"Posible dapat ito!"
Malakas ang pakiramdam ni Zhao Feng.
Noong buksan niya ang kanyang Dream God Eye at pinagsama ito sa mundo ng Ancient Dream Realm, naramdaman niyang mayroong kaugnayan sa dalawa.
Sa pagkakataong ito, hindi niya lamang tinaasan ang sakop ng kanyang kontrol nang sampung beses.
Kaya niya pang maramdaman ang mas malalayong lugar, kahit hindi ganoon kalakas ang kanyang abilidad na kontrolin ang mga lugar na iyon.
"Kung gusto kong repinahin ang Ancient Dream Realm, mas magiging madali ito gamit ang Dream God Eye!"
Determinado si Zhao Feng matapos mag-isip nang saglit.
Swish!
Umangat siya at agad na tumungo sa kalaliman ng Ancient Dream Realm.
Matapos lamang niya makasalubong mga God Lord level ancient races saka siya bumagal.
Sa kanyang paglalakbay, may nakasalubong siyang isang nagyeyelong bundok na lambak.
Ang temperatura doon ay agad na bumaba.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com