webnovel

Sky Sacred Qin Palace (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Master, nakapasok na tayo sa Gand Sacred Island Zone at darating na tayo sa Sky Sacred Qin Palace sa ilang sandali na lamang," pag-uulat ng Skeletal Division Leader habang kinokontrol niya ang ghost ship. Sa parehong pagkakataon, nalilito rin ito – bakit kinailangan pang pumunta ni Zhao Feng dito? Walang sinabing kahit anong dahilan si Zhao Feng.

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at gumawa siya ng isang iskrin ng tubig at yelo na siyang naglabas ng mapa ng island zone. Ang Gan Sacred Island Zone ay napakalaki – doble pa ang laki nito sa Tianlu Islands Zone. Maraming pwersa ang naririto, at marami ring mga inheritances ng Dao of Entertainment.

"Ayon sa impormasyon sa nakaraang sampung libong taon, mayroong lima o anim na two-star sects rito, at ang Sky Sacred Qin Palace ay isang peak two-star sect ng Dao of Entertainment," ang mga mata ni Zhao Feng ay kumislap habang nagsisimula siyang mag-isip.

Ang isang peak two-star sect na may espesyalisasyon sa Dao of Entertainment. Bibihira nga lamang ito.

Masasabing ang lugar na ito ay ang simula ng Dao of Entertainment sa Cang Ocean. Ang Sky Sacred Qin Palace ay ang pinakamalaking Dao of Entertainment sect mula sa sampung libong taon ang nakararaan.

Ayon sa impormasyon, ang Sky Sacred Qin Palace ay ang sentro ng "Sky Qin Zone" kung saan napakasikat nito. Syempre, ang lahat ng impormasyon na alam ni Zhao Feng ay nagmula lamang sa Purple Saint Partial Spirit, kung kaya napakaluma na nito. Hindi na nga niya makumpirma kung nasa Sky Qin Zone pa ba ang Sky Sacred Qin Palace o wala na.

Ilang araw ang makalipas, isang asul, pula, at lilang-pulang liwanag ang nagpakita sa kanilang harap. Ang mga isla ay nasa anyo ng qin, at ang mga bundok at mga lawa rito ay hindi halos makita. Napakapayapa ng aura na ibinibigay ng mga islang ito, na tila ba may mga humuhuning ibon at mga tumutugtog na qins. Hindi ito kagaya ng ibang mga lugar na napakagulo at mayroong iba-ibang aura, katulad ng Azure Flower Continent.

"Tama iyan, baka ito na nga ang lugar," bahagyang itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Ang aura mula sa lugar na ito ay tila ba nagmumula sa Dao of Entertainment, na siyang kaiba sa mga normal na pwersa.

Whoosh!!

Ang ghost ship ay tumagos lamang sa barrier at nagtungo na sa inland kung saan may mga kislap na napunta sa ibabaw ng barko. Mayroong isang invisible barrier na nakapalibot sa bawat isla, at ang bawat isa ay dapat na nasa True Lord Rank para makapaglakbay sa panlabas na mundo. Kung kaya, ang kahit sinong naglalakbay sa walang hanggang karagatan ay isang eksperto, at normal lang na makita ang mga nasa Origin Core Realm.

Pagkatapos marating and inland, ang bilis ng ghost ship ay nabawasan nang higit dahil sa presyon mula sa ere at marami pang ibang salik.

Ang laki ng Sky Qin Zone ay dalawa o tatlong beses kaysa sa Azure Flower Continent, at kailangan pang hanapin ni Zhao Feng ang saktong lokasyon ng Sky Sacred Qin Palace. Dagdag pa roon, baka nga hindi pa ito alam ng mga tao. Halimbawa, noong nasa Zhao Family pa si Zhao Feng, hindi niya nga alam na may mundo pala ng cultivation, at nang makasali na siya sa Broken Moon Clan, hindi niya nga rin alam ang tungkol sa Ten Great Clans o ang lokasyon man lang nito.

"Mas mabuti siguro kung maghahanap na lang ako ng isang cultivator na nasa True Spirit Realm at tanungin sila," napagpasyahan ni Zhao Feng na gamitin ang kanyang Divine Sense habang patungo siya sa direksyon ng mga may mas malalakas na aura.

Ang bilis ni Zhao Feng at ng ghost ship ay hindi kasingbilis noong nasa walang hanggang karagatan sila, pero hindi na rin ito masama.

Kalahating araw ang nakalipas, matapos niyang malagpasan ang napakaraming mga kagubatan at mga lawa, ang Yuan Qi disturbance sa malapit ay lalong lumalakas.

"Hmm?"

Ang Divine Sense ni Zhao Feng ay napunta sa isang magandang isla. Maraming mga human auras doon, at marami rin ang nakaabot na sa kanila sa True Spirit Realm. Mayroon pa ngang nakaabot na ng Origin Core Realm. Dagdag pa roon, nakakita ng maraming cultivators ng Dao of Entertainment si Zhao Feng.

