webnovel

Punto ng Tagumpay

Editor: LiberReverieGroup

Ang kulay dugong ipo-ipo ay nasa gitna ng Death Spirit Hell Array at ang kapangyarihan nito ay kayang lamunin at pinuhin ang Void God Realm Kings.

Boom!

Itinulak ng Yin Yang Heaven Seal ang Ghost Corpse Cursed Array kasama na sina Zhao Feng, ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader.

Kasabay nito, isang malakas na paghatak ang nanggaling sa ipu-ipo.

"Kung tayo ay mahuhulog sa ipu-ipo, masisira ang array…!" Napatalon ang puso ni Zhao Feng.

Kung nasira ang Ghost Corpse Cursed Array, wala nang proteksyon si Zhao Feng at ang batang Demigod laban sa pulang mga sinag at sa sikretong pamamaraan ng Death Spirit Lords.

Ito ay sandali ng buhay at kamatayan.

"Little Kun Yun!" Paghugong ni Zhao Feng nang pares ng mga pakpak ang lumitaw sa kanyang likod.

"Naintindihan!"

Si Zhao Feng at ang batang Demigod at madaling nakapag-usap gamit ang Dark Heart Seed.

" Heaven Breaking Golden Fist!" Ang Demigod Intent ng batang Demigod at Fist Intent ay umabot na sa napakataas na antas.

Ang espasyo sa paligid ng Hell array ay nagsimulang mayanig nang isang kamang-manghang sinag ng golden-fist ang tumama nang malakas kasama ang Yin Yang Heaven Seal.

Boom!

Isang malaking butas ang lumitaw sa hand seal ng Yin Yang Lord at isang itim at puting tabing ay nagsimulang mayanig.

"Ang Fist Intent ng tampalasang ito ay mas malakas pa sa normal na Emperador…" Bahagyang nagulat ang Yin Yang Lord ngunit ang pagkakaiba sa pagkakagawa sa dalawa ay napakalaki.

Ang battle-power ng Yin Yang Lord ay walang kapantay sa kahit na sinong mas mahina sa Hari at kahit na malalim ang Fist Intent ng batang Demigod, ang huli ay hindi kayang sirain ang mga naunang pamamaraan ng isang kamao lamang.

Bahagyang nagulat ang Yin Yang Heaven Seal.

Bam!

Ang batang Demigod ay umurong ng ilang dosenang metro at halos dumura ng napakaraming dugo.

Ang lakas, Intent at kaluluwa ng Yin Yang Lord ay malalapit sa antas ng isang Emperador. Sa mano-manong paglalaban, ang pagkakataon ni Zhao Feng na manalo ay mababa kahit pa gamitin niya ang kanyang eye-bloodline.

"Master!Hindi maganda!" Sigaw ng skeletal Division Leader nang mahila ang Ghost Corpse Cursed Array patungo sa ipo-ipo.

Pagkatapos ng lahat, hindi kinayang harangan ng batang Demigod ang mga atake ng Yin Yang lord.

Sa kritikal na puntong ito:

Lightning Wings Wind Flash!

Isang kulay pulang ilaw ang lumipat papalapit sa gitna ng ipu-ipo.

"Ice Emperor's Seal!" Isang ice-blue spear na tila umiiral sa gitna ng estado ng tubig at yelo ang lumitaw sa palad ni Zhao Feng at tumawag ng napakalaking bundok ng yelo.

Boom!

Nagningning ang bundok ng yelo sa liwanag at maingat na lumapag sa ipu-ipo. Nagsimulang mayanig ang buong Death Spirit Hell Array.

Weng~~~

Ang bundok ng yelo ay saktong lumapag sa ipo-ipo ngunit nagsimulang lamunin ng ipo-ipo ang bundok at ang kapangyarihan ng yelo ay bumangga sa kapangyarihan ng paglamon.

Ang bundok ng yelo ay halatang nasa disbentahe at ang awra nito ay mas humina.

"Seal!" Nanlamig ang mga mata ni Zhao Feng at lumitaw ang maseselang kalislis sa kanyang balat.

Ang antigong freezing power ay humalo sa bundok ng yelo.

Ang lamig ng bundok ng yelo ay dumoble at lahat ng nasa paligid ni Zhao Feng sa loob ng ilang milya ay nagsimulang mamuo sa lamig.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang mga kulay pulang sinag ay nagsimulang bumagal nang mapalapit kay Zhao Feng at ang kapangyarihan nila ay nabawasan ng limampu hanggang animnapung porsyento nang tinamaan nila ito.

Ding! Ding! Ding!

Ang mga kaliskis ni Zhao Feng ay tila nanggaling sa isang antigong ice dragon at ang kanyang depensa ay talaga namang napakalakas.

Siiii~~~

Ang ipo-ipo ay nakitaan ng senyales ng pagyeyelo at halos tumigil sa pag-ikot.

