webnovel

Spirit Healer (4)

Editor: LiberReverieGroup

"Sandali!" Nabigla si Gu Li Sheng, ang mga salitang "enerhiya", "pagkakasunod", "patas na palitan" at marami pang ibang hindi pa niya naririnig. Naliligo nalang siya sa pawis at tumayong pinutol ang pagsasalita ni Jun Wu Xie.

Pag hinayaan niya ang bata, pati siya'y magdududa sa sarili niyang Spirit Healing at iisiping mali ang kanyang ginagawa.

"Ano iyon?" Tinanong ni Jun Wu Xie. Hindi siya masyadong nagsasalita maliban sa mga oras na siya'y nag-aaral, kung saan siya'y masaya sa paglubog sa kanyang isipan. At sa pamamagitan lamang ng mga salitang ito makikita na hindi mahirap lapitan si Jun Wu Xie.

"Patawad, ngunit….. hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo." Nang masabi niya iyon, nagulat siya sa hiyang kanyang naramdaman!

Sino ba ang guro, at sino ang disipulo?!

Paano nangyaring ang disipulo na kanyang tinanggap ay nagsabi ng ilang mga salitang hindi niya maintindihan?!

Nahiya ng kaunti si Jun Wu Xie.

"Lahat ng sinabi ko ay patungkol sa pamamaraan mo ng Spirit Healing."

Nanliit si Gu Li Sheng sa mga mata ni Jun Wu Xie na "Ikaw nagsimula, bakit hindi mo maintindihan" ang linalaman, at ang kanyang isipan ay nagkakagulo parin sa pagintindi sa mga sinabi ni Jun Wu Xie.

Nadurog ang dignidad niya bilang isang guro noong ora na iyon.

Nanliit ang tingin niya sa sarili niya.

Tinignan lang ni Jun Wu Xie ang mukha ni Gu Li Sheng na patuloy lang sa pamumutla. Ang maliit na itim na pusa sa balikat ni Jun Wu Xie ay hindi na nakapagpigil!

"Meow~"

[Panginoon, huwag kayong gumamit ng gma teoryang galing sa nakaraan niyong buhay para ipaliwanag ang mga naiisip mo dito, lalo na sa isang bagay na sinlalim ng conversion ng enerhiya.]

Doon lang naisip ni Jun Wu Xie na ang karamihan ng kanyang sinabi ay galing sa mga kaalamang nakuha niya sa nakaraan niyang buhay.

"Ang ibig sabihin ko ay, ang Spirit Healing ay marami pang pwedeng ayusin para gumanda." Sinabi ni Jun Wu Xie ang kanyang mga naisip sa pinakasimpleng paraan at nagbigay ng malawak na sagot bilang kanyang opinyon.

Ngunit ang maliit at simple niyang buod ay hindi nakatulong sa pamumutla ni Gu Li Sheng, kundi nagpalala pa rito.

"Ikaw… alam mo kung paano ito pagandahin?" Tinanong ni Gu Li Sheng, nang may kibit sa kanto ng kganyang bibig.

May mga pagkukulang ang pamamaraan ng Spirit Healing ngunit hindi maisip ni Gu Li Sheng kung paano maaayos ang mga ito sa ilang taon niyang pangangaral nito. Ang lahat ng mga disipulong kinuha niya ay sumunod lamang at walang nagtanong patungkol sa pamamaraan.

Hindi niya naisip na ang maliit na batang ito, si Jun Xie, na saglit lang naaral ang Spirit Healing, ay makikita agad ang mga kakulangan sa pamamaraang ito.

Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie at inisip muna bago sabihing: "Pwede kong subukan."

"Talaga?" Nagduda si Gu Li Sheng kay Jun Wu Xie.

"Oo."

Tumayo si Gu Li Sheng at inikutan si Jun Wu Xie ng ilng beses, sinuri ang maliit na anyo niya.

"Gusto mong magpustahan?"

"Sa?" Tinanong ni Jun Wu Xie.

"Dahil naiintindihan mo na ang lahat patungkol sa pamamaraan ng Spirit Healing, at may nakitang may mga bagay na pwede pang ayusin, tingin ko'y wala ka nang matututunan pa dito. Kaysa sayangin mo ang oras mo dito sa pakultad, hindi ba't mas magandang gamitin mo ang iyong oras sa iba pang larangan, at subukang perpektuhin ang Spirit Healing?" Biglaan lang itong naisip ni Gu Li Sheng. Alam niyang hindi dapat niya iasa ang lahat kay Jun Wu Xie, ngunit wala na siyang alam pang pwedeng gawin para mas pagandahin pa ang pamamaraan ng Spirit Healing.

Dahil nakita agad ni Jun Wu Xie ang mga kakulangan sa pamamaraan, baka…..

Baka makagawa siya ng himala.

Tinignan ni Jun Wu Xie si Gu Li Sheng. Ang labo na makikita sa kanyang mga mata kanina ay nawala at nakatingin siya kay Jun Wu Xie ng seryoso. Saglit siyang nanahimik, bago siya tumango.

Bab berikutnya