Ang mga salita ni Zhao Feng ay naging dahilan upang makahinga na ang mga henyong narooon dahil ang kasindak-sindak na aura sa kanilang paligid ay naglaho na.
Ang Purple-Haired Demonic Duo ay palaging magkasamang magtrabaho sa Divine Illusion Dimension. Mahirap makahanap ng tao na kayang pigilan si Nan Gongsheng, dahil ang battle power nito ay ay walang kapantay maliban kay Zhao Feng.
Noong marinig niya ang boses nito, ang aura ni Nan Gongsheng ay nagsimulang maglaho at ang malupit na ekspresyon niya ay nanlambot.
Shua!
Ang malabong pilak-at-lilang pigura ay mabilis na pumasok sa God's Array Building. Karamihan sa mga taong ito ay hindi makita ang kanyang paggalaw.
Peng! Peng! Peng! Peng!
Ilan sa mga Hari sa God's Array Building ay lubhang tensionado. Si Nan Gongsheng qy may kakayahang tumalo ng isang peak-tier King, maging isang Void God Realm Emperors ay hindi siya katapat.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com