webnovel

Heaven Sun Battle Race

Editor: LiberReverieGroup

Nagpatuloy ang pag-ambon sa patyo.

Nang pumasok siya sa Hidden Book Room, nakaramdam si Zhao Feng ng kalmadong pakiramdam na bumaliktad sa labanan sa Demigod Forgotten Garden.

Ang Hidden Book Room ay isang maliit na silid-aklatan lang, ngunit mayroon itong ilang daang mga aklat.

Tinignan ito ni Zhao Feng, ngunit hindi siya nakakita ng isang aklat na tungkol sa skill at technique.

""Fate of an Emperor, Heaven Legacy Race's Mystery, Ten Thousand Ancient Races Ranking, God Tribulations Page…"

Sinuri ng mata ni Zhao Feng ang mga lumang aklat.

Ang ilang mga ipinagbabawal na lihim sa panlabas na mundo ay nakasulat sa mga aklat.

Ang mga aklat na ito ay maaaring naglalaman ng impormasyon kaysa sa three-star clan ng True Martial Sacred Land. Ang pangunahing materyal at impormasyon ng three-star sect ay hindi bukas para sa publiko.

Habang ang mga aklat dito ay maaaring basahin, may mga limitasyon din.

una, wala sa mga aklat ang maaaring kunin.

Ikalawa, hanggang limampung aklat lang ang maaaring basahin ng isang tao.

"Nasa sampung araw ang kailangan para matapos ang isang aklat."

Si Zhao Feng ay nag-umpisang mag-isip.

Kailangang malamang ang Demigod Forgotten Garden ay kalahating buwan lang na bukas. Sinong nais gugulin ang dalawang katlo ng kanilang oras sa pagbabasa ng mga aklat?

Noon, maliit na bilang ng tao ang ginugugol ang ilang araw rito, ngunut bukod sa pagkuha ng ilang kaalaman, wala nang iba.

"Oh, kaya kong kumilos nang sabay nang madali, kaya mananatili na lang ako ito at magbabasa."

Nagdesisyon na kaagad si Zhao Feng.

Ang Ten Thousand Divine Thouaghts Technique ay nagpahintulot para madali siyang kumilos nang sabay, nagawa niyang makapagbasa habang pinagtutuunan din ng pansin ang laban para sa dugo ng Demigod.

Sa kasalukuyan, tanging ang dugo ng Demigod ang kaakit-akit para sa kaniya.

Shua! Shua! Shua!

Ang mga iniisip ni Zhao Feng ay nahati sa tatlo.

Ang una ay tumuon sa dugo ng Demigod. Ang ikalawa ay nanatili sa Hidden Book Room at nagbasa ng mga aklat, habang ang ikatlo ay tumuon sa pag-unawa.

Sinong nakakalaam kung anong iisipin ng iba kung magkaroon ng oras ang isang tao na magcultivate sa Demigod Forgotten Garden? Ang mga normal na henyo ay ang pagkuha lang ng mga kayamanan ang iniisip.

Makalipas ang isang oras, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay sinuri ang bawat sulok ng Hidden Book Room, ngunit wala siyang nakitang kahina-hinala.

Bukod sa mga aklat, may ilan ring mga kagamitan.

Ang materyal ng kagamitang ito ay hindi simple, ngunit dahil sa Demigod intent, wala rito ang nasisira o nakukuha.

Hindi kaya ang Hidden Book Room ay wala talagang kayamanan?

Inisip ni Zhao Feng, ngunit ang mga aklat mmismo ang nakakainteres para kay Zhao Feng. Dagdag pa rito, kaya niyang magbasa habang nagkucultivate at nakatuon sa dugo ng Demigod, kaya hindi ito saying sa oras.

Kinontrol pa nga ni Zhao Feng ang dalawang taong tutubi para makakuha ng mga resources at kayamanan sa Hundred Flower Garden.

