webnovel

Kakaibang Cultivation Technique (Ikalawang Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Maingat na binasa ni Jun Wu Xie ang nilalaman ng librong kanyang hawak. Bukod pa sa mga lotus, marami pang ibang halamang pwedeng gamitin upang makaipon ng spiritual energy, ngunit ang mga pangalan ng mga halamang iyon, hindi pa niya naririnig dati.

"Bukod pa sa buto ng lotus, saan ko makukuha ang ibang mga buto?" Tinanong ni Jun Wu Xie.

Sumimangot at nag-alinlangan si Little Lotus bago sumagot: "Hindi rin ako sigurado… Karamihan sa mga pangalan, hindi ko alam kung saan galing pero para sa iba naman, alam ko kung saan… Pero.. Hindi mo pa sila abot."

"Anong ibig sabihin mo?" Hindi naintindihan ni Jun Wu Xie.

Yumuko si Little Lotus at humawak sa kanyang tapis: "Hindi pa pwedeng lumabas ang ilang mga yun… Kaya hindi mo pa sila kayang abutin."

Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie. Mahirap intindihin ang sinasabi nitong Little Lotus. Laging mahirap intindihin ang mga sinasabi niya.

Nung una siyang nagpakita, sinabi niyang may kumain daw ng kanyang mga buto. At ngayon, galing ulit sa kanyang bibig, may sinasabi nanaman siyang ibang mga tao. Nauusisa si Jun Wu Xie sa kung sino ang mga taong ito.

"Sino sila?"

"Contractual spirits…" Binulong ni Little Lotus.

"Kailangan pa nilang maghanap ng magmamay-ari sa kanila bago sila makalabas?" tinanong niya.

Tumango si Little Lotus.. tapos umiling.. sumimangot habang ipinapaliwanag ang kanyang sarili.

Mas nagulat si Jun Wu Xie.

"Erm… Uh..yun.. Kung tutuusin, pag nagsanay pa ang panginoon at nakapag-cultivate ng maayos… siguradong mahahanap mo rin ang iba… Pero sa lagay mo ngayon… Hindi ba't mas mabuting palaguin muna ang mga buto ko?" Nagatubili ng kaunti si Little Lotus bago tumingin ng kinakabahan kay Jun Wu Xie at lumapit sa kanya ng may tinging tila naaawa.

"Panginoon, hindi mo kailangang magmadali sa paghahanap ng ibang halaman. Alam kong makakatulong ako sa iyo. Pwede bang itanim niyo na ako?" Nagmakaawa si Little Lotus ng may matang maulap.

"...." Kinutuban si Jun Wu Xie na pag siya'y tumanggi, hahagulgol siya.

"Sige." Pumayag siya.

Tumawa agad si Little Lotus at napuno ang kwarto ng isang matamis na amoy.

Hinalungkat ni Jun Wu Xie ang tambak ng lumang mga libro, naghahanap ng isang may cultivation method na pang tubig.

Bago ito ay karaniwang libro lamang para sa paghahardin ang tingin niya sa mga librong ito, ngunit pagkatapos ng pagpapaliwanag ng Little Lotus, napansin niya na ang 'tubig' na sinasabi sa mga libro ay hindi pangkaraniwang na tubig. Ang salitang "rootless water" ay ilang beses na lumitaw at ito ay ang pinakamababang grado ng tubig na 'galing sa langit pero hindi pa bumababa sa lupa', hindi tubig sa mga lawa at mga ilog.

Naglarawan ang libro ng iba't ibang mga halamang pantubig, isa ay ang cultivation method para sa snow lotus.

Pagkatapos niyang basahin ang bahaging iyon, nangitim ang mukha ni Jun Wu Xie.

Para maitanim ang snow lotus, kailangan ng "tubig". Para tawagin iyong tubig ay hindi na na magagawa dahil kailangan ng tubig na galing sa batis na makalangit.

Matagal nang naisip ni Jun Wu Xie na balanse ang mundo. Ang mga cultivation technique niya ay sobrang simple PERO ang mga kondisyon ay mahirap. Sino ang pwedeng magsabi sa kanya kung saan mahahanap itong batis na makalangit?

"Alam mo ba kung nasaan itong batis na makalangit?" Tinanong niyang nakasimangot sa Little Lotus.

Mabilisang umiling si Little Lotus.

Bab berikutnya