webnovel

Ang Pagbabalik sa Azure Flower Continent

Editor: LiberReverieGroup

Sa kinaila-lilaliman ng walang hanggang karagatan:

Gulugulu!

May lumitaw na mga bula-bula sa tubig, at may parang nasasakal ang siyang tumunog. Ilang hininga ang makalipas, isang namumutlang apat na taong gulang ang lumitaw sa ibabaw ng dagat.

"Hindi… pa ako patay? Hmm? Nawala na ang Dark Heart Seed. Dahil ba ito sa winasak ng Death of Soul ang sarili niyang kaluluwa?" nakatayo lamang sa himpapawid ang bata habang bumubulong ito sa sarili.

Muntik nang todong masira ang kaluluwa ng batang Demigod at dagdag pang nalaglag siya sa dagat matapos wasakin ng Emperor of Death ang sarili nito. Inakala niya mismo na pati siya ay patay na. Nawala na rin ang Dark Heart Seed kasama nito.

Halos hindi niya naligtas ang sarili niya sa oras na iyon, pero sobrang hina na ng kaniyang aura.

"Lahat ng ito'y dahil sa Golden Kun Sacred Body. May parte ng malay ko ang nakakabit sa katawan ko," bulong ng batang Demigod.

'Pag naabot na ng isang tao ang huling yugto ng Golden Kun Sacred Body ay mag-iisa ang katawan at ang kaluluwa; hindi masisira ang kaluluwa kung hindi masisira ang katawan.

Sa oras na 'yon ay may dumaang barko.

"Ano 'yon, lolo?" may isang batang babae ang tumingin sa batang namumutla.

"Hahahaha…!" lumutang sa himpapawid ang bata. Kamatay-matay ang ngiti ng batang ito at may halong kasamaan.

"Ako, ang Demigod Kun Yun, ay muling magbabalik!"

Sa isang maliit na sulok ng mundo nakawala na ang Demigod Kun Yun sa kaniyang mga rehas at muling malaya na. Nang walang restriksyon o limitasyon, ano kayang pagbabago ang magagawa ni Demigod Kun Yun sa mundo?

Whoosh!

Nawala ang batang Demigod sa kinatatayuan nito. Sunod ay may mga iyak at sigaw ang nanggaling sa barko.

"Mula ngayon ay ako na ang kapitan ng barkong ito. Mamamatay ang lahat ng hindi susunod sa akin."

Nangibabaw ang lakas ng batang Demigod sa barko. Ang natatanging pinakamalakas na cultivator sa barko ay isang Peak Sovereign Lord lamang, at ito'y parang langgam sa mata ng batang Demigod.

Matapos kuhanin ang barko, agad na nagbigay ng utos ang batang Demigod para tumungo sa isang direksyon na tinuro niya gamit ang pinakamabilis na kaya ng barko.

Alam ng batang Demigod na hindi niya mapapantayan si Zhao Feng. Pero sa ipinakitang lakas ni Zhao Feng ay matatakot ang lahat ng miski nasa Mystic Light Realm.

Napag-isipan ng batang Demigod na magbabago siya muna ng pagkakakilanlan at pabalikin ang kaniyang cultivation sa lebel ng Mystic Light Realm bago gumawa pa ng iba pang bagay, kung hindi ay magiging masama para sa kaniya kung magkita sila ni Zhao Feng.

Sa tuwing maiisip ng batang Demigid ang master niya ay agad siyang napupuno ng takot at galit, pero hindi niya naisip na gumanti dito agad-agad. Ang pinakaimportanteng bagay sa ngayon ay protektahan niya ang sarili niya.

Whoosh!

Nakaalis na ang barko sa sakop ng Void Ocean Spiritual Palace ni Emperor Zi Mu.

Walang nakapansing may isa pang bata sa loob ng barko.

Matalino ang batang Demigod; hindi siya lumipad dahil maaaring may maiwan siyang aura sa dadaanan niya. Dahil doon ay gumamit na lang siya ng barko para tumakas. Sa nakalipas na kalahating taon, sa panahong hinahabol pa sila ng Emperor of Death, ay sobrang dami niyang natutunan sa pagtunton ni Zhao Feng, kaya alam niya na ang kaniyang gagawin.

Makalipas ang kalahating araw ay lumipad sa lugar na ito ang batang may lilang buhok.

"Dito dapat ang lugar kung saan winasak ng Emperor of Death ang sarili nito," bulong ni Zhao Feng. Sa balikat niya ay may pusang kulay na abong pilak ang nakaupo.

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at nagsimulang pagmasdan ang paligid niya, pinagtuunan niya ng pansin ang karagatan.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbago nang kaunti ang ekspresyon ni Zhao Feng – hindi niya nakita ang bangkay ng batang Demigod. Malinaw niyang naalala na gumuho ang kaluluwa ng batang Demigod sa pagkawasak ng Emperor of Death.

Nagsimulang umikot ang isipan ni Zhao Feng. Kung hindi ang pangyayaring naisip niya ang naganap ay baka naging sobrang maswerte ang batang Demigod. Kumpara kay Zhao Feng ay mas malas siya dito: natamaan siya ng Cursed Words of Death.

