"Ji'er... Ikaw... Ikaw..." Gulat na gulat si Zhao Deng nang makita niya ang kaniyang anak.
Hindi sumagi sa kaniyang isipan na ang anak niya ang unang mapapatalsik sa Saint Martial Secret Zone.
Bago pumasok si Ling Tian sa Mystical Sky Mansion, ang kaniyang anak ang isa sa maituturing na isa sa pinakamalakas na tao sa lahat ng mga nakababatang henerasyon sa Mystical Sky Mansion. Pagdating sa lakas, siya ay 90% na mas malakas kaysa sa grupo ng mga tao na pumasok sa Saint Martial Secret Zone..
Gayon pa man, ang kaniyang anak ay napatalsik na sa loob ng tatlong araw.
Samantala, ang ekspresyon ni Zhao Ji ay naging madilim matapos niyang mapatalsik. Matinding galit ang makikita sa naglalagablab niyang mga mata. "Ling Tian! Hindi kita pakakawalan! Hindi kita pakakawalan!"
Nang marinig ni Zhao Deng ang pag-ungol ni Zhai Ji, ang kaniyang ekspresyon ay mabilis ding nagdilim.
Ang bagay na kaniyang kinatatakutan ay nangyari na.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com