"Hoy! Mga kapatid, narinig niyo na ba lahat? Ang Duan Ling Tian na iyon, ang pangalang kumalat at nagbigay ng napakaraming diskusyon kamakailan ay nakatuntong na sa Origin Core Stage!"
"Ilang araw ko ng alam ito. Mayroon akong malayong pinsan na nasa Paladin Academy."
"Patawarin mo ang aking kawalang paggalang, kapatid, pinsan ka ng isang istudyante ng Paladin Academy!"
"Huwag mo na banggitin."
"Kung gayon kapatid, alam mo bang ngayong umaga lang, bumalik ang Duan Ling Tian na iyon sa Duan Clan at kinilala ang kaniyang mga ninuno?"
"May ganoong nangyari?"
"Hehe! Isang malayong pinsan ko ay tagapagsilbing babae ng Duan Clan. Hindi umano, engrande ang presentasyon."
"Hindi ba't tumanggi ang Duan Ling Tian na iyan na bumalik sa Duan Clan dati?"
"Nakaraan na iyon…. At hindi na karapat-dapat banggitin!"
Sa loob ng isang restawran sa inner city ng Imperial City, dalawang binata ang nag-uusap at naging pamilyar sa isa't-isa.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com