webnovel

Ang mga Sirkumtansiyang Matarik na Umiikot

Editor: LiberReverieGroup

Isanlibong piraso ng pilak kada masahe!

Ang tatlong beses ng pagmamasahe kung pagsasamasamahin ay nagkakahalaga ng tatlonlibong piraso ng pilak!

Kahit na alam ni Duan Ling Tian na mayayaman ang mga alchemist, hindi niya inasahan na ganito pala kayayaman ang mga ito.

Isa lamang Grade Nine Alchemist ang pinakanakatatandang miyembro ng pamilya Li pero ang pagbabayad ng isanlibong piraso ng pilak ay walang wala lamang para sa kaniya.

<"Isang nakatatanda sa pamilya Li ang aking ina, pero nakakatanggap ako ng hindi hihigit dalawampung piraso baryang pilak kada buwan, napakalaking pagkakaiba noon kung ikukumpara,">

Nagbuntong hininga si Li Rou sa kanyang loob.

Natigilan ang lahat ng nakatataas sa pamilya Li nang makita nila na binigyan si Duan Ling Tian ng isanlibong piraso ng pilak ng pinakanakatatanda.

Lalo na si Li Kun na naghihintay na mang asar kay Duan Ling Tian. Ang malamig na ngiti sa dulo ng kanyang mga bibig ay nanigas….

Parang isang panaginip ang mga pangyayaring kaniyang nasaksihan.

"Binigyan lamang ni Duan Ling Tian ang pinakanakatatanda ng masahe at nakatanggap na siya ng isanlibong piraso ng pilak mula rito?"

"Puwede rin po kitang masahiin pinakanakatatanda; binabati po ako ng aking asawa sa tuwing minamasahe ko po siya. Paano po kung bigyan kita ng masahe sa loob ng dalawang oras at pagkatapos po ay bayaran niyo na lamang po ako ng isanlibong piraso ng pilak pagkatapos noon."

Nagningning ang mga mata ng ika anim na nakatatandang di Li Ping na para bang nakahanap siya ng paraan upang yumaman. Punong puno ng pagkatuso itong tumingin sa pinakanakatatandang si Li Huo.

Mahinang suminghal si Li Huo nang marinig niya ito at tuluyang hindi pinansin si Li Ping.

Matapos nito ay tumingin naman siya kay Duan Ling Tian.

"Saan mo natutunan ang malahimalang pamamaraan ng pagmamasaheng iyan bata? Nararamdaman ko na nagsisimula nang mawala ang mga iniinda kong mga sakit sa katawan ilang taon na ang nakalilipas. At pagkatapos pa ng dalawang masahe ay mawawala na ang mga ito ng tuluyan."

Nagtatakang tanong ni Li Huo.

"Napagaralan ko po ang mga ito sa isang aklat ng medisina pinakanakatatanda."

Sabi ni Duan Ling Tian habang bahagyang nakangiti.

Malalim na tiningnan ni Li Huo si Duan Ling Tian.

Natural sa kaniya na hindi maniwala sa mga kasinungalingang sinabi ni Duan Ling Tian pero minabuti niyang huwag nang magtanong pa.

Alam niya na hindi ito sasabihin kailanman sa kaniya ni Duan Ling Tian.

"Natatagong mga sakit?"

Natuliro ang mga nakatataas na miyembro ng pamilya Li.

Naaalala nila na bago bigyan ni Duan Ling Tian ang pinakanakatatanda ng masahe ay nabanggit niya ang tungkol sa mga natatago nitong mga sakit.

Nagtataka sila kung paano nalaman ni Duan Ling Tian na may iniindang mga nakatagong sakit ang pinakanakatatanda.

At higit pa riyan, paano siya nagkaroon ng kakayahan na gamutin ang mga sakit na iyon sa pamamagitan lamang ng isang paraan ng pagmamasahe.

Tiningnan ni Li Rou ang kanyang anak. Palaki ng palaki ang pagdududa sa kanyang mga mata.

Pero ang dalaga sa gilid ni Li Rou na si Ke Er ay hindi man lang nagtaka sa mga nangyari. Sa halip ay humanga pa siya rito habang pinapanood niya itong magmasahe sa pinakanakatatanda.

Sa loob niya ay napakamakapangyarihan ng kanyang young master.

"Puwede na ba akong pumusta sa inyo ngayon ika pitong nakatatanda?"

Tanong ni Duan Ling Tian habang nakatingin kay Li Kun.

"Kung gusto mong iregalo sa akin yang salaping hawak mo Duan Ling Tian ay natural para sakin na hindi tumanggi."