Ito na nga ang lugar, nagpakita si Zhao Feng ng masayang mukha at saka nagtungo sa direksyong iyon. Sapagkat madaling nakuha ng ghost ship ang atensyon ng iba, itinabi muna ni Zhao Feng ang barko at ang Skeletal Division Leader.

Whoosh!

Naging isang arko ng kidlat si Zhao Feng at nagtungo siya sa pinakasentro ng isla.

Dahil ang aura ng isang Void God Realm ay napakalakas at nakagugulantang, nilimitahan niya ang kanyang cultivation sa Origin Core Realm. Subalit, kahit na, ang mga Origin Core Realm na eksperto rito ay tinatawag na "Sovereigns" ng inland.

Sa pagkakataong iyon, mayroong isang malaking pagdiriwang ang nagaganap, at halos lahat ng mga kalahok ay mga kabataang nasa True Spirit Realm.

"Gaya ng inaasahan sa dekadang Dao of Entertainment Meeting. Ang lahat ng mga magagaling na kabataan ng island zone na nagcucultivate sa Dao of Entertainment ay naririto."

"Kahit na wala tayong karapatang sumali, bibihira lamang ang ganito na makakapanood tayo."

May mga mahihinang bulong ang maririnig sa karamihan.

Mayroong isang malaking kapatagan sa pinakagitna ng pagtitipon, at mayroong mga lugar kung saan pwedeng umupo. Sa pinakagitna ng kapatagan ay may dalawang malalaking mga entablado, ang bawat isa ay limang kilometro ang haba at ilang kilometro rin ang layo.

Sa pagkakataong iyon, may isang babae na nakaitim at isang babaeng kaaya-aya ang nasa tig-iisang mga entablado.

Hinipan ng babaeng nakaitim ang kanyang plauta at nagpadala ng mga soundwaves na tila buhawi sa kabilang babae. Kalmado namang hawak ng kabila ang kanyang luta at nagpadala rin ng malalambot at iba-ibang kulay ng mga bilog na sikdo na siyang sumalag sa atake.

"Dao of Entertainment Meeting?" Lumutang si Zhao Feng sa mga ulap habang pinapanood ang nangyayari sa ibaba.

Ang mga kalahok ay nasa True Mystic Rank pataas, at mayroon pang kakaunting bilang ng mga Origin Croe Realms. Tila ba ang mga henyo na ito ay nagmula sa isang one- at two-star forces.

Pagkatapos ng paglalaban, ang babaeng nakaitim ay nawalan ng enerhiya. Napaubo siya ng dugo nang kay lakas dahil sa mabilisang sound attack ng kalaban niyang babae.

"Mabuti! Mabuti!"

"Gaya ng inaasahan sa isang Core Disciple ng Six Qin Palace!"

Pagkatapos malaman kung sino ang nanalo, ang tunog ng pagmumura at pahiyaw ay maririnig. Subalit, halos lahat ng kanilang mga tingin ay nakatuon sa tatlong Origin Core Realm na mga henyo sa tabi. Ang tatlong ito ay mga prodigies ng Dao of Entertainment, at may isang lalaki at dalawang babae.

"Mystic Sound Hall, Six Qin Palace, Sky Sacred Qin Palace… Ang tatlong Head Disciples."

Ang tatlong ito ang naging sentro ng atensyon.

Ang lalaki ay kalmado at gwapo habang ang dalawang babae naman ay may mga eleganteng aura, na tila ba mga dalaga silang nagmula sa isang pintang larawan.

Ang kabataang nasa pinakasentro ay may hawak na qin, at isang tingin lamang ay ikawawala na ng kaluluwa ng isang tao.

Isa sa mga babae ay nakasuot ng puti, at ang kanyang buhok ay napakahaba na umabot na ito sa lapag. Mayroon siyang napaka-eleganteng aura at tila ba isa siyang diyosa sa isang larawan. Ang aura at ang mukha ng henyong ito na nagcucultivate sa Dao of Entertainment ay hindi mapapantayan, at ang mga lalaking naroroon ay hindi mapigilang itago ang kanilang pagmamahal at pagkagulantang.

"Qinxin!" Hindi mapigilang mapabulalas ni Zhao Feng sa ulap nang makita niya ang babae. Ang babaeng nakaputi ay may eleganteng Dao of Entertainment aura na tumutugma sa anyo na nasa kanyang alaala.

"Sa laban ngayon, nanalo si Yue'er dahil sa swerte. Umaasa ako na magbigay sana ng mga dapat gawin si Goddess Snow Qin," ang matagumpay na babae ay ngumiti, at kahit napakagalang ng kanyang tono, mayroong bahagyang kalamigan ito sa kanyang mga mata.

