hindi na rin ganoon karami ang makukuha natin sa huling mga araw ng Spirit Hunt hindi ba?" Nakita ni Fan Jin ang malungkot na mukha ni Qiao Chu at hindi niya mapigilan ang magtaka nang kaunti. Ang grupo ay nakagupo ng may karamihang bilang ng Spirit Beast sa buong durasyon ng Spirit Hunt, kasama na diyan ang iilang mga matataas na antas na Spirit Beast. Kung kaya, hindi niya matatwa kung bakit hindi masaya si Qiao Chu. 

"Hindi mo maiintindihan." Sabi ni Qiao Chu bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Ang iilan sa kanila ay hindi intensiyong ibigay ang Spirit Stone na nakuha sa Zephyr Academy pagkatapos ng Spirit Hunt. Ang mga kabataang ito ay nabuhay sa kahirapan at ang spirit stone na ito ay may katumbas na malaking pera. Hindi sila pumasok sa Zephyr Academy upang maging isang huwarang disipulo at ang Spirit Hunt ay isa lamang bonus na aktibidad sa kanila. Hindi nila isusuko ang malaking pera na katumbas ng mga Spirit Stones kapalit ng grado lamang!

Bab berikutnya