Nanliit ang mga mata ni Li Kun habang sumisinghal ito.

"Magaling"

Tumango si Duan Ling Tian at ibinigay ang kalahati ng isanlibong salapi na hawak niya sa Ama na si Li Nan Feng.

"Ito po ang pustahang magaganap sa pagitan ko at ng ika pitong nakatatanda. Pakiusap po ay itago ito para sa amin at maging saksi sa magaganap na pustahan sa pagitan naming dalawa."

Tinanggap ni Li Nan Feng ang Limandaang piraso ng pilak nang may hindi maipaliwanag na expresyon sa kanyang mukha at tumango ito.

"Ito na po Ama ang aking pusta para sa magiging pustahan sa pagitan ko at ng ika anim na nakatatanda."

Sa sandaling ito, kumuha ang ika limang nakatatandang si Li Ting ng limandaang piraso ng pilak at ibinigay ito kay Li Nan Feng.

"Ito na po ang aking pusta ko at ng ika anim na nakatatanda Ama."

Kumuha naman si Li Kun ng isanlibong piraso ng pilak at ibinigay iyon sa Ama.

"Magsimula na tayo."

Matapos makuha ni Li Nan Feng ang mga salapi ay inilagay na niya ito sa isang tabi at tumingin kay Duan Ling Tian.

Matapos ibigay ang natirang limandaang piraso ng pilak sa kanyang ina ay tumango ito at nagtungo sa Martial Arts Practice Hall para harapin si Li Jie.

Tiningnan sila nang maigi ng mga miyembro ng pamilya Li na nakapalibot sa Martial Arts Practice Hall.

Sa wakas ay magsisimula na rin ang laban!

"Napakatagal mob ago bumaba rito. Hindi ka naman siguro natatakot hindi ba?"

Malamig na tumawa si Li Jie.

"Takot? Masyado na atang mataas ang tingin mo sa iyong sarili Li Jie. Kailangan mo sigurong ibigay lahat nang makakaya mo ngayon Li Jie… Kung hindi ay maghihirap ang iyong buong pamilya!

Bahagyang ngiti ni Duan Ling Tian.

"Anong ibig mong sabihin?"

Bumagsak bigla ang mukha ni Li Jie. Lingid sa kanyang kaalaman ang pustahang nagaganap sa platform.

"Malalaman mo rin sa susunod na araw."

Nangibabaw ang ngiti sa mukha ni Duan Ling Tian, Pero nakakapanggigil ito ng todo sa mga mata Li Jie na nakatingin sa kaniya.

Naging mabagsik ang mukha ni Li Jie at nagsimulang maglabasan ang mga muscle nito na naging sanhi ng pagsikip ng kanyang suot na damit.

Agadagad na ibinaon ni Li Jie ang kanyang mga paa sa lupa at mabilis na tumakbo papunta kay Duan Ling Tian.

Napakabilis ng kanyang takbo na para bang isang cheetah na tumatakbo sa top speed nito….

"Magbabayad ka ng sampung beses sa pagparalisa mo sa braso ng kapatid ko Duan Ling Tian!"

Mabilis siyang nakarating sa harap ni Duan Ling Tian habang malakas na sumisigaw.

Bumukas ang kanyang mga kamay hanggang makabuo ito ng dalawang palad at pagkatapos ay ginawa niya ang Master Stage middle grade Yellow Rank martial skill na Falling Leaf Palm. Mabilis na papunta ang kanyang mga palad sa mukha ni Duan Ling Tian.

Falling Leaf Palm!

"Ika pitong nakatatanda, naabot agad ni Li Jie ang mastery ng Falling Leaf Palm nang nasa ika apat na antas lamang ng Body Tempering stage. Kahanga hanga talaga ng natatangi niyang talento!"

"Sinanay ko rin ang Falling Leaf Palm noong bata ako pero namaster ko lang ito noong nasa ika pitong antas na ako ng aking Body Tempering stage. Dahil dito ay higit ako ng mahina kung ikukumpara kay Li Jie. Napakasuwerte ng ika pitong nakatatanda na magkaroon ng ganitong anak."

"Oo nga, mayroon anak ang ika pitong nakatatanda na kagaya niya; hindi ko mapigilan sa aking sarili na hangaan siya."

...

Habang naririnig niya ang mga papuri ng ibang nakatatanda sa kanyang anak, ngumiti ng bahagya si Li Kun. Tumaas lalo ang tiwala niya sa kanyang sarili.

"Eh ano naman iyong martial skill na ginagawa ni Duan Ling Tian?"

Biglang sabi ng Aman a si Li Nan Feng.

Ang lahat ay napatingin kay Duan Ling Tian.