Ang ibig sabihin nito ay nahati na ngayon sa apat ang isip ni Zhao Feng, ngunit dahil nakagawa na siya ng half-step King intent, hindi siya mahihirapang hatiin ang kaniyang isip sa halos isang daan nang sabay.

Kasama ang wala-namang-mawawala-sa-aking ugali, mapayapang nagbasa si Zhao Feng.

Sa halip na sabihing pagbabasa, mas malapit ang pangongopya.

Inilipat ni Zhao Feng ang mga aklat at inemprenta ang impormasyon sa kaniyang isip.

Isang lumang aklat ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng.

Ten Thousand Ancient Races Ranking.

Ang aklat ay may nakatalang libo libong mga bloodline races sa Ten Thousand Ancient Races.

Kahit ang bloodline ni Meng Xi at Jiang fan ay nandito.

Ang bloodline ni Meng Xi ay nagmula sa Nightmare Race ng sinaunang panahon, at may antas itong ika-239.

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na magbuntong hininga nang mabasa ang mga kakayahan ng Nightmare Race.

Ang Nightmare Race ay may isang nakasindak na kakayaha, at kaya nitong pumasok sa panaginip ng iba at patayin sila.

Sa isang panaginip, ang kapangyarihan ng Nightmare Race ay walang katapat.

Gayunman, ang kakayang ito ay may mabigat na limitasyon. Sa Demigod Forgotten Garde, kaunting tao lang ang nakakatulog. Dagdag pa rito, habang pinapasok ng iba, ang taong mula sa Nightmare Races mismo ay kailangan ring matulog.

Syempre, ang tunay na malahalimaw na races ay ang may pinakamataas na legendary bloodline races.

"Una – ang Ancient Race."

Nang mabasa ni Zhao Feng ang titulo, ang kaniyang puso at dugo ay nagulat. Kahit ang kaniyang God's Spiritual Eye ay bahagyang nayanig.

Kahit ang pangalan pa lang ay nagbigay na ng puwersa sa kaniyang bloodline.

Ang Ancient Race – ang pinakaperpektong lahi sa mundo. Kilala rin bilang True God Race, ngunit halos maubos na sila matapos ang Ancient Great Battle. Kapag ipinanganak ang ganitong lahi, mayroo na kaagad silang Natural God Demon Body, na maikukumpara sa katawan ng isang Demigod. Kahit na hindi magcultivate, magiging Ancient God pa rin sila sa kanilang pagtanda.

Zhao Feng couldn't help but take in a cold breath when he saw the description.

Walang magawa si Zhao Feng kung hindi manlamig nang mabasa ang deskripsyon.

Ang kapangyarihan ng isang Demigod ay nakaksindal. Makikit mula sa lahat ng kakayan at himala ng Demigod Forgotten Garden. Gayunman, ang lahat sa Ancient Race ay may isang Natural God Demon body nang ipanganak ito, kaya kahit ang mga katawan ng mga sanggol ay maikukumpara sa isang Demigod.

"Masyado itong malakas. Sa kabutihang palad, ang Ancient Race ay hindi pa lumilitaw simula noon."

Nakahinga nang maluwag si Zhao Feng.

Ang top ten races at ubos na lahat o kasalukuyang nauubos.

Ang mahalagang banggitin at ang Heaven's Legacy Race ay may antas na nasa pinakamataas rin. Ang totoo, nasa pinakamataas ng lima pa ito.

Ang Heaven's Legacy Race – ang pinakamatalinong mga may buhay sa Fan Universe, noon pa sa sinaunang panahon.

Ang mas nakakasindak ay ang paglikha ng Heaven's Legacy Race ng isang sandatang nakalikha ng malaking pinsala na madaling nadurog ang langit at lupa. Gumawa pa nga sila ng makinang panglakbay sa oras.

Gayunman, ito ay limitado lang sa mga alamat.

Mukhang ang sangay ng Heaven's Legacy Inheritance na pinasok ni Xin Wuheng ay hindi simple.

Bulong ni Zhao Feng sa kaniyang sarili.

Una, ang Ancient Race.

Ikatlo, ang Heaven's Legacy Race.

Ikapito, ang Light Race.

Ikawalo, ang Golden Crow Race.

Ikasiyam, ang Destruction Dragon Race.

Ikalabingsiyam, ang Spiritual Race.

Naramdaman ni Zhao Feng na napakaliit niya matapos mabasa ang mga deskripsyon ng mga maalamat na lahi.

Ang Ten Thousand Ancient Races Rank Book ay sira na at hindi kumpleto. Hindi lahat ng mga lahi ay nakatala rito, at ang ilang mga deskripsyon ay hindi rin kumpleto.

Hindi nagtagal ay natapos na si Zhao Feng na basahin ang Ten Thousand Ancient Races Rank book at napuno ng paghanga sa sinaunang panahon.

Mahirap isipin kung anong uri ng panahon ang naranasan ng mga alamat.

Ang oras ay mabagal na lumipas, at nakalimutan na ni Zhao Feng ang paghahanap ng kayamanan. Sa halip, napuno siya ng kaalaman. Ang mga aklat na ito ay nagsama ng mga aralin tungkol sa heograpiya, kasaysayan, at iba pa, ngunit walang tungkol sa lakas.

Gayunman, ang pagbabasa ng mga aklat na ito ay nagpahintulot kay Zhao Feng na maunawaan ang maraming bagay.

"Kaya, ang mga continent zone ay tunay. Pagkatapos ng Cang Ocean ay isang continent zone.

"Isang five-star superpower ang hindi pa lumitaw kahit sa Spiritual Sacred Land o sa mga continent zone."

Nalaman ni Zhao Feng ang isang katangi-tanging lihim.

Ang Cang Ocean ay napakaliit na bahagi lang ng Fan Universe.

Hindi niya namamalayan, si Zhao Feng ay nilamon na ng pagbabasa.

Syempre, ang iba niyang mga iniisip ay kumikilos pa rin.

Ang isa ay nagkucultivate, na simple lang, habang ang isa ay kinokontrol ang dalawang taong tutubi para magmanman sa Hundred Flower Garden at makakuha ng mga resources.

Ang pinakakalmado ay ang nasa munting pusang magnanakaw.

Gamit ang munting pusang magnanakaw, alam ni Zhao Feng ang nangyaayri sa Heart Healing Palace.

Halos kalahati sa mga henyo sa Heart Healing Palace ay sumuko na sa dugo ng Demigod, at ang mga natitirang henyo ay pawang mga elite. Halos kalahati ay may cultivation na nasa Great Origin Core Realm.

Si Nan Gongsheng at Meng Xi ay nagtabla.

Kung isang laban lang ito sa pagitan nilang dalawa, mayroon na sanang isang panalo. Gayunman, ang divine power ng dugo ng Demigod ay mas lalong himirap. Kahit ang isang tunay na King ay kakaharap ng napakalaking powers mula sa dugo ng Demigod.

Isang araw ang nalalipas. Si Nan Gongsheng at Meng Xi ay parehong bahagya nang pagod, at ang kanilang battle-power ay humina, ngunit wala sa kanila ang sumuko.

Hangga't hindi pa sumusuko ang isa sa kanila, ang kabilang panig ay may malaking pagkakataong makuha ang dugo ng Demigod.

"Hehe, dahil ang labanan sa pagitan niyo ay hindi pa natatapos, ako na ang bahala sa dugo ng Demigod."

Isang mahinang tawa ang umalingawngaw mula sa itaas.

Sinong nariyan!?

Ang mga ekspresyon ni Nan Gongsheng at Meng Xi ay bahagyang nagbago nang sila ay tumingin sila sa itaas.

Ang may-ari ng boses ay labis na malapit sa kanila at sa dugo ng Demigod.

Shua!

Isang nag-iinit na youth ang lumutang sa ibabaw ng dugo ng Demigod at naglabas ng napakalakas na aura.

"Come!"

Ang nag-iinit na youth ay nagmadaling pumunta sa dugo ng Demigod at dumaan sa pagitan ng dalawa.

Boom!

Nang kumaway ang nag-iinit na youth, ang lugar ay tila yumanig, at isang nagniningning na gintong liwanag ang pumalibot sa kaniyang balat.

Kung titignang maigi, ang buhok at balat ng youth ay nagningnning nang ginto. Mula sa malayo, mukha siyang isang golden sun war god.

"Huwag ka nang magtangka!"

Hinawakan ni Meng Xi nang mahigpit ang lilang sungay at inutusan ang beast King na atakihin ang nag-iinit na youth.

"Bukas!"

Ang nag-iinit na youth hindi man lang natatakot. TIla isa siyang golden-colored war god nang pigilan ang atake gamit lang ang isang palad.

Boom!

Isang napakalaking gintong shockwave at lilang nagliliyab na kidlat ang pumuno sa halos kalahati ng Heart Healing Palace.

Ang mga henyo sa paligid ay napasigaw sa gulat.

"Battle-power na maikukumpara sa isang King! Paano ito naging posible?"

Kahit si Meng Xi ay bahagyang nagulat.

Dahil sa ilang problema sa kaniyang pagkontrol, 70% lang ang kaya niyang gamitin sa lakas ng beast King. Gayunman, kahit na ganito, ito ay labis na nakakagulat pa.

Ding!

Si Nan Gongsheng ay nagpadala ng isang silver spatial crack na tumama wa nag-iinit na youth, ngunit ang tunog ng pagtatama ng metal ay maririnig.

Isang malalim na sugat ang naiwan sa balat ng nag-iinit na youth, ngunit walang dugong lumabas dito.

"Aura of the Ten Thousand Ancient Races…"

Si Jiang Fan na nasa isang sulok ay naramdaman ang puwersa sa kaniyang bloodline.

"Ten Thousand Ancient Races, may antas na ika-98 – ang Heaven Sun Battle Race!"

Mababakas ang gulat sa mga mata ni Meng Xi.

Ika-98 na antas sa Ten Thousand Ancient Races. 

Ito ang unang beses na siya ay nakakita o nakarinig ng isang taong nasa pinakamataas na isang daang antas sa Ten Thousand Ancient Races bloodline.

"Ang pinakamataas na isang daan ng Ten Thousand Ancient Races ay mga katangi-tanging nilalang lahat."

Naramdaman ni Jiang Fan na napipigilan ang kaniyang bloodline.

Ang kaniyang bloodline ay nasa ikatlo o ikaapat na antas sa Ten Thousand Ancient Races. Siya ay labis na malayo pa kung ikukumpara sa Heaven Sun Battle Race.

"Hmph, ang pinakamataas na isang daan ng Ten Thousand Ancient Races ay labis na iba sa mga nasa ilalim nito. Ang Heaven Sun Battle Race bloodline ay nakakapagpahintulot sa aking battle-power na maging katulad ng sa isang King."

Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ng nag-iinit na youth. Ito ay isang ngiti ng tagumpay.

Napigilan niya ang lahat ng mga atake ng beast King at ni Nan Gongsheng nang harapan.

Sa ilalim ng mga nagulat na tingin ng mga henyong mula sa Sacred Land, lumitaw si Wen Luoan.

Ang anyo ni Wen Luoan ay lumtiaw, at ang kaniyang kamay ay nakababa.

Sa ilalim ng bloodline aura ng top-one-hundred Ten Thousand Ancient Races bloodline, kahit ang dugo ng Demigod ay nayanig at nalimitahan.

Ang nag-iinit na youth ay iginalaw ang kaniyang gintong kamay at kinuha ang dugo ng Demigod.

Bab berikutnya