webnovel

Wen Luoan

Editor: LiberReverieGroup

Sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak, ay mayroong dalawa o tatlong daang mga disciple ng True Martial Sacred Land ay nagtipon-tipon sa harap ng sirang-sirang palasiyo.

Ang balangkas ng hardin ay makikita sa taas ng kanilang mga ulo.

Sa simula, at guhit nito ay napakalabo at nakikita lamang sa void-like na estado, ngunit habang lumilipas ang oras, ang balangkas ng hardin ay palinaw ng palinaw, na tila sinusubukan nitong magpakita.

Sa harap at likod ng hardin, ay mayroong ancient, kinakalawang na mga berdeng pinto na may kasamang mga divine beast mula sa katabi nilang marmol. Kahit na ito'y peke, sila'y nagbibigay pa rin ng kakaibang pakiramdam at tila mukha silang buhay na buhay.

"Ang Demigod Forgotten Garden ay karaniwang nagbubukas ng tuluyan matapos ang isang oras."

Tumunog ang boses ni Dong Wenjian sa tainga ni Zhao Feng.

Sina Zhao Feng at Dong Wenjian ay nakatayo sa gitna ng mga taong mula sa Mystic True Sacred Clan.

Ang dalawa o tatlong daang mga henyo na nasa ibaba na pasukan ng Demigod Forgotten Garden ay binubuo ng mga disciple mula sa dalawang Sacred Clans at ang tatlompu't tatlong two-star sects.

Bilang isang three-star superpower, ang Mystic True Sacred Clan ay mayroong limampung puwesto, habang ang normal na mga two-star sect ay mayroong lima. Ang mas malalakas na mga two-star sect ay mas marami – mga nasa walo hanggang sampu.

Halimbawa, ang Ten Thousand Lightning Sect ay mayroong sampung puwesto, samantalang ang Golden Mountain Sect ay mayroon lamang lima.

Bago magbukas ang Demigod Forgotten Garden, sinabi ni Dong Wenjian kay Zhao Feng ang tungkol sa top ten geniuses ng Sacred Land, kasama na rin ang ibang mga malalakas na mga anyo.

Pinangunahan ni Nan Gongsheng ang Mystic True Sacred Clan. Matapos niya ay sina Chen Yilin at Senior Martial Brother Nan*, na parehong nakaabot sa mga huling yugto ng Great Origin Core Realm. Ang tatlong ito ay kasama sa top ten geniuses.

Siyempre, maliban sa kanila, mayroon ding mga pares ng mga henyo mula sa Mystic True Sacred Clan na nasa tier level lamang ng top ten geniuses, kagaya ng mga nasa early at middle stages ng Great Origin Core Realm.

Maliban sa kanila, si Jiang Fan at ang kaniyang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races ay maaaring makahamon ng top ten geniuses.

Sa mga sandaling iyon, ang mga tiitg ni Jiang Fan ay tumama kay Zhao Feng, ang kaniyang ekspresiyon ay biglang pumangit.

"Ang cultivation ni Zhao Feng ay umabot na din sa late stages ng Small Origin Core Realm."

Magkasamang hinigpitan ni Jiang Fan ang kaniyang mga kamao, at tila nakaramdam siya ng kaunting pagkatalo sa kaniyang puso.

Noon sa Void Ocean Spiritual Palace, si Zhao Feng ay isang maliit na anyo lamang na kahit kailan ay hindi sumagi sa kaniyang mga mata.

Chen Yilin, na kasunod ni Jiang Fan, ay napansin din ito.

Ang paglakas ni Zhao Feng ay hindi lamang mabilis, kundi nalampasan na nito ang kay Jiang Fan, na mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.

"Junior Martial Brother Jiang, huwag mo masiyadong isipin ang bagay na ito. Kahit na parehas ang inyong cultivation, mayroon ka namang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, kaya paniguradong mananalo ka. Ang kalaban mo ay ang mga top ten geniuses ng Scared Land."

Ngumiti si Chen Yilin at saka pinagaan ng loob nito.

Nang marinig niya ito, ang ekpresiyon ni Jiang Fan ay kumalma ng kaunti. Napagdesisyunan niyang lamangan si Zhao Feng gamit ang pagkuha ng magagandang mga gantimpala sa Demigod Forgotten Garden.

"Ang mga disciple ng Mystic True Sacred Clan, matapos pasukin ang Demigod Forgotten Garden, kakailanganin nating magtulungan. Huwag kang aatake o papatay na kahit sino."

Ang makapangyarihang inteng ng Emperor ang tumunog sa mga isipan ng mga disciple.

_Regulation Elder!_

Nagulat ang mga Core disciple nang sumang-ayon sila.

