Ang lugar na pinasukan ni Zhao Feng ay tinatawag na Bright Flower Area, at ito ay may kaparehong ranggo sa Azure Flower Continent.
Boom!
Dahil sa kapangyarihan ng kaniyang Wings of Wind at Lightning, ilang-libong yardang-lawak na crater ang nabuo nang siya'y lumapag.
Namumutla ang mukha ni Zhao Feng, at mahina ang kanyang aura. Kumain siya ng prutas mula sa Ancient Dream Realm.
Kung bumababa ang True Yuan o Yuan Qi ng isang tao, ang prutas mula sa Ancient Dream Realm ay lubhang epektibo, ngunit kinakailangan nito ng ilang sandali para matunaw. Gayunpaman, nagamit na ni Zhao Feng ang kanyang yaman at spiritual pills upang magkaroon ng enerhiya habang tumatakbo.
Ang esensya na nilalaman ng prutas ay maihahalintulad sa pinagmulan ng buhay, at mayroon itong napaka gandang dulot sa katawan at organs ng tao. Ito ay madaming beses na mas mahusay kaysa sa Ancient Dream Realm aura.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com