"Ito ang Monkey King Wine? Para bang ginulat ng amoy nito ang Origin Energy sa aking katawan…" Tumingin si Nie Fen sa Monkey King Wine sa kamay ni Nie Yuan na may nagbabagang mga mata.
"Hindi ko kailanman naisip na makalalanghap ako ng amy ng Monkey King Wine sa aking buhay… tunay na pagpapala ng tatlong buhay." Ang matandang lalaki ay may lubos na nagulat na ekspresyon.
Para naman sa taong may kaugnayan, si Nie Yuan, sa halip siya ay lubos na natutuwa nang itago niya ang Monkey King Wine.
Ang mga mata ni Nie Fen ay napunta sa katawan ni Duan Ling Tian nang pagkisikisin niya ang kaniyang palad at kamao. "Hehe… Little Tian, baka naman…"
"Kuya Nie, bibigyan kita ng isang patak ng Monkey Kign Wine kapag nakayapak ka na sa Half-Step Void Stage!" Hindi pa man nabubuksan ni Nie Fen ang kaniyang ibig nang mahulaan ni Duan Ling Tian ang gusto niyang sabihin.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com