Tumayo si Duan Ling Tian, hindi gumagalaw, sa kaniyang kinatatayuan, nakaharap siya kay Ceng Zhi na kung saan tangka nang susugod sa kaniya na kasing bilis ng kidlat.
"Siya ba ay natigilan?" naisip ng mga grupo ng outer court disciples na nanonood kay Duan Ling Tian na siya'y natigilan dahil sa pagkatakot at nakalimutang umilag nang nakita nila itong hindi gumagalaw kahit na si Ceng Zhi ay mabilis na papalapit sa kaniya.
Ang mga tao na malapit na sa rurok ng Paramount Mortal Shedding Stage ay labis na malakas... kung titingnan, mas makapangyarihan pa siya kaysa kay Xiao Zhui na nagmula sa Luo Jiang City at si Su Qi na nakilala ko noong kalahating taon na ang nakalilipas. Hindi naisip ng iba na may mas ibang pang iisiping bagay si Duan Ling Tian habang kaharap niya ang mabilis na atake ni Ceng Zhi.
Agad na sinuntok ni Ceng Zhi si Duan Ling Tian sa kaniyang tiyan ng makarating ito sa kaniya. Ito ay parang isang rocket, umugong ang hangin sa pagtama nito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com