Nakita nila na yumuko nang parang kabayo ang kalahati ng katawan ni Duan Ling Tian. Ang katawan nito ay bahagyang nakaliyad paharap na para bang isang mabigat at malakas na pana; makikita rin na hindi siya magagalaw nang sino man na para bang isang bundok.

Sa mga sandaling ito, nang papalapit na ang Falling Leaf Palm ni Li Jie sa kaniya, Gumalaw sa wakas si Duan Ling Tian….

Tahimik na parang isang birhen na gumalaw na parang isang galit na kuneho!

Ang pangungusap na ito ang makapagkukwento sa Duan Ling Tian na nakikita ng lahat sa mga oras na iyon.

Hindi man lamang nasindak si Duan Ling Tian sa papalapit na Falling Leaf Palm ni Li Jie; Gumalaw siya para salubungin ang atakeng iyon ni Li Jie.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamao at isinuntok niya ito na parang isang bala ng kanyon papunta sa paparating nang palm strike ni Li Jie.

Clap!

Nanginig nang bahagya ang katawan ni Li Jie nang magsalubong ang kanyang palm strike at ang kamao ni Duan Ling Tian pero nagawa pa rin nitong makatayo sa kanyang kinatatayuan.

Si Duan Ling Tian naman ay napaatras ng ilang hakbang habang bahagyang namumula ang mukha nito.

"Tian!"

Nagkaroon ng matinding pagaalala si Li Rou nang makita niya ang napaatras na si Duan Ling Tian.

Ninenerbiyos din na isinara ng dalaga ang kanyang mga kamao nang makita niya ito.

Nagpatuloy naman si Li Kun sa pagiging kampante nang makita niya ang kasalukuyang nagaganap sa laban.

Para sa kanya, ang pagtutuos sa pagitan ng isang martial artist na nasa ika apat na antas na ng kanyang Body Tempering at ng isang martial artist na nasa ikatlong antas pa lamang ng kanyang Body Tempering, ang laban na ito ay tiyak na papabor sa kaniyang anak kahit na ano pa ang mangyari.

"Maraming salamat sa limandaang piraso ng pilak ika limang nakatatanda."

Kampanteng sinabi ng ika anim na nakatatandang si Li Ping kay Li Ting.

Na para bang pumasok sa kanyang bulsa nang walang kahirap hirap ang limandaang piraso ng pilak galing sa ika limang nakatatanda.

"Tulad nga ng inaasahan ko sa isang martial artis na nasa ika apat na antas na ng kanyang Body Tempering; mas mahina pa ako sa kanya ng bahagya kung haharapin ko siya ng tapatan."

Pumitik ang puso ni Duan Ling Tian sa mga sandaling iyon sa arena.

"Pero kung…."

Makikita ang mga ngiti sa dulo ng bibig ni Duan Ling Tian habang nakatingin sa suot suot niyang singsing. Ito ang kanyang secret weapon.

"Hindi ko lubos maisip na maabot mo ang ikatlong antas ng iyong Body Tempering stage. Pero napakaimposible para sa iyo na maging kalaban ko. Ngayong araw ay maipaghihiganti ko na rin ang aking nakababatang kapatid sa paglumpo ko sa buo mong katawan! Sisiguruhin ko na mananatili ka na lamang sa iyong higaan habang buhay! Mabubuhay ka sa matinding sakit na hindi matatapos hanggang magmakaawa ka na sa iyong kamatayan!"

Nanggigigil na sinabi ni Lie Jie kay Duan Ling Tian.

Naging madilim at malamig na kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian. Hindi niya akalain na magiging ganoon kabagsik at kalupit ang kalaban niyang si Li Jie.

Noong nakaraang hamunin siya ni Li Xin ay nagpakita pa ito ng awa at pinaralisa lamang ang isa sa mga braso nito.

Kung hindi ay maaaring naging pareho sila nang kinahinatnan ng isa sa mga alalay ni Fang Jian.

At ngayong araw kahit na napakalaki ng pagitan sa lakas niya at ni Li Jie, buo ang tiwala niya sa kanyang sarili na mananalo siya sa pamamagitan ng inskripsiyon sa kanyang singsing.

Noong una ay plano niya lamang paralisahin ang isa sa mga braso nito bilang miyembro na rin ng pamilya Li….

Pero ngayon na nakita niya kung gaano kalupit ang maaari niyang sapitin.

"Lumpuhin ako hanggang sa mabuhay ako nang nakaratay sa kama habang iniinda ang walang hanggang sakit buong buhay? Sana maalala mo ang mga sinabi mo ngayon sa akin Li Jie at hindi mo ito pagsisihan."

Tiningnan ni Duan Ling Tian si Li Jie nang bigla ito tumawa ng malakas.

"Magsisi? Ako na si Li Jie ay kailanmang hindi malalaman ang kahulugan ng salitang pagsisisi!"

Malamig na tumawa si Li Jie at itinanim ang kanyang mga paa sa lupa habang makikita ang nagngangalit na ekspresyon ng kanyang mukha na para bang naging isa siyang mabangis na tigre habang itinutulak ang sarili niya papunta kay Duan Ling Tian.

Mabilis na pumunta muli ang kanyan Master Stage Falling Leaf Palm kay Duan Ling Tian.

Humakbang ng isa paabante si Duan Ling Tian at iniliyad ang kanyang katawan paatras na para bang hugis ng isang pana.

Ibinuwelo niya ang kanyang kanang braso hanggang sa makakaya nito na nagresulta sa panginginig ng kanyang katawan at pagkatapos ay isinuntok niya ito paharap. Mabilis na gumapang ang lahat ng lakas sa kanyang katawan papunta sa kanyang kamao kabang sinasalubong nito ang Falling Leaf Palm ni Li Jie….

Cannon Fist!

Isa iyon sa Limang Elemental Fist ng Form at Will Boxing. Parang isang kanyong ngunit hindi literal na kanyon; Ang lakas sa paggamit ng suntok na iyo ay katumbas ng lakas na kayang makapagpataob ng mga bundok at makapag paalon sa mga dagat.

"Clap!"

At muling nagsalubong ang palm strike ni Li Jie at kamao ni Duan Ling Tian!

Pumitik muli ang puso ni Duan Ling Tian. Ang lakas na nasa loob ng ininskripsiyon na singsing ay sumabog at pumasok sa katawan ni Li Jie…

Ilang sandali pa ay makikita sa mukha ni Li Jie ang sakit na para bang tinamaan siya ng isang kidlat. Nanginig ang kanyang buong katawan, hindi maipinta ang kaniyang itsura at ang kaniyang mga mata ay nagpakita ng matinding takot.

Na para bang nakita na niya ang pinakanakakatakot na bagay sa kanyang buong buhay.

Bang!

At noong nagsimulang manginig ng katawan ni Li Jie ay mabilis na ring nawalan ng puwersa ang Falling Leaf Palm nito at sa huli ay nanaig ang Cannon Fist ni Duan Ling Tian.

Ka!

Nabali ang buto sa braso ni Li Jie sa lakas ng puwersa nito!

Ang matinis na tunog ng nababaling buto ay sinamahan ng nakabibinging sigay ni Li Jie na pumasok sa tainga ng lahat ng nanonood sa laban.

Nanginig ang lahat hanggang sa kanilang mga buto.

At habang ang lahat ay nagtataka kung paano natalo si Li Jie ni Duan Ling Tian sa kanilang sagupaan,

Umabante si Duan Ling Tian para habulin ang patalikod na bumabagsak na si Li Jie at sinipa ito ng malakas na nagresulta sa pagtalsik nito ng higit sa tatlong metro.

Sa mga sumunod na sandali, si Duan Ling Tian na nakatayo pa rin sa kanyang kinatatayuan mula kanina ay biglang nagsquat!

Namutla ng husto ang mukha habang nanlalamig ang kanyang mga pawis nang mapatalsik ni Duan Ling Tian si Li Jie sa ere.

Noong malapit na siyang bumagsak sa lupa, agad siyang lumingon at napansin ang mga ginagawa ni Duan Ling Tian. Agad niyang nalaman kung ano ang susunod nitong gagawin sa kaniya.

"Iligtas mo po ako ama!!"

Nakaramdam siya ng napakatinding takot na tumagos papunta sa kanyang puso kaya ito napasigaw nang todo.

At dahil siya ay nasa ere pa rin sa mga puntong iyon ay wala siyang magawa para magamit ang lakas ng kanyang ikaapat na antas ng Body Tempering stage.

Dumeretso ang mga binti ni Duan Ling Tian sa loob lamang ng isang kisapmata, at sumipa ito na para pang isang bala ng kanyon papunta sa mabilis na bumabagsak na si Li Jie….

"Hindi!!"

At noong marinig na niya ang napakalakas na sigaw ng kanyang anak, agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at mabilis itong lumipad pababa sa arena.

Gusto niya lamang iligtas ang kaniyang anak.

Nagalala si Li Rou nab aka masaktan ang kanyang anak ng pababa sa arena na si Li Kun kaya agad siyang sumunod dito.

Bab berikutnya