Ayon sa pagscan ni Babata sa nasa higit isang libong star level 9 fighters at ang kanilang puwesto ay naging malinaw kay Luo Feng na mayroon silang pagkakataong makatakas sa mga ito. Pero kahit na malinaw pa ito sa kanya…ay nasa isang libo pa rin ang mga taong ito, isa itong napakalaking bilang! Ang pag-iwas sa paningin at pandinig ng napakaraming tao ay nangangailangan ng matinding pag-iingat at suwerte.
"Sugod!" Nakipagusap si Luo Feng gamit ang kanyang isipan.
Sou! Sou! Sou! Sou! Sou!
Limang dumadaloy na ilaw ang nagmadaling lumabas mula sa ilalim ng lupa, inabot ng 6 oras ang paghuhukay ni Luo Feng sa lugar na iyon, nagliwanag na ang kaninang madilim na kalangitan, mabilis na kumalat ang liwanag na ito sa mundong ito.
"Sundan niyo ako."
"Mag-ingat kayo, huwag kayong gagawa ng kahitanong ingay." Nagsalita si Luo Feng gamit ang kanyang isipan at mabilis silang nakalabas sa kagubatan.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com