Nang lumabas sa isang teleportasyon na entablado si Zhao Feng, ang Ninth Prince, at mga kasama nito, ang lahat ay sumakay sa lumilipad at nagliliyab na kalesa ni Zhao Feng at lumipad sa kalangitan. Walo ang kapasidad ng lumilipad at nagliliyab na kalesa.
"Tingnan niyo, iyon ay...!"
"Ang halaga ng lumilipad na makinaryang iyan ay paniguradong napakataas!"
Ang Spiritual Palace ay mas magulo pa kaysa sa huli. Si Zhao Feng at ang mga kasama nito na lumilipad sa kalangitan ay nakakuha ng atensyon, at dose-dosenang pigura ang dagliang sumunod sa kanila.
"Hmph!" Malamig na humagikgik ang Sacred Lord Cang Qiong at inilabas ang kanyang Sacred Lord aura.
Boom!
Ang nayanig ang dugo ng dose-dosenang pigura nang itulak sila ng napakalakas na aura.
"Sacred Lord...! Walang pag-asa."
Maraming tao ang umalis, ngunit mayroon pa ring ilang ganid na sumusulyap ang natira matapos makita na may walong tao sa lumilipad na kalesa.
...
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com