Dahil sa mga panimula ni Dong Wenjian, nagawa ni Zhao Feng na makilala ang ibang mga eksperto mula sa ibang mga puwersa.

"Siya ay si Meng Xi. Siya lang ang may kayang lumaban kay Nan Gongsheng sa lahat ng top ten geniuses, at siya ay mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races."

Ang kanilang mga titig ay tumama sa isang batang babae na naka asul na bestida.

Ang babae ay may perpektong mukha at maningning na mga mata. Ang kaniyang buhok ay naguhulog sa lupa at marahang hinahangin sa himpapawid, ngunit ito'y hindi madumi bagkos ay nagrerepresenta ito ng isang perpektong imahe.

Nang tumama ang lahat ng mga titig ng mga disciple kay Meng Xi, ang kanilang mga puso ay niyanig.

Sa bawat aspeto, si Meng Xi ay nagtataglay ng imahe ng isang goddess.

"Kakaibang klase ng bloodline aura."

Nang makita niya ito, naramdaman ni Zhao Feng na parang nais niyang protektahan ito.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang God's Spiritual Eye niya ay bahagyang nawindang, at si Zhao Feng ay naging kalmado nang mailabas niya ang magandang sensasyon na ito.

"Ang Meng Xi na iyan ay mayroong bloodline power na naka-pokus patungo sa mga kaluluwa."

Pagpapasya ni Zhao Feng.

_Hmm?_

Ang mga titig ng babae na may asul na mahabang buhok ay biglang lumiko at tumama kay Zhao Feng.

Isang makaoangyarihang puwersa ang lumapag sa kaluluwa ni Zhao Feng, at ang mga mata ni Meng Xi ay nanatili sa katawan ni Zhao Feng sa loob ng isa o dalawang hingahan.

Si Dong Wenjian, na katabi ni Zhao Feng, ay naramdaman ang iniisip nito, at ang kapangyarihan nito ay biglang nanigas.

Ang mga aksiyon ni Meng Xi ay ang nakaakit ng atensiyon ng ibang mga henyo. At ang pagkuha ng atensiyon ni Meng Xi ay hindi ganoon kasimple.

"Siya ang bagong Core disciple?"

Hindi naiwasang tumingin ni Nan Gongsheng oatungo kay Zhao Feng, ngunit siya ay hindi na naman nagulat.

"Tama ka, siya nga si Zhao Feng na naging Personal disciple ni Emperor Duanmu Qin…."

Sabi ng ibang Core disciple.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Zhao Feng ang mga matang nakatitig sa kaniya. Sila ay mula sa top ten geniuses ng Sacred Land.

Sa gitna nila, si Zhao Feng ay nakaramdam ng mga titig na punong-puno ng poot at killing intent.

"Zhao Feng, ang buhay talaga. Nagkita tayong muli. Sa oras na ito, ay dapat sumayaw na tayo sa parehong entablado."

Isang maiinit at nakangiting bata na mula sa Thousand Darkness Sacred Clan ang sumuri kay Zhao Feng.

Sa mga oras na iyon, si Dong Wenjian ay nagsalita. "Ang mainit- na tignan na batang iyon ay tinatawag na Wen Luoan, isang disciple na kakasali pa lamang sa Thousand Darkness Sacred Clan, at paniguradong hindi nalalayo ang kaniyang lakas sa mga top ten geniuses. Siya ang kinikilalang pinakamalaking dark horse sa mga oras na ito."

Ang cultivation ng mainit na tignan na si Wen Luoan ay nakaabot na sa late stages ng Great Origin Core Realm.

"Wen Luoan?"

Kumislap anh mga mata ni Zhao Feng ng siya'y maging mapagmatiyag.

Binigyan siya ng nag-iinit na bata ng peligrosong puwersa.

"Maliban sa dalawang Sacred Clans, si Lei Zhen mula sa Ten Thousand Lightning Sect ay mayroon ding kakaibang Ancient Lightning Spiritual Bloodline, at siya ay naka-pokus sa power of Lightning. Ang kaniyang battle-power ay napakalakas."

Pagbabanta ni Dong Wengjian.

_Lei Zhaen?_

Nagmasid si Zhao Feng at nakita ang isang napakalaki at nakapaang lalaki na may malaking espada sa kaniyang likod.

Ang cultivation ng Lei Zhen na ito ay nakaabot na sa middle-stage ng Great Origin Core Realm, at ang aura of lightning niya sa kaniyang katawan ay tila kayang yanigin ang Wind Lightning True Yuan ni Zhao Feng.

"Napaka-makapangyarihang aura of Lightning."

Nararamdaman ni Zhao Feng kung gaanong nakakatakot ang taong ito sa pamamagitan lamang ng power of Lightning na nagniningning mula sa kaniya.