Sobrang kakaiba ng Cursed Words of Death. Walang saysay na kung si Zhao Feng ang nakapatay sa Emperor of Death o kung nagpakamatay man ito, dahil nakahanda na ang sumpa bago pa ito mamatay.

Ang tanging tao lamang na pinaka-inaaayawan ng Emperor of Death ang matatamaan ng Cursed Words of Death, kahit pa gaano sila kalayo. Kaya walang magagawa si Zhao Feng na pigilan ito. Ang maaari lamang gawin ni Zhao Feng noon ay hindi muna patayin ang Emperor of Death, pero kung bibigyan si Zhao Feng ng pagpipilian ay papatayin niya pa rin ang Emperor of Death.

Gaano ka-nakakahiya ang hinahabol ng pitong taon? Dagdag pa roon na kung hindi namatay ang Emperor of Death ay lagi siyang may taning sa buhay. Baka kailanganin niya pang magnghingi ng tulong sa ibang Emperors sa loob ng Ten Thousand Woods Sacred Land o sa Mystic Light Realm Sacred Lords para makuha ang Ninth God's Eye. Kaya hindi pinagsisisihan ni Zhao Feng ang kaniyang desisyon.

Aksidente lamang ang pagkawala ng batang Demigod, pero wala nang pakialam si Zhao Feng kung ano mang impluwensya ang madala ng Demigod Kun Yun sa Cang Ocean.

"Buwisit…'pag lalo kong ginagamit ang True Yuan ay lalong ring lumalakas ang pagkabulok."

Laging nararamdaman ni Zhao Feng ang kati at sakit sa loob ng katawan niya. Sinubukan niya pa ngang balutin ang katawan niya sa yelo, pero wala pa rin itong nagawa.

Nanggaling ang Cursed Words of Death sa pangalawang race ng Ten Thousand Ancient Races – ang Ancient Shaman Race. Sobrang misteryoso nito, at nadaig nito ang karamihan sa kaluluwa. Sa ancient era ay pinaka-kinatatakutan ng lahat ang mga salamangka at mga sumpa.

Kapag mas malakas ang taong gumagamit ng Cursed Words of Death ay mas lalong magiging malakas ito. Emperor ang Emperor of Death, at dagdag pang mayroon siyang Eye of Death para magamit ang Cursed Words of Death. Kahit ang mga Demigods ay hindi ito maiiwasan.

Whoosh!

Binuklat ni Zhao Feng ang kaniyang pakpak at saka lumipad patungo sa malapit na Void Ocean Spiritual Palace.

"Left-Eyed Heavenly Emperor!"Inaalagaan ni Emperor Zi Mu ang mga nasugatan sa naiwang gulo. Nanlamig ang lahat, pati na rin si Emperor Zi Mu, sa pagdating ni Zhao Feng.

"Magagamit pa rin ba ang Zone Teleportation Array?" tanong ni Zhao Feng.

"May mga malakas na nagpro-protektang arrays sa paligid ng Zone Teleportation Array, kaya magagamit pa ito," sabi ni Mi Zu nang may respeto.

Nagsimulang makipag-usap si Zhao Feng kay Emperor Mi Zu. Matapos mamatay ng Emperor of Death ay nagulat si Emperor Zi Mu, at huminga ito nang malalim. Kung hindi ito namatay ay siguradong maaalala nito si Emperor Mi Zu.

"'Wag kang mag-alala kapatid na Zhao. Tutulungan kita sa mga problemang maaari mong makamit sa paggamit ng Zone Teleportation Arrays, pati na rin ang nasa loob ng Floating Dream Sacred Land," sobrang bait nang turing ni Emperor Zi Mu kay Zhao Feng. Halatang ginagawa niya ang lahat para magkaroon ng magandang pakikipagsama kay Zhao Feng na siyang may walang hanggang lakas at potensyal.

Hindi niya masyadong pinansin ang kahinaan ni Zhao Feng. Matapos ang lahat, isa pa rin sa pinakamatatandang Emperor sa Cang Ocean ang Emperor of Death, kaya magiging malaki ang halagang kapalit ng pagpatay dito.

Isa si Emperor Zi Mu sa mga taong madaling maimpluwensyahan. Marami siyang binigay na regalo kay Zhao Feng, at nagbigay pa siya ng Primal Crystal Stones na kailangan para magamit ang Zone Teleportation Array.

Matapos ang kalahating taon ay nakarating na rin si Zhao Feng sa Floating Dream Sacred Land sa tulong ni Emperor Zi Mu. Ilang two-star sects at kahit ang three-star force ay naroroon para imbitahin si Zhao Feng na sumali sa kanila, pero lahat sila ay tinanggihan niya. Sunod niya namang ginamit ang Zone Teleportation Array para tumungo sa True Martial Sacred Land.

