webnovel

Nanaig (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Sigurado ka?" Ang lalakeng tumatawa ay biglang napatanong.

''May reaksyon sa Spirit Gem, ang taong iyon ay malapit lang! Dapat kaming magtagpo!" Sabi ng nakatingin na lakake sa suot niyang Spirit Gem na nawawala ang kinang at kumunot ang mga noo nito.

"Haha! Hinanap na namin hanggang sa ilalim ng aming sapatos ngunit wala ito at ngayon, heto! Natagpuan namin. Hindi na namin ito papakawalan!" Mas lalong lumakas ang tawa nito.

Sa kalagitnaan ng bundok, tiningnan ni Jun Wu Xie ng maigi ang sumusunod na halimaw ng Ring Spirits. Ang itim at puting balahibo nito ay mukhang gaya ng National Treasure ng isa sa mga bansa sa nakaaraang buhay, ngunit mas malaki ito kaysa sa pagkakatanda niya.

"Hindi ba mukhang magiting at bayani ang aking mahal na Rolly?" Tiningnan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie na nakatingin sa kaniyang Ring Spirit at kumanta ito ng kaniyang papuri na malakas. Ang mabalahibong tyan nito ay kaaya-ayang hawakan.

Ang maliit na itim naman na pusa sa balikat ni Jun Wu Xie ay itinaas ang kamay at tinakpan ang mukha nito.

Heto na!

Ang babaeng ito ulit!

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang dambuhalang "panda", matagal siyang natahimik bago siya nagtanong: "Pwede ko bang hawakan?"

"Siyempre!" Tumawang-tuwa na sagot ni Qiao Chu.

Tumungo si Jun Wu Xie kay Rolly na napakalaki at dalawang metro ang tangkad nito sa kaniya. Ang kaniyang malalamig na mata ay tunay na nakatitig sa sandaling iyon.

Ibinaba ni Rolly ang kaniyang ulo at nagtataka sa maliit na imahe sa harap niya. Alam ni Rolly ang utak ng kaniyang amo at alam niya na ang tao sa harap niya ay kaibigan, hindi kaaway at hindi ito isang pag atake.

Nagititigan sila ng matagal at ang akala ni Qiao Chu ay hindi na hahawakan ni Jun Wu Xie si Rolly. Sa sandaling iyon ay natutuwa sa paghimas-himas at pagsandal si Jun Wu Xie sa malaking tiyan ni rolly. Nakabukas ang kaniyang palad ng maiigi at para yakapin ito sa abot ng makakaya ng kaniyang mga kamay.

Nakasandal siya sa malambot at madulas na mga balahibo nito. Nakapikit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang sinaaamsam ang bawat sandali 

Muntik namang maiyak ang maliit na kuting sa balikat ni Jun Wu Xie.

Natamaan naman ang babaeng ito!

Wala mang maraming pag-aari si Jun Wu Xie ngunit gustong-gusto nito ang mga mababalahibong hayop. Noong nag apply siya bilang beterinaryo, una para lang sa paghihiganti, pangalawa ay gustong-gusto niya ang mga mababalahibong hayop.

Alam ng langit na ang walang emosyon at malamig na mukha ni Jun Wu Xie ay napapalitan ng maaliwalas na mukha at nakangiting mga mata tuwing nakakasalamuha siya ng mababalahibong aso't pusa na siya namang laging gustong iiyak ng kaniyang pusa.

Kahit sa muli niyang pagkabugay, hindi pa rin mawawala ang kagustuhan nito!

Hindi nakuha ng ahas na may dalawang ulo ang atensyon niya ngunit sa malaking at nakakatuwang panda at inosenteng itsura nito hindi rin mapigilang ito ni Jun Wu Xie, dahil ito ang kaniyang kahinaan ang nakakatuwang itsura at mabalahibong hayop.

Laglag pangang nakatingin si Qiao Chu kay Jun Wu Xie na laging walang emosyon ang mukha at hindi mahilig lumapit, sinandal din niya ang sarili sa tiyan ng kanyang Ring Spirit at ang kaninang daldal niya ay halos ngayon hindi na makaimik.

Ang...

Pagbabago ay kapansin-pansin!

Dagil pagiging kalma ni Jun Wu Xie at pagiging matalino ay nakakalimutan ng tao ang edad nito. Ngunit lumabas ang pagiging bata niya dahil kay Rolly.

"Aking Rolly... ay siyang... kaaya-aya..." Matagal itong nasambit ni Qiao Chu. Inisip niyang humahanga si Jun Wu Xie dahil sa taglay nitong lakas ngunit mali pala siya.

Nakangiti naman si Hua Yao ngunit tahimik lang.

At sa itaas ng mga puno sa gilid nila, ang nakatagong si Ye Sha ay nakatingin kay Jun Wu Xie at biglang umiba ang galaw nito na kaniyang ikinagulat at dahilan upang siya'y muntik ng mahulog dahil sa pagkagulat.

Hindi niya inaakala na ang babaeng walang emosyon nito at may kahinaan sa mabalahibong Ring Spirits!

Bab berikutnya