182 na taon ang lumipas sa loob ng isang iglap. Sa loob ng panahong ito ay hindi nagawa ng 99% sa isang daang milyong fighters sa paligid ng dambuhalang estatwa ng diyos na halimaw kasama ng mga nasa loob ng mga kuweba na tumayo sa kanilang pagkakaindian seat.
Para sa mga fighters na itong may napakahabang life span, wala lang ang 182 maiiksing taon.
…
Nakaindian seat na umupo sina Si Fan Qi at Dylan sa likuran ni Luo Feng, pinrotektahan ng walang hugis nilang enerhiya nang husto ang paligid ni Luo Feng.
"Mr. Dylan, nasa kulang kulang 200 taon nang nagsasanay dito si kamahalang Luo Feng at wala rin siyang matibay na plano sa mga susunod niyang gagawin, kalian ba talaga siya matatapos?" lumingon si Si Fan Qi kay Dylan at nagtanong. Walang pakialam namang tumawa si Dylan at iniling ang kanyang ulo "Mukhang gusto lang ng kamahalan na magsanay sa abot ng kanyang makakaya."
"Hm?"
Magkasabay na tumingin ang dalawa kay Luo Feng.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com