Para makabuo ng magandang kaugnayan kay Zhao Feng, muling binayaran ni Emperor Zi Mu ang pagkakagamit sa Zone Teleportation Array, at kailangan rin naman ni Zhao Feng ang Primal Crystal na iyon, kaya't pumayag na rin siya. Sikretong natutuwa si Emperor Zi Mu dito; ang pagkuha ni Zhao Feng ng mga kristal na ito ay nangangahulugang may kalahating utang sa kaniya ang bata.

Tinanong ni Emperor Zi Mu kung taga-saan si Zhao Feng bago ito umalis. Sinabi lamang ng bata na galing siya sa Mystic Sacred Clan at hindi siya nagbanggit ng kahit ano tungkol sa Azure Flower Continent.

Marami ang mga isla sa three spiritual zones, at wala man lang sinabi nang kahit kaunti si Zhao Feng tungkol sa Azure Flower Continent. Kahit ang Emperor of Death at ang batang Demigod ay hindi alam kung saan siya nanggaling. Ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Zhao Feng ay dahil sa ayaw niyang magdala ng gulo sa kontinenteng kaniyang tinitirahan.

"Kung may oras ako, pupunta ako sa Mystic True Sacred Clan para manghingi ng payo kay Zhao," marespetong pinaalis na ni Emperor Zi Mu si Zhao Feng, pero hindi niya inasahang mamamalagi si Zhao Feng sa kaniyang clan.

Matapos makabalik sa True Martial Sacred Land, nagawang magamit na ni Zhao Feng ang Zone Spiritual Array matapos maging King. Kaya lamang ay hindi siya agad bumalik sa Azure Green Islands Zone o sa malapit sa Tianlu Islands Zone.

Una ay pumunta siya sa Eternally Sealed Void Ocean Spiritual palace. Ang dahilan kung bakit kaya niya niyang pumasok sa True Martial Sacred Land para makita si Duanmu Qing ay dahil sa tulong ng Eternally Sealed Palace Lord.

Agad na nakita ni Zhao Feng ang Eternally Sealed Palace Lord.

"Kailangang katakutan ang hinaharap. Sa ilang taon lamang ang nakalipas ay agad ka nang naging King," napabuntong hinninga ang Eternally Sealed Palace Lord, pero hindi masabi ni Zhao Feng ang pait sa puso niya. Isa sa pinakamalalakas na sumpa ang Cursed Words of Death sa Cang Ocean.

Sa loob ng lumipas na mga araw ay tinago ni Zhao Feng ang kaniyang aura at siniguradong hindi ginamit ang soul-stregth niya o ang kaniyang True Yuan para maiwasang lalong tumaas ang pagbilis ng pagbulok niya. Ang Mystic Ice Scaled Race bloodline at ang God's Spiritual Eye ay sinubukan ring harangan ang sumpa, kung hindi ay baka naging nabubulok na matanda na si Zhao Feng, at sobrang baba ng cultivation niya sa Origin Core Realm.

Namalagi pa si Zhao Feng nang ilang araw sa Void Ocean Spiritual Palace. Para mapasalamatan ang Eternally Sealed Palace Lord, binigyan niya siya ng ilang kayamanan, tulad ng Immortal Springs Wine, Purple Scaled Grass. At iba pang mga gamit na nakuha sa iba pang Kings. Isa sa mga pinakamahalaga doon ay isang prutas mula sa Ancient Dream Realm.

Nakikita ni Zhao Feng na sobrang lapit na ng cultivation ng Eternally Sealed Palace Lord sa Void God Realm, at baka makatulong ang mga kayamanan na ito para makagawa ng pundasyon ang Lord para maging King.

Matapos mamalagi nang ilang araw ay umalis rin si Zhao Feng. Isang buwan ang makalipas, sa Azure Flower Continent, sa loob ng Azure Green islands:

Whoosh!

May isang arko ng kidlat ang bumagsak na parang isang bulalakaw at gumawa ng malaking butas kung saan siya bumagsak.

"Saan ito?"

Kahit pa sa Azure Flower Continent pa pinanganak si Zhao Feng ay hindi pa rin ganoon karami ang mga lugar na napuntahan niya.

Una ay tinignan niya ang aura ng kaniyang kaluluwa at katawan. Wala sa kaalaman niyang bumagsak na sa panimulang yugto ng Void God Realm ang kaniyang cultivation.

Whoosh!

Lumipad muli si Zhao Feng sa himpapawid at tumingin muli sa ibabaw habang pinagpaparehas niya ang mapa sa tanawing nakikita niya.

"The Western Continent, Thousand Desert Great Country," kumpirma ni Zhao Feng.

"Skeletal Division Leader!" sabi ni Zhao Feng, at biglang may maitim na usok ang namuo sa tabi niya. Isang buong pilak at puting kalansay na may pares ng pulang nagliliyab na mata ang lumitaw sa usok.

Matapos mabago ng bloodline sa Heaven's Legacy City, sobrang laki rin ng pagbabago sa anyo ng Skeletal Division Leader.

"Master, nasa Azure Flower Continent tayo?" tuwan-tuwang sabi ng Skeletal Division Leader nang maramdanman niya ang pamilyar na aura.

Bab berikutnya