Napakahusay ni Li Long.
Nang sumunod na araw, isang pares ng sisidlan ng ispada na gawa sa leather ang dumating sa tahanan ni Duan Ling Tian.
Espesyal itong mga sisidlan ng espada dahil ginamit ni Li Long ang mga tirang Violet Meteorite upang kopyahin ang mga flexible swords sa sisidlan.
Salamat dito, maiiwasan nila ang pinsalang dulot ng matutulis na gilid ng Violet Meteorite Flexible Swords kapag kinuha.
Sa dalawang Violet Meteorite Flexible Swords, itinabi ni Duan Ling Tian ang isa para sa kaniyang sarili at ibinigay ang isa kay Ke Er.
Para naman sa kaniyang ina, sa puso niya'y may iba siyang plano.
Ang plano niya ay hintayin ang kaniyang cultivation na tumuntong sa Core Formation stage, kung saan maaari siyang makagawa ng Spirit Sword para sa kaniyang ina!
Spirit Sword, isang mahabang Spirit Sword.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com