Pero, maaawa ba si Duan Ling Tian kay Shao Fei?
Malamig at walang bahala ang mga mata ni Duan Ling Tian habang nakatingin siya kay Shao na nayuko at humihingi ng awa sa kaniyang harapan, at ang kaniyang puso ay kasing lamig ng yelo...
Biglang inangat ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamay.
Whoosh!
Kumislap ang isang sword strike, pinapatay di Shao Fei.
Hiss!
Sumiklab ang Pill Flame at ginawang abo ang katawan ni Shao Fei, namatay nang walang libingan.
Hindi nasisiyahan nang kahit kaunti si Duan Ling Tian pagkatapos patayin si Shai Fei at ang kaniyang kapatid, ang kaniyang saloobin ay lubos na mabigat.
Hindi niya maalis ang anyo ni Shi Lan sa kaniyang isipan.
Ang babae na puno ng paghahangad sa hinaharap, ang babae na puno ng kumpiyansa, nawala nang ganoon na lang.
Sa kaniyang mga mata, kahit na mamatay si Shao Fei at ang kaniyang kapatid nang isang daang beses, hindi pa rin matatapatan ng mga ito ang buhay ni Shi Lan.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com