webnovel

Mapa sa Balat ng Tao (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Ang mga taong iyon ay itinaya ang buhay para sa paghahanap ng puntod ng Dark Emperor. Sila ay inabuso at pinagmumura noong sila ay buhay pa at hindi pinatahimik ang kanilang kaluluwa kahit na sila ay patay na. Sila ay pinagmalupitan at sinira ang kanilang kaluluwa. Maging ang kanilang pamilya ay inubos." Tumawa ng malakas si Qiao Chu matapos niyang ikwento iyo. Ang kuha ay maumuo sa gilid ng kaniyang mga mata nang siya ay tumingin kay Jun Wu Xie.

"Hindi mo ba alam na naging bobo ang mga taong iyon? Alam nilang hindi dapat lapastanganin ang puntod ng Dark Emperor ngunit ginawa pa rin nila dahil sa kanilang katapatan sa kanilang kapangyarihang pinagsisilbihan. Ang Twelve Palaces ay hinahangad ang yaman ng Dark Emperor ngunit ayaw nilang akuin ang responsibilidad ng kanilang katrayduran, sa halip ay ginamit nila ang mga taong iyon upang sila ay makatakas sa bintang. Sadyang bobo ang mga taong iyon para mahulog sa bitag ng Twelve Palaces."

Tahimik lang na nakinig si Jun Wu Xie. Tumawa si Qiao Chu na parang iniinsulot ang sarili, habang ang luha nito ay tuloy tuloy na tumutulo sa kaniyang mukha.

"Kung hindi dahil sa pagsali ni Master na nagligtas sa aming apat, wala kami dito ngayon. Itinakas kami ni Master sa Middle Realm at dinala dito sa Lower Realm. Dito ay tinuruan niya kami ng palakasin ang aming spiritual power at itago ang tunay naming pagkatao. Noong ubusin ang aming pamilya, sumuko na kami sa buhay. Ang tanging nagpapanatili na lang sa aming buhay ay ang aming hangarin na maghiganti sa Twelve Palaces! Pinigilan kami ni Master na makipag-away sa ibang mga estudyante para hindi kami makakuha ng atensyon at mailabas ang aming tunay na pagkatao na sa huli ay ikakapahamak namin. Kaya Little Xie, wag mo siyang sisihin. Kung hindi dahil sa kaniya, patay na rin kami ngayon." Salaysay ni Qiao Chu habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga pisngi.

Inilantad nito ang kaniyang pinakamasakit na karanasan na kaniyang tinago sa kaniyang puso kay Jun Wu Xie dahil ayaw niyang magtanim ng anumang galit si Jun Xie sa kaniyang Master.

Parehong mahalaga sa kaniya ang mga ito kaya gusto niya silang magkasundo.

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie at tumayo upang tumungo sa pintuan.

Matamang nakatitig si Ya Bu Gui kay Jun Wu Xie na naglalakad palapit sa kaniya. Ang mukha nito ay puno ng pag-alala.

Huminto si Jun Wu Xie sa harap ni Yan Bu Gui at kaniyang sinabi sa malinaw na boses:

"Master."

"Aking disipulo."

Hindi sa nagiging mahina si Yna Bu Gui, kundi ginagawa nito ang lahat para protektahan ang kaniyang apat na disipulo. Maaaring iba ang pamamaraan nito ngunit malinis ang kaniyang intensyon.

Para itakas ni Yan Bu Gui ang kaniyang sarili kasama ang apat na ito, tanging ang kalangitan lang ang nakakaalam kung gaano ito naghirap para protektahan at itago ang apat na bata sa kagustuhan ng Twelve Palaces na sila ay patayin.

Ang simpleng pagsambit ni Jun Wu Xie ng "Master" ay nakapagpaluwag ng paghinga nina Hua Yao. Ang hindi pagdadalawang-isip ni Jun Wu Xie na tulungan kanina si Rong Ruo ay tumatak sa kanilang mga puso. Masaya silang naayos ang lahat sa huli.

"Ehem...Dahil tinawag mo na ako bilang Master, ibig bang sabihin nito ay makikinig ka na sa iyong Master simula ngayon? Kung mangyayari ulit sa hinaharap ang nangyari kanina..." Masaya si Yan Bu Gui sa pagkakaroon niya ng bagong disipulo at nagsisimula na siyang turuan ito sa 'paraan para makaligtas sa Phoenix Academy' nang siya ay matigil ng biglang pagsalita ni Jun Wu Xie:

"Kung mangyari ulit ang nangyari kanina, lalaban ulit ako tulad ng ginawa ko kanina." Ang ekspresyon sa mukha nito ay kalmado.

Natigilan naman si Yan Bu Gui at walang masabi.

"Nauunawan ko ang iyong malinis na intensyon, Master. Ngunit hindi ako makasang-ayon." Bakas ang determinasyon sa mga mata ni Jun Wu Xie. Ipinagpapasalamat niya ang mabuting puso at hangarin ni Yan Bu Gui, ngunit ang pamamaraan nito ay medyo tagilid.

"Para sa bagay na iyon, iwan mo na ito sa inyong disipulo." Muling saad ni Jun Wu Xie.

Sila ay nasa isang bangka na ngayon at kinikilala niya na si Yan Bu Gui bilang Master. Ngunit kailanman ay hindi niya hahayaang ang kaniyang Master at kapwa disipulo ay hamakin at abusuhin ng kahit na sino man.

Napahugot ng malalim na hininga si Yan Bu Gui at walang nasabi.

Si Qiao Chu naman ay nakatayo sa isang banda, para itong araw na nagliliwanag. Matagal nilang pinigilan ang kanilang mga sarili sa panghahamak ng mga batang iyon. Kaya naman wala silang ibang hiling kundi ang turuan ito ng leksyon ng kanilang bagong junior.

Lingid sa kaalaman nilang apat na ang pagkadagdag sa kanila ni Jun Wu Xie ay magkakaroon ng malaking pagbabago. Ito ang unang hakbang para sa pag-ikot ng kanilang kapalaran. Sa nalalapit na hinaharap, ang nakatakdang anim na maghahatid ng unos sa tatlong realm, ngayon ay naging lima na!

Bab berikutnya