Sa study room ng pagoda ni Candace.
Agad na umupo sa harapan ng kanyang notebook si Candace matapos niyang maligo. Dito niya nakita ang dalawang imbitasyon para makipagvideo chat. Tiningnan ito ni Candace at nakita na ang isang imbitasyon ay nagmula sa headquarters ng Paulinus family habang ang isa naman ay nagmula sa kanyang tita na si Venina Paulinus na kasalukuyang nakatira sa China.
Pinindot niya ang accept sa imbitasyon na nanggaling sa kanyang tita.
"Tita," nakangiting sigaw ni Candace.
"Kumusta ka na mahal kong Candace?" buong pusong tanong ni Venina.
Magkalapit sina Candace at ang kanyang tita. Ang kanyang magulang ay matagal nang hindi magkasundo noong bata pa lang siya kaya hindi nagtagal ay nagdivorce ang mga ito. Matapos nito ay napunta si Candace kay Venina na nagpalaki sa kanya kaya isang magulang na ang turing ni Candace sa kanyang tita na si Venina. At ang tanging rason kung bakit siya lumakas ng ganito ay pagtuturo ni Venina.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com