webnovel

Pagpapakita

Editor: LiberReverieGroup

Ang pamalong anim na talampakan ang haba na hawak ni Hao Shuang ay mayroong mga hindi matiyak na mga disenyo. Mula sa malayo, nagbibigay ito ng simple at pangkaraniwang pakiramdam ngunit kung titignan nang malapit, nagbibigay ito ng pakiramdam na ito'y luma na.

Subalit, habang ang Saint Origin ni Hao Shuang ay nabuhos na sa kanyang anim na talampakang pamalo.

Swish!

Swoosh!

Sa loob lamang ng isang segundo, tila nabuhay ang mga disenyo sa pamalo. Nagbibigay ito ng maliwanag na gintong ilaw, dahil dito ay tila naging maliwanag na araw ito.

Isang alon ng malawak at malakas na awra ang lumabas mula sa pamalo na nagbibigay ng gintong liwanag, nagdulot ng lamig sa karamihan ng mga taong nasa paligid.

"Ito ay... ang Dharma Rod!" Habang naisigaw ito ni Guardian Zi Feng ng Fire Worship Sect, isa-isang bumalik ang diwa ng mga taong nasa paligid. Sila'y napatingin sa pamalong nagbibigay ng gintong ilaw na hawak ni Hao Shuang.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya