"Matatanggap ng pamilya Duanmu ang iyong sulat ng humigit-kumulang kalahati ng isang taon."
Sinuri ng elder si Zhoa Feng ng may kakaibang mga titig. Ang pamilya Duanmu ay isa sa walong pinakamalaking pamilya sa Great Gan Lord Dynasty, at ito'y maikukumpara sa three-star superpower. Ang Eight Big Families ay malapit na konektado sa mga imperial, at ang kanilang impluwensiya sa mortal na mundo ay nakalampas na sa ibang three-star superpowers. Maliban sa four-star power, ang Eight Big Families ay nakatayo sa peak.
"Kalahating taon?"
Napagtanto ni Zhao Feng na ang continent zone ay mas malaki kaysa sa inasahan niya. Kailangan nilang malaman na ang mensahero ay gagamitin ang Zone Teleportation Array at maglakbay sa isang mas mabilis na ruta, ngunit aabutin pa rin ito ng kalahating taon?
Bago siya umalis, si Zhao Feng ay nagdala ng mapa ng teritoryo ng Great Gan Lord Dynasty.
Ang Great Gan Lord Dynasty ay mayroong labing-walong mga probinsiya. Ang bawat probinsiya ay kasing sukat ng Cang Ocean o ng Nanlin Sea, ngunit ang kanilang mga populasiyon at ang kalamangan sa kanilang cultivation ay mas malakas.
Samakatuwid, ang continent zone ay hindi lamang nag-iisa ang lord dynasty.
Ang mapa ay mayroong mga deskripsiyon tungkol sa iba't ibang mga teritoryo ng continent zone. Ang Great Gan Lord Dynasty ay mas mahina kaysa noong mga nakalipas na panahon, at ang Dark Moon Lord Dynasty ay lumitaw noong nakalipas na dose-dosenang milenya sa norteng parte ng continent zone. Sila ay pinamumunuan ng iba pang uri ng mga nilalang, at sila'y sumakop na ng ibang teritoryo sa Great Gan Lord Dynasty.
Sa mga sandaling iyon, ang pinakamalaking kalaban ng Great Gan Lord Dynasty ay ang Dark Moon Lord Dynasty, na isa sa mga dahilan kung bakit wala itong pakialam sa Cang Ocean.
Inilayo ni Zhao Feng ang mapa, at saka umupo sa Yinming Bird at lumipad sa direksiyon ng pamilya Yunling Zhao.
Kalahating araw:
Whoosh!
Ang isang half-step King na naka asul na roba ang dumating sa Ten Thousand Sacred Clan.
Weng~~
Isang makinang na pilak na token ang lumaki at lumutang sa himpapawid. Isang lilang dragon ang lumitaw at saka naglabas ng makapangyarihang aura. Ang aura ng mga token ay umabot sa mga kalangitan.
"Duke Token!"
Ang ibang mga eksperto sa loob ng Ten Thousand Sacred Clan ay nagising nito. Kahit na hindi ito ang main Duke Token, ito'y may mataas pa ring rank.
"Anong maipaglilingkod namin sa iyo, General?" Lumapit ang isang half-step King Regulator.
"Nag-utos ang Duke Palace upang makita ang beast tamer ng iyong clan, Zhao Feng," Sabi ng heneral na naka asul na roba.
"Zhao Feng?"
Ang ibang mga tao sa Ten Thousand Sacred Clan ay tumingin sa isa't isa at nagsimulang mag-usap-usap. Kung sila'y maghahanap lamang ng pangalan ng tao, sila'y matatagalan, ngunit ang sabi ng heneral ay isa itong beast tamer. At mayroon lamang nag-iisang beast tamer na may pangalang ganito.
Matapos ang ilang saglit, isang Origin Core Realm elder ang sumagot, "General, kami'y humihingi ng pasensiya, ngunit si Zhao Feng ay humiling na bumalik sa kaniyang pamilya noong isang araw."
Kapag ang mga disciple ay nagpupunta sa mga misyon o ibang mga bagay, sila ay madalas na nagtatala ng kanilang mga ginagawa. Ito'y hindi dahil sa patakaran ng clan, kundi ay maprotektahan din nila ang kanilang mga disciple sa ganitong paraan. Kapag ang mga disciple ay nawawala o may nangyaring masama sa kanila, malalaman ng clan ang lahat ng nangyayari. Samakatuwid, karamihan sa mga taga-labas.
"Bakit ang mga taong mula sa Duke Palace ay nandito upang hanapin si Zhao Feng?" Kasama sa mga lupon ng mga tao, kumunot ang mga kilay ni Senior Martial Brother Guang. Ang kaniyang message token para kay Luo Zun ay ninakaw ni Zhao Feng, at sinusubukan pa rin niyang hanapin siya upang kausapin si Zhao Feng.
Sa mga parehong sandaling iyon, si Zhao Feng ay lumilipad pa-norte gamit ang Yinming Bird.
Makalipas ang kalahating araw, isang lambak na nasa pagitan ng nagtataasang mga bundok na napapalibutan ng mga ulap ang lumitaw.
Alam ni Zhao Feng na ang lugar ng Yunling ay isa sa mga pinakamahirap na lugar, at ang mga resources nito ay kadalasang nanggagaling sa mga low- hanggang mid-tier Primal Crystal Stone mines. Ang mga two-star sect ay walang pakialam sa mga resources, ngunit ang ibang mga pamilya ay nabubuhay nang dahil dito.
Ang pamilya Zhao at pamilya Yin ay kasama sa mga nangungunang mga pamilya sa Yunilng area, at sila'y nakikipaglaban na sa isa't isa sa loob ng maraming taon.
Matapos niyang ulit-ulitin ang mga memorya sa kaniyang isipan, si Zhao Feng ay nakaabot na sa teritoryo ng Yunling Zhao Family.
Ang Yinming Bird ay lumapag patungo sa kastilyo na nasa tuktok ng bundok. Ang kastilyong ito ay tinatawag na Zhao Family Castle, at ito ang pangunahing himpilan ng Yunling Zhao Family. Ang pagkakaiba nito, ang mga kalapit na mga bayan ay parte lamang ng puwersa ng pamilya Zhao.
Samakatuwid, ang pamilya Yunling ay 'di mabilang na mas malakas kaysa sa Zhao Family of Sun Feather City sa kaniyang nakaraang buhay. Sinasabi 'din na ang kapangyarihan ng buong Thirteen Countries ng Cloud region ay walang laban sa pamilya Yunling Zhao.
Ang pagdating ng Yinming Bird ay nagdulot upang magsilabasan ang mga tao. Kung tutuusin, ito'y hindi Ten Thousand Sacred Clan, na mas malapit sa three-star force. Ang mga ibong kagaya ng Yinming Bird ay napakamadalang na makita sa Zhao Family Castle.
"Ito'y si Young Master Zhao Feng!"
"Si Young Master Zhao Feng ay nagbalik na!"
Ang ibang mga miyembro ay mabilis na nakilala si Zhao Feng at sila'y sobrang natuwa. Si Zhao Feng ay isang once-in-a-thousand-years na henyo ng pamilya Yunling Zhao. Malinaw na alam ni Zhao Feng na ang pag-asa ng pamilya Yunling Zhao ay nasa kaniyang kamay.
"Feng'er!"
"Young Master Zhao Feng…."
Pagmamalaki at paghangang mga boses ang bumanda, at tumango lamang si Zhao Feng habang hindi nagsasalita sa mga tao ng pamilya Zhao ng may ngiti sa kaniyang labi.
Ang kaunting bilang ng taong pamilyar kay Zhao Feng ay nakaramdam na siya'y nagbago.
Makalipas ang ilang oras, sa bulwagan ng pamilya Zhao, nakita ni Zhao Feng ang mga elder at upper echelon ng pamilya Yunling Zhao, ngunit ang kapaligiran ay medyo seryoso.
"Zhao Febg, masiyado kang padalos-dalos "
"Paano mo nagawang tanggihan si Shui'er sa ganitong paraan.
Nagsisihan ang Head of the Family at ang mga elder.
Bilang isang pamilyang mid-tier sa Tianfeng Great Island Zone, ang lakas ng pamilya Yunling Zhao ay maikukumpara sa one-and-a-half-stars force. Amg lahat ng miyembro ng upper echelon ay mga Origin Core Realm, at isa o dalawang mga elder lamang ang nakaabot sa Great Origin Core Realm.
"Pinabalik mo lamang ako para murahin mo?" Ang boses ni Zhao Feng ay naging malamig. Sinusubukan nitong makuntento sa mga hinihiling ng orhinal na may-ari nito magbuhat nang kuhanin niya ang katawan nito, ngunit wala siyang nararamdaman patungo sa pamilya Yunling Zhao.
"Hindi mo man lang nirerespeto ang iyong mga elder? Anong karapatan mong sumagot…?" Malamig na sabi ng Head of the Family at ni Zhao Tianyi, at pagkagulat at galit ang lumitaw sa kanilang mga mata. Kahit na hindi na masunurin si Zhao Feng noon pa, kailan man ay hindi siya sumagot ng ganito sa kanila.
"Mayroon na rin siyang pak-pak ngayon at hindi man lang niya matignan ang kaniyang mga senior," Bumuntong hininga ang elder.
Kung ito'y isang normal na disciple lamang, paniguradong nasampal na ito ng Head of the Family, ngunit dahil sa kasalukuyang estado ni Zhao Feng, hindi niya binalak na gawin ito. Kung tutuusin, siya pa rin ang pinakamalaking pag-asa sa loob ng maraming mga taon. Samakatuwid, narinig din nilang si Zhao Feng ay nagkaroon ng isang spiritual pet na pusang napakalakas.
"Naririto ba tayo upang mag-usap o hindi?" Iritableng tanong ni Zhao Feng. Hindi siya nagbalik upang maipangako at murahin lamang.
Napatigil ang upper echelon ng pamilya Zhao. Ang kasalukuyang Zhao Feng ay lubos ng nagbago kaysa noon.
"Feng'er, nagbago ka na…." Isang elder na mayroong putting buhok ang lumabas galing sa gilid ng bulwagan. Mabagal itong naglakad – ito ang lolo ni Zhao Feng.
Ang mga magulang ng orihinal na Zhao Feng ay pareho ng patay, at simula noon ay tumira na sa kaniyang lolo. Sa kaniyang kataasan noon, ang lolo ni Zhao Feng ay isang Origin Core Realm Sovereign, ngunit bumaba siya sa pagiging half-step Origin Core Realm matapos ang isang alsidente.
"Lolo, hindi na ako ang Zhao Feng na kagaya ng dati." Maputlang ngumiti si Zhao Feng. Sa kaniyang alaala, ang kaniyang lolo ay nagbigay sa kaniya ng pag-asa noon pa. Upang mapalaking henyo si Zhao Feng, ang lolo ni Zhao Feng ay ginugol ang lahat ng kaniyang yaman.
Ang orihinal na Zhao Feng ay puno ng respeto at pasasalamat patungo sa kaniyang lolo.
Nang marinig nila ang sinabi ni Zhao Feng, napatigil ang lolo ni Zhao Feng bago siya nito bigyan ng malalim na titig. Ang kaniyang apo ay nagbago na mula noon; hindi na niya makita ang loob nito. Napagtanto ng upper echelon ng pamilya Zhao na ang ugali ngayon ni Zhao Feng ay maaaring mailarawan sa dalawang mga salita –"malamig" at "walang emosiyon".
"Zhao Feng, umaasa akong bibigyan mo ako ng magandang dahilan sa pagtanggi kay Luo Shui'er, at umaasa akong pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanila," Sabi ng Head of the Family.
"Dahilan? Ayokong pakasalan si Luo Shui'er. Wala masama sa pagtanggi sa kaniya," Matapat na sabi ni Zhao Feng.
"Ikaw…! Si Luo Shui'er ang golden daughter ng pamilya Luo. Karangalan mo ang maipakasal sa pamilya Luo!" Halos tumayo sa galit ang Head of the Family.
Nang marinig niya ito, malamig na nanood lamang si Zhao Feng. Ang kaniyang mga titig ay nagdulot upang makaramdam ng lamig ang Head of the Family at ng upper echelon.
Miao miao!
Isang maliit na silver-gray na pusa ang lumitaw sa balikat ni Zhao Feng. Ang pagdating ng pusang ito ay nagdulot upang mag-ingat ang upper echelon ng pamilya Luo. Ang elder na naka abong damit ay nagpakita ng takot at mabilis na pinigilan ang Head of the Family.
"Dahil sa panghihimasok ng Eight Prince, ang kasalan sa pamilya Luo ay magiging imposible na. Tianyi, hindi na dapat natin to pag-usapan ng masiyado," Sabi ng elder na naka abong damit, at ang upper echelon ng pamilya ay pinagmasdan si Zhao Feng ng kakaiba.
"Sa paghingi naman ng tawad sa pamilya Luo, ay huwag ka ng magbalak sa pagbanggit nito muli." Ang mga sumunod na sinabi ni Zhao Feng ang nagpatikom ng mga bibig ng Head of the Family at ang iba pa.
Ang pamilya Luo ang gustong kanselahin ang kasalan sa una pa lamang, kaya walang mali kung magpapadala si Zhao Feng ng Engagement Rejection Letter.
"Paniguradong nakaramdam ng hiya ang pamilya Luo. Kahit na wala silang direktang ginagawa sa atin, pasikreto nilang susuportahan ang pamilya Yin." Pag-aalala ni granfather Zhao.
Kamakailan, ang pamilya Yin ay sinusuportahan ng isang misteryosong kapangyarihan, lumalaki at kumukuha ng mga puwersa ng pamilya Zhao. Ang pamilya Zhao ay nasa dulo na ng pagbagsak.
"Ang layunin ko sa pagbabalik ko ngayon ay upang mawala sa landas ang pamilya Luo. Matapos mawasak ang pamilya Luo, ang pamilya Zhao ay mawawalan na ng mga kalaban pa sa Yunling area." Isang malamig na ilaw ang kumislap sa mga mata no Zhao Feng.
Alisin sa landas ang pamilya Yin? Nagulat ang mga upper echelon. Naramdaman nilang siya'y masiyadong naging mayabang, ngunit kung titignan ang lakas ng loob ni Zhao Feng, ang Yinming Bird, at ang "Senior Thieving Cat," hindi nila maiwasang maniwala ng kaunti.
"Zhao Feng, naniniwala kami sa iyo." Tumango ang Head of the Family, ngunit ang kaniyang mga salita ay nagbigay ng ibang kahulugan; "Ngunit kung hindi mo mareresolba ang panganib, umaasa kami na pupunta ka sa pamilya Luo at humingi ng tawad."
"Humingi ng tawad? Mas maganda sana kung wasakin na lamang ang Luo Family…." Tumawa si Zhao Feng ng may mapaglarong ngiti nang umalis siya sa bulwagan.
"Mayabang na bata!"
"Hindi ka ba natatakot na maputol ng hangin ang iyong dila?"
The upper echelon of the Zhao Family roared, but the youth didn't care; he just kept on walking further and further.
Sumigaw ang isang upper echelon ng Zhao Family, ngunit ang bata ay walang pakialam; siya'y patuloy na naglakad na lamang habang palayo ng palayo.
Si Zhao Feng ay may sariling kuwarto Zhao Family Castle.
Zhiii~~
Isang matandang anyo ang nagtulak sa pinto at pumasok sa kuwarto. Ito ay si grandfather Zhao.
"Ikaw… hindi ikaw si Feng'er," Tumitig si Grandfather Zhao kay Zhao Feng at sinabi ito ng may nanginginig at malungkot na tono.