webnovel

Walang Kapantay na Gamot (Unang Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Ang mapayapang lungsod Imperial ay may kahaharaping malaking problema.

Sa wakas, handa na rin ang gamot pangmuog at ipinadala ni Jun Wu Xie ang mga malalaking kahon kay Jun Qing.

Bago umalis, pumunta siya sa lawa ng baino at pinagmasdan ang magandang kulay rosas na baino palutang lutang sa mapayapang ibabaw ng lawa.

"Maestra~" Ang maliit na baino ay nagbalik anyong tao at nagsaboy habang siya'y nalangoy pabalik sa pampang ng lawa. Ginamit ni Little Lotus ang lahat ng kanyang lakas upang kumapit sa mabatong gilid ng lawa. Panandalian siyang tumigil para makapagpahinga habang nakatingin kay Jun Wu Xie ng may kinang sa kanyang mga mata at siya'y tumawa.

"Kamusta naman ang lahat? Ano nararamdaman mo ngayon?" Tanong ni Jun Wu Xie sa napakasayang Little Lotus.

"Maganda talaga nang may pinalamutiang butil ng kahoy! Ginamit ko siya para linisin ang enerhiya dito at ang bilis ng paglilinang ko ay kasing bilis nang ako'y nasa mundo ng mga kaluluwa!" Makikita mo ang saya sa mukha ni Little Lotus habang sumasagot nang nakatawa.

Tumango si Jun Wu Xie, kung ano man ang linilinang ng patago ni Little Lotus, kahit mabagal ang kanilang pagusad, magagamit rin ito balang araw.

"Ituloy mo lang ang paglinang mo, ako'y tutungo na kay tito ngayon." Pagkaalis ni Jun Wu Xie, bumalik na sa anyong puting baino si Little Lotus na lumutang kasama ng ibang mga kulay rosas na baino, tahimik na itinutuloy ang kanyang paglilinang.

Pagkadating ni Jun Wu Xie sa patyo ni Jun Qing, puno ito ng mga malalaking kahon na pinadala niya. Nang makita siya ng tagapaglingkod ni Jung Qing, agad agad siyang binati at ang kanilang mga mata'y nagpapakitang sila'y walang magawa.

"Maestra, ang panginoon at pangawalang panginoon ay nasa gitna ng isang diskusyon at hindi dapat maistorbo… etong mga kahon…" paliwanag ng isang tagapaglingkod ng may pagiingat.

Agad na kumatok si Jun Wu Xie.

"Sino yan?" Maririnig ang boses ni Jun Xian sa loob.

"Lolo, ako po ito." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at si Jun Xian ay nakangiti kay Jun Wu Xie. Panandalian siyang nagulat nang makita niya ang mga malalaking kahon sa likod niya.

"Para kay tito itong mga to."

"Ikaw na bata ka, wala ka nang ibang inisip kungdi ang itio mo. Lahat ng magaganda laging dito muna dumadaan. Naaalala ko may binigay ka rin na alak kamakailan lang sa tito mo ah? Paano naman ang pinakamamahal mong lolo?" Nag-galit galitan siya ngunit ang kanyang pagtingin sa dalaga'y puno ng pagmamahal.

Napakurap lamang si Jun Wu Xie bago magsalita. "Lolo, kung gusto mo nung alak na yun, kaya kong…"

"Itong batang ito oh… nagbibiro lang ako. Bakit mo sineseryoso?" Sagot ni Jun Xian bago siya papasukin sa silid.

Lito parin si Jun Wu Xie habang pinagmamasdan niya ang kanyang lolo na nakangiti sakanya at tumatango, ang kanyang mga kilos ay di maintindihan.

Ayaw ng lolo yung alak?

"Upo ka muna" Itinuro ni Jun Xian ang pinakamalapit na upuan.

Sumunod si Jun Wu Xie at siya'y umupo.

"Oh, ngayon mo na pwedeng sabihin kung ano ang laman ng mga kahon na iyon. Anong mga mahahalagang bagay ang meron ka ngayon para sa tito mo?" Tanong ni Jun Xian nang may malakas ng pagtawa dahil siya'y napupuno ng galak na ang kanyang apo ay tapos na sa pagiging pasaway niya.

"Hindi po iyan para kay tito. Para mo iyan sa sandatahan ng Rui Lin." Sagot niya.

Sa silid, ang mga ngiti ni Jun Xian and Jun Qing ay biglang nanigas samantalang ang mga mata ni Long Qi'y nanlaki sa gulat.

"Wu Xie, anong sinabi mo? Para sa sandatahan ng Rui Lin? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jun Xian nang may kaunting panginginig sa kanyang boses.

Pinagmasdan ni Jun Wu Xie ang mga reaksyon ni Jun Xian at Jun Qing at nagpaliwanag "Mas pinaganda ko ang paggawa ng gamot pangmuog, para gumanda ang kanilang mga daluyan ng dugo. Mas makakatulong ito para magyabungin ang kanilang paglinang sa mga matatanda.

"...." Napatitig lamang si Jun Xian at Jun Qing kay Jun Wu Xie nang hindi makapaniwala.

Pwede pang paghusayin ang mga daluyan ng dugo mga ng matatanda?

Paano yun?!

"Wu Xie, totoo ba? Kaya ba talaga nito gawin yun?!" Maririnig ang panginginig ng boses ni Jun Qing sa tuwa.

Bab berikutnya