webnovel

Ang Oportunidad

Editor: LiberReverieGroup

"Mga tao?" tumama ang tingin ng binatang may itim na balat kay Luo Feng, mabilis niyang nakumpirma na mga tao nga ito.

 "Ikaw ba ang namumuno sa grupong ito?"

Nagulat ang binatang may itim na balat noong makita niya si Luo Feng. Mula sa pagkakatayo nito ay nakita niyang nakatayo si Luo Feng sa harapan habang nakatayo naman ang undying na si Dylan sa tabi at ang 5 na sector lord kasama si Kashna sa likuran.

 "Kumusta ka na." nginitian siya ni Luo Feng.

 "Haha…" nagpakita ang nakakatakot at matapang na binate ng isang ngiti, dito na tumama ang kanyang tingin sa mga kabataan na nasa kanilang paligid "Naiintindihan ko na ngayon kung bakit sila nagtumpok tumpok dito. Ah, naririto ka rin pala Jia Ai. Haha…mukha ngang gusting hamunin ng lahat ang taong henyo na ito."

Tumitig naman ang mukhang bakal na binatang may itim na balat kay Luo Feng "Tao, ako si Bei Chuang mula sa palasyo ng Doyen, at opisyal kitang hinahamon sa isang laban!"

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya