Sa loob lamang ng maikling paghinga o dalawa, kalahati lamang ng dugo ng Demigod ang nanatili.
"Master, tigil…!"
Labis na kinakabahan ang Kun Yun Partial Thought. Anong klaseng kasaysayan ba ang mayroon ang kaniyang Master? Paano niya nagawang higupin ang dugo ng Demigod sa ganoong puwersa?
Buti na lang, mabilis napigilan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye.
Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang lawa ay lumaki na hanggang siyamnapu't siyam na yarda. Isang matamlay na kulay lila ang paminsan-minsan na kumikinang sa ibabaw ng lawa.
Ang God's Spiritual Eye at ang kaniyang eye-bloodline ay mas lumakas.
Nakatulong ang dugo ng Demigod upang makalapit na sa paggising at paglago ang God's Spiritual Eye.
Nagpakita ng kagalakan si Zhao Feng.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com