Nakita agad ni Zhao Feng na ang lakas ng babaeng nanalo at ang mga taktika nito ay higit pa sa babaeng nakaitim, at nakaabot na rin siya sa Peak True Lord Rank.

"Lin Yue'er, ang tunog ng iyong Six Qin Nine Sounds ay may kabihasaan na nang kaunti, at kung paano mo gamitin ang iyong Hollows Mystic Sounds ay may pagkukulang pa nang kapiranggot…" ang boses ng tinatawag na Goddess Snow Qin ay napakalambing. Kahit ang tunog pa lamang nito ay nakakagawa na ng imahe ng dumadaloy na batis.

Napagsama niya pa nga ang kanyang Dao of Entertainment sa kanyang boses at nakaugnay ito sa Heaven at Earth… ang ekpresyon ng babaeng nakapanghahamon ay nagbago nang higit. Tumingin siya sa mga mata ni Goddess Snow Qin at nakita niyang napakalinaw nito na para bang isang buwan, at may kakayahan siyang makita ang puso nito. Tila ba may kasalanan siya.

Bilang ikalawa sa mga Core Disciples ng Six Qin Palace, gusto niya talagang hamunin si Li Xueyi at subukan ang lakas nito, pero ang kabihasaan nito sa Dao of Entertainment ay nasa ibang lebel na. Hindi lamang basta-bastang pinatihulog siya ni Li Xueyi sa isang mystic state, nasa iisang pangungusap lamang ito.

"Ang kabihasaan ni Lu Xueyi sa Dao of Entertainment ay umabot na sa ganyang lebel!? Ang kanyang bawat ngiti, paghinga, at ang bawat kilos niya ay nagbubuga ng power of Entertainment," ang dalawa pang ibang prodigies ay nagulantang.

"Siya si Li Xueyi na tinatawag na numero unong henyo ng Sky Sacred Qin Palace sa loob ng ilang libong taon."

"Ang kanyang pagpapakita ay nagdala ng pag-asa sa Sky Sacred Qin Palace, na siyang nanghihina na, at tinagurian rin siyang pag-asa ng kanyang sect."

Nagkaroon ng diskusyon sa ibaba.

Ang kakaunting salita lamang mula kay Li Xueyi ay nagdala ng alon ng pagkagulat sa Dao of Entertainment Meeting sapagkat ang kanyang talento ay isang tsismis lamang. Ang dalawa pang ibang prodigies ng Dao of Entertainment ay napatahimik nang matagal.

"Li Xueyi? Hindi siya si Qinxin," pinanood ni Zhao Feng ang mga laban sa ibaba na magsimula.

Ang Dao of Entertainment Meeting ay katulad ng sa Genius Summit o ng True Dragon Gathering. Isa itong lugar kung saan ang mga henyo ng Dao of Entertainment ay naglalaban at nakikihalubilo sa isa't isa, at ang babaeng tinatawag na Li Xueyi ay ang Head Disciple ng Sky Sacred Qin Palace. Ang kanyang kabihasaan sa qin at cultivation ay lagpas pa sa lahat ng naroon.

Habang lumilipas ang oras, marami pang mga ibinigay na komento ito. Dalawang beses na nakipaglaban si Li Xueyi, at ang marahang hawak niya sa kanyang qin ay tila nagbubuga ng kapangyarihan ng Heaven at Earth. Kahit ang gwapong lalaki, isa sa mga tatlong prodigies, ay hindi kayang magtagal sa harap ni Li Xueyi ng sampung hininga.

"Kamangha-mangha! Isang Small Origin Core Realm na nasa huling yugto ang may power of qin na maihahalintulad sa isang Sovereign Lord," hindi mapigilang mapahiyaw ni Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit nanatili siya ay dahil kay Li Xueyi na may kaparehong aura kay Liu Qinxin, at kahit ang itsura nito ay kaparehas rin.

"Nagmula siya sa Sky Sacred Qin Palace, at 40-50% siyang katulad ni Qinxin sa aspeto ng aura at ng itsura, pero wala rito si Qinxin," napakunot ang noo ni Zhao Feng. Sinuri na niya ang buong lugar gamit ang kanyang Divine Sense pero hindi niya nahanap si Liu Qinxin, at agad na nanlamig ang puso niya dahil dito.

Pitong taon ang lumipas… Kung nasa Sky Sacred Qin Palace nga talaga si Liu Qinxin, paniguradong kasali siya sa Dao of Entertainment Meeting dahil sa kanyang talento, at maaaring maging isa pa nga siya sa tatlong prodigies.

Subalit, sinakop na ng Divine Sense ni Zhao Feng ang buong lugar pero wala pa rin siyang mahanap na aura ni Liu Qinxin.

Bab berikutnya