"Sige, maghihintay ako hanggang magsimula ang pagtitipon at tuturuan ko ang basurang ito ng leksiyon!"
Huminga nang malalim si Li Qing, at ang kaniyang mga mata ay nagbibigay lamig sa kaloob-looban nito.
Basura?
Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay naging ngisi.
Akala ba ng Li Qing na ito ay tinanggap niya na ang pagkatalo noon nakaraan dahil natatakot siya sa kaniya?
Dahil lamang iyon sa nakisali si Patriarch Li Ao.
Kung hindi, imposibleng tanggapin niya ang kaniyang pagkatalo.
Ngayong oras na ito, walang makakapigil sa kaniya!
"Tara umupo tayo roon."
Pagkatapos bigyan ng nandidiring tingin, tila ba may iniiwasang langaw si Li Fei nang hablutin niya ang kamay ni Duan Ling Tian para dalhin doon sa pergolang walang tao.
Umupo siya sa tabi ni Duan Ling Tian.
Dahil sa nakita niya, ang mga mata ni Li Qing ay tila mapupunit na sa sobrang galit.
Duan Ling Tian.
Ngayon, mamamatay ka na talaga!
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com