"Napakalapit!" Napatatag ng skeletal Division Leader ang Ghost Corpse Cursed Array na ilang dosenang metro lang ang layo mula sa ipo-ipo ngunit sa kabutihan palad, ang ipo-ipo ay sandaling nagyelo kaya ang lakas ng paghigop nito ay nawala.

"Ang bloodline aura…!" Nagbago nang husto ang mga mukha ng Hari at Wen Luoan. Ang natirang Heaven Sun Battel Race bloodline ay nayanig nang husto.

"Ten Thousand Ancient Races… Mystic Ice Scaled Race bloodline!"

"Paano niya nakuha ito…!?"

Ang tatlong Death Spirit Lords at si Wen Luoan ay nagulat.

Ang lakas mula sa Mystic Ice Scaled Race ay naging dahilan upang ang bloodlines ng Death Spirit Lords at Death Guards ay mabahala.

Gamit ang pinalakas na Ice Imperial Spear, si Zhao Feng at ang kanyang Mystic Ice Scaled Race bloodline ay kayang mapatigil sandali ang ipo-ipo at bawasan ang kapangyarihan ng array.

"Sugod!"

Sa sandaling sinabi niya ito, ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader ay agad umatake.

Kaya lamang pigilan ni Zhao Feng ang ipo-ipo sa ilang mga paghinga at kumuha ito ng malaking parte sa kanyang bloodline.

"Hmph!" Malamig na hagikhik ng Yin Yang Lord nang ang imahe ng limang daliri ay lumitaw sa kalangitan at bumulusok patungo sa batang Demigod at sa Ghost Corpse Cursed Array.

Ang Dark Soul King at ang Witch King ay gumamit din ng mga pamamaraan upang patigilin ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader.

Ding! Ding! Ding!

Naglaho si Zhao Feng sa bundok ng mga yelo at inilagan ang Yin Yang Heaven Seal.

Halatang sumuko na siya sa pagsasara ng ipo-ipo gamit ang yelo.

Habang lumilipad, isang malakas na alon ng Eye Intent ang nanggaling mula sa kanyang kaliwang mata.

"Maging alerto kayo sa eye-bloodline technique ni Zhao Feng!" Nababahalang pagbulalas ni Wen Luoan.

"Limitless Maze!"Ang titig ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay lumapag sa katawan ng pinakamalakas na Yin Yang Lord.

Ito ay ang Peak-tier King na pinipigilan sila nang husto.

"Hmmm?" Nayanig ang katawan ng Yin Yang Lord nang siya ay mabighani sa lilang mga mata ni Zhao Feng.

Ang tanawin sa kanyang paligid ay biglang nagbago. Lahat ng kanyang nakikita ay napalitan ng higanteng labyrinth.

"Hmph!" Malamig na hagikhik ng Yin Yang Lord nang ang tanawin sa harap niya ay natunaw na parang niyebe.

Ang kanyang Intent at kaluluwa ay parehong malapit sa antas ng Emperador.

"Gaya ng inaasahan sa pinakamalakas na Death Spirit Lord.

Ang kanyang kulay abong apoy ay nabawasan ang kapangyarihan ng aking eye-bloodline ng tatlumpu hanggang apatnapung porsyento," hindi na nagulat si Zhao Feng.

Sinusubukan niya lang ngayon ang mga bagay upang maunawaan ang Hell array at hanggang saan ang lakas nito.

"Anim napung porsyento ay sapat na," tumango si Zhao Feng.

Ang Yin Yang Lord ay madaling nakalabas sa ilusyon ng Limitless Maze at pang-aalipusta ay nakita sa kanyang mukha ngunit agad nitong napagtanto na tila may mali.

Hindi nagpakita ng senyales ng pagkatalo si Zhao Feng; sa halip, siya ay nakangiti.

"Hindi, tingnan ninyo~~~~!" Pagbulalas ng Yin Yang Lord nang may maalala ito.

Sa mga taong naroon, siya ang pinakamalakas at madaling mahaharangan ang eye-bloodline ni Zhao Feng ngunit hindi niya sinasabing kaya ng iba.

"Mental Energy Spike!" Isang malakas na alon ng kulay lilang mental na enerhiya ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng at tumama sa kulay abong nagliliyab na barrier.

Boom!

Ang kulay abong apoy ay nagpahina sa mental energy spike ng apatnapung porsyento.

Ang natitira animnapung porsyento ay tumama kay Wen Luoan na nakabantay sa array flag.

"Arghhh!" Sigaw ni Wen Luoan.

Ang sakit na ramdam ng kaluluwa ay daang beses na mas masakit kaysa sa sakit sa pisikal na katawan.

