webnovel

Ang Plano ni Luo Feng

Editor: LiberReverieGroup

Agad na umalis ang misteryong nilalang na kumakatawan sa Virtual Universe Company matapos ang kanyang simpleng announcement sa mga kalahok.

Kahit hindi pa rin tumitigil ang pagkalito nina Luo Feng at ng iba pang fighter sa mga nangyari, wala pa rin silang nagawa kundi bumalik sa skyscraper 0825 para magpahinga.

Kinaumagahan ng kasunod na araw.

 "Maaaring maghanda na kayong lahat, malapit na tayong magsimula sa pagteteleport ng bawat grupo na magdadala sa kanya-kanya niyong training spaces." Isang malinaw na boses ang maririnig sa buong space kung saan nakatayo ang naglalakihang skyscrapers. Kanina pa nagising ang mga henyong nagmula sa 1,008 na skyscrapers para hintayin ang pagsisimula ng elimination stage.

Mauuna ang elimination stage na susundan ng mga duelo.

Pero kung pag-uusapan ang pagiging brutal ng isang round, mukhang mas nagbigay ng takot ang training space stage sa puso ng mga henyo kaysa sa mga duelo.

 "Good luck."

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya