Pinanood ng tatlong lalaki at isang babae si Zhao Feng na umupo sa Yinming Bird at lumipad paalis. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng gulat sa kanilang mga mukha, at tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang Yinming Bird.
"Napakahusay na bata at Beast Tamer. Sa kasamaang palad, hindi ako nabigyan ng pagkakataong makilala siya…." Pinanuod ng napakagandang babae ang Yinming Bird na lumipad papalayo ng may panghihinayang.
Kaunti lamang ang mga Beast Tamer na kayang makapagpaamo sa Yinming Bird, na sinanay sa elemento ng Kamatayan, nang napakadali. Isa pa, bata at makisig ang Beast Tamer.
"Huwag kang mag-alala, Prinsesa," bahagyang ngumiti ang namumunong Great Origin Core Realm Sovereign Lord. "Sa talentong mayroon ang batang iyon, sigurado akong magkakaroon ng pagkakataon na makita mo siyang muli sa hinaharap."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com