Ang boses ni Lin Qi ay may hindi maitatangging prestihiyoso.
Bagaman bata pa siya, mayroon na siyang tindig ng isang taong may mataas na posisyon.
Huminga nang malalim si Lin Wei, hindi nangangahas na ibuka muli ang bibig niya, ngunit ang kaniyang malamig na mata ay patuloy na nakatitig lamang kay Duan Ling Tian, naghihintay ng pagkakataon na lunukin ito.
Napansin ni Duan Ling Tian ang tingin Lin Wei ngunit ipinagsawalang bahala niya ito.
Ang lakas ni Li Wei ay katumbas lamang ni Li Xiao, at ang ganoong ayos ay hindi banta para sa kaniya.
Ang kaniyang tingin ay bumagsak kay Lin Qi.
"Kung gusto mo ng laban, bibigyan kita!"
Ngumiti si Duan Ling Tian kay Ke Er at sinabi sa kaniyang maghintay siya s atabi ni Li Shi shi bago malalaking hakbang na naglakad para harapin si Lin Qi.
Ang mga disipulo ng Lin Clan outer court ay umatras ng ilang hakbang, nagbibigay ng malaking espasyo.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com