webnovel

Twelve Peaks (3)

Editor: LiberReverieGroup

Nang nagsimula ang huling pagsusulit, karamihan sa mga kabataan ay nagbigay ng kanilang pinakamahusay, umaasang mapakita ang lahat ng kanilang natutunan sa Pinakamataas na Puno ng angkan ng Qing Yun at ang mga Tanda nito. May ilang nagsabi ng mga klasiko ng medisina, may ibang nagturo ng mga acupressure points sa mga larawan ng katawan ng tao na dala nila, at may ibang nagpakita ng mga elixir na ginawa nila…..

Maraming iba't ibang pagpapakita, sa iba't ibang pamamaraan. Hindi tumagal, nagmistula nang palengke ang lugar.

Hindi nagmadali si Jun Wu Xie sa simula, at nanood lang sa mga kabataang ginawang sirko ang huling pagsusuri sa kanilang mga ginagawang pagpiprisenta ng kanilang sarili pinakamahusay na pamamaraang alam nila.

Sumimangot si Qin Yue at ang iba, at habang nagiging mas maingay ang lugar, mas lumalim ang kanilang mga simangot.

"Kalokohan! Wag niyo akong idadamay ulit sa mga bagay na ito. Kung may makaakit man sa paningin niyo, isama niyo sila pabalik, at paalisin niyo ang mga maiiwan sa bundok." Hindi na natiis ni Qin Yue ang nakakahiyang ginagawa at kawalan ng talento ng mga kabataan, at agad na umalis.

Madalang lang sumama si Qin Yue sa buwan-buwang pangangalap, at sa bawat pagdalo niya, ay ganito ang kanyang nahihinatnan.

Nanood si Mu Chen ng may malamig na mata habang umalis si Qin Yue, may tawa sa mga kanto ng kanyang bibig.

Matagal nang diplomatiko si Qin Yue. Nakita na niya ang mga magagaling sa mga nagha-haing tao bago pa sila pumasok sa bundok at lihim na pinasok sa angkan ng Qing Yun. Wala siyang pakialam sa mga 'tira' na ito, at nagmamadaling bumalik para suriin ang mga bago niyang kasapi.

Ang ginawa niya ngayon, ay para sa kapakanan ng mga Tanda.

Humarap ulit si Mu Chen sa mga nagha-haing nang walang awa o pakikiramay.

Hindi nila kasalanang nabulag sila ng kanilang pagkasabik, ngunit kasalanan nilang nagpabulag sila rito at hindi ginamit ang kanilang utak, na nagpakita ng kakulangan nila ng katalinuhan. Nagmamadali lang silang magpakitang gilas, ng walang malay sa kung ano man ang hinahanap ng angkan ng Qing Yun.

Bago tuluyang mawalan ng interes si Mu Chen, may napansin siyang kawili-wili.

May isang maliit na anyong nakatayo sa gitna ng mga tao, na nanonood sa mga nakapaligid sa kanya ng may malamig na tingin, na tila wala siyang kinalaman sa mga taong kasama niya. Ang lamig galing sa kanyang mga mata, ay hindi bagay sa taong mura pa ang edad.

Walang rason, ngunit nakita ni Mu Chen na ang kanyang pagkawili ay naging tuwa. Marahil dahil sa malamig na personalidad, o pwede ring ang mga mata, ngunit nagdulot ito ng kutob kay Mu Chen, na ang maliit na kabataang 'yon ay kakaiba.

Tila naramdaman ng binata ang kanyang tingin, tinaas ng binata ang kanyang ulo at tinignan si Mu Chen sa kanyang mga mata at tumawid sa mga tao patungo kay Mu Chen.

Pinanood siya ni Mu Chen, mula pa sa malayo, ngunit walang ibang ginawa.

Maraming disipulo ang nakakita kay Jun Wu Xie na lumabas sa grupo ng mga tao at patuloy na lumalapit sa mga Tanda. Pinigilan agad nila ang kabataan sa kanyang paglapit.

"Hindi pa tapos ang pagsusuri, at hindi ka pa pwedeng lumibot sa loob ng angkan ng Qing Yun." Isang lalaking mukhang mahigit labing-dalawa ang edad ang sumimangot at tumingin sa maliit na Jun Wu Xie. 'Malakas ang loob ng batang ito para lumapit sa mga Tanda!'

Nangyari na ito dati, ngunit agad na nalutas sa babala ng mga disipulo, at sa agad na pagatras ng nagkasala.

Ngunit walang balak si Jun Wu Xie na umatras. Nang pigilan siya, tumayo lang siya at tinaas ang kanyang ulo.

"Patawad! Aalis na po kami!" Napansin ni Qiao Chu, na nakasunod kay Jun Wu Xie, ang pangingitim ng mga mukha ng mga disipulo ng angkan ng Qing Yun at biglaang tumabi kay Jun Wu Xie para hilain siya pabalik habang nagmamakaawa.

Bab berikutnya