Kahit na animnapung porsyento na lang ng kapangyarihan ang natitira, halos lumupaypay dito si Wen Luoan

Ang lakas ni Wen Luoan ay hindi manlang aabot sa lakas ng isang

Hari ngunit ang Mental Energy Spike ay direktang banggaan ng soul-strength at ang kay Zhao Feng ay mas mataas.

Kung mas mataas ang pagkakaiba sa soul-strength, mas mataas ang pinsala.

Ang pagkakaiba ng soul-strength ni Zhao Feng at Wen Luoan ay napakalaki at kahit na ang Mental Energy Spike ay napahina ng apatnapung porsyento dahil sa nagaapoy na kulay abong barrier, Mas malaking adbentahe pa rin si Zhao Feng.

Napuruhan ng Mental Energy Spike ang kaluluwa ni Wen Luoan.

"Tampalasan, mamatay ka na!" Sigaw ng Yin Yang Lord nang ang kanyang Peak-tier King Intent ay tumama kay Zhao Feng at napigilan ang kanyang pangalawang atake.

Kasabay nito, tumaas din ang presyur sa Dark Soul Lord at sa Witch King.

"Hehe,"marahang tawa ni Zhao Feng nang ang kanyang pakpak ay unti-unting iwinagayway at sumisid sa Ghost Corpse Cursed Away, hinaharangan ang atake kasama ang batang Demigod at ang array.

"Luoan, kamusta ang iyong pinsala?" Tanong ng Witch King kay Wen Luoan.

Ang kaluluwa ni Wen Luoan ay talagang napuruhan at nawalan ng kontrol sa array flag na nagdulot upang mabawasan nang husto ang lakas ng Hell array.

Sa puntong ito:

Shua!

Isang madilim at pilak ng liwanag ang lumitaw at naglabas ng kinang ng ilaw.

"Tingnan ninyo!" Napatalon ang puso ng Witch King ngunit ang kanyang babala ay huli na.

Shuuuuuu!

Isang punyal na tila isang anino ang sumaksak sa puso ni Wen Luoan.

"Wuu~~!" Sinubukang lumaban ni Wen Luoan ngunit ang kanyang katawan ay namanhid na at nagsimulang bumagsak.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay iwinagayway ang Shadow Kill Imperial Dagger at malamig na sinag ng ilaw ang sumaksak kay Wen Luoan at sa mga Death Guards na nasa paligid.

"Arghhh!"

Agad na tumigas ang katawan ng Death Guards sa paligid at agad na nasira ang kanilang lifeforce.

"Luoan!"

"Third Highness!"

"Kunin ang kuting!"

Sigaw ng tatlong Death Spirit Lords at mga Death Guards.

Matapos na mawala ang isa sa mga haligi, halatang mas humina ang kapangyarihan ng Death Spirit Hell Array at nagsimulang makitaan ng mga bahid.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay naging pilak at kulay abong guhit at nawala sa hangin.

"Munting pusang magnanakaw… magaling!

Ang presyur kay Zhao Feng at sa munting pusang magnanakaw ay nabawasan.

Noon pa lamang nang inihahanda ng kalaban ang Death Spirit Hell Array, nakita kaagad ni Zhao Feng na si Wen Luoan ang kanilang kahinaan.

Isa sa mga tagahawak ng array flag, si Wen Luoan ang may pinakamababang kalinangan at ang atake ni Zhao Feng laban sa Yin Yang Lord ay isa lamang munting pagsubok upang malaman ang kapangyarihang kinakailangan.

Kung ang munting pusang magnanakaw ay susugod sa Yin Yang Lord, ang pagkakataong manalo ay mababa at ito ay mapanganib.

Ang talagang target ni Zhao Feng ay si Wen Luoan na mas mahina at nagtagumpay siyang sirain ito.

Bago pa makapagbigay ng reaksyon ang tatlong Death Spirit Lords, ang sumunod na mga opensa ay nagsimula na.

"Scarlet Destruction Eye Flame!" isang malakas na alon ng eye-bloodline flames ang nanggaling sa kaliwang mata ni Zhao Feng at isang kulay pulang transparent na bola ang nagliliyab at naglalabas ng nakawawasak na awra.

Sa loob nito, mayroon ding kaunting God Tribulation Lightning.

Booom!

Ang mga apoy ay tumama papunta sa Witch King.

"Argh!" ang namumutlang katawan ng Witch King ay napalibutan ng pulang apoy at ang awra ng Destrcution ay kumalat. Kahit na siya ay handa, siya ay nabahala sa magulong atake.

Weng!!

Ang patong ng kakilakilabot na puting apoy ay pumalibot sa katawan ng Witch King at pumulupot kasama ng Scarlet Destruction Eye Flame.

Gayunpaman, ang apoy ng kanyang Wicked Path ay nilabanan ng Intent of the God Tribulation Lightning at ang kapangyarihan ng Destruction at ang kanyang apoy ay nagsimulang dumilim.

Bab berikutnya