Ang galit na pag-alis ng Golden Jade Race ang nagdulot ng pagpansin ng ibang mga dibisyon sa kabundukan. Ang pagpunta ng lahat ng mga miyembro ng Golden Jade Race sa iisang direskyon sa isang kritikal na yugto ay sobrang nakakagulo.
"Hindi ba't nagpadala ang Golden Jade Race ng limang tao upang tugisin ang maliit na grupong iyon kani-kanina lamang? Bakit lahat sila pupunta na ngayon?" Sa tuktok ng bundok na iyon nanatili ang grupo ni Zhao Feng kanina, ang batang tumitig kay Zhao Feng nang dalawang beses ay bahagyang nasurpresa.
"Itikom mo ang bibig mo! Walang mabuting taong nagpupunta sa lugar na ito!" Sa sandaling ito, ang Rank Four True God ng grupo ng bata ay galit siyang sinita.
…
"True God Tianhua, anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Quasi-God Di Lin. Nakatanggap ng isang mensahe si True God Tianhua at sunod dali-daling dinala ang lahat ng tao upang samahan siya, subalit wala ng iba pang nakakaalam kung ano ang nangyari.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com