"Hmph, ang inheritance ng Wind Lightning Emperor? Noon, ang Wind Lightning Emperor na nanggaling sa Ten Thousand Lightning Sect at may pag-intindi sa maraming mga teknik dito, kung hindi naman ay hindi siya magiging sikat."

Mahinang sabi ni Lei Zhen sa kaniyang sarili.

Ang Ten Thousand Lightning Sect ay isa sa mga elite forces sa Cang Ocean na mayroong cultivation sa mga kidlat.

Ang kanilang lakas ay sobrang lapit na sa three-star superpower, at sila'y madali nalang na nakalampas sa Golden Mountain Sect.

Kahit na ang Wind Lightning Emperor ay nagkaroon narin ng cultivation sa Ten Thousand Lightning Sect. Kapag wala ang Ten Thousand Sect, ang Wind Lightning Emperor ay wala din.

"Wala sa mga top ten prodigies ng Sacred Land ang salitang simple."

Pinatuonan ng pansin ni Zhao Feng ang bawat isa sa sampung binanggit ni Dong Wenjian.

Habang lumilipas ang mga oras, ang balangkas ng hardin sa itaas ay naging mas malinaw, at ang hangin sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak ay bahagyang nagulat.

Tila ang dalawang espasiyo ay magkasamang pinipiga, at ang God's Spiritual ni Zhao Feng ay tila may nakikitang kakaiba.

Kung ikukumpara ang espasiyo sa mga bula, kung gayon ang mas maliliit na mga bula ay maghahalo sa mas malalaking bula.

Ang Demigod Forgotten Garden ay isang secret realm na binuo ng isang Demigod gamit ang mga heaven-defying methods.

"Ang Demigod Forgotten Garden ay malapit ng magbukas "

Ang dalawa o tatlong daang mga henyo ng Sacred Land na nasa itaas ng Ten Thousand Ancient Sacred Peak ay itinaas ang kanilang mga ulo.

Sa mga sandaling iyon, ang lahat ng nakikita nila ay ang balangkas ng Demigod Forgotten Garden at ang dalawang berdeng pinto.

"Mayroong dalawang pasukan sa Demigod Forgotten Garden. Isa sa harap, at ang isa ay sa likod."

Ang mga impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden ay lumitaw sa isipan ni Zhao Feng.

Ang dalawang pinto ay ginaguwardiyahan ng Mystic True Sacred Clan at ng Thousand Darkness Sacred Clan.

Sa likod nila ay ang mas malalakas na mga two-star sect.

Weng~~ Boom!

Ang mga espasiyo ay muling nagulat.

Sa kabutihang palad, ang espasiyo sa Ten Thousand Ancient Scared Peak ay napaka-matatag, at ito'y mayroon pang spatial stabilizing arrays.

Sa isang gilid ng Demigod Forgotten Garden ay bumaba na at ganap ng nakalapag sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak.

"Ang isang gilid ng Forgotten Garden ay humalo na sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak."

"Ang Demigod Forgotten Garden ay tagumpay nang nagbukas."

Napuno ang himpapawid ng mga Divine Senses mula sa mga eksperto ng mga sect at clan.

"Pasukin na natin ang Demigod Forgotten Garden."

Si Nan Gongsheng ay sumugod na sa harap at saka naging isang guhit ng pilak na ilaw na mabilis na pumunta sa berdeng pinto.

Sa parehong sandali, si Meng Xi na may napakahabang buhok ay sumugod din.

Sina Sheng at Meng, ang dalawang mga super prodigies, ay tumayo sa pinakataas at saka pumasok sa Demigod Forgotten Garden sa walang katulad na bilis.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang mga henyo mula sa dalawang Sacred Clan ay mabilis ding pumunta sa mge berdeng pinto.

"Junior Martial Brother Zhao, kailangan mong makilala ang iba pang mga dicsciple ng clan. Sa ganoing paraan, ay hindi ka mapipinsala…."

Babala ni Dong Wenjian nang pumasok din siya sa berdeng pinto.

Tumango ang ulo ni Zhao Feng at saka nag-iwan ng lilang imahe ng Wind Lightning sa likod niya ng siya'y maglaho.

"Kung gayon, ito pala ang Purple Destruction Wind Lightning."

Isang malamig na intent ang nanggaling sa likod ni Lei Zhen ng Ten Thousand Lightning Sect.

Weng~~~

Habang parami nang parami ang pumapasok sa Demigod Forgotten Garden,ang dalawang berdeng pinto ay nagsimulang maging magalaw. Kapag ang dalawa o tatling daang mga disciple ang pumasok, ang kulay ng mga berdeng pinto ay nawawala na sa hangganan nito.

Bang!

Ang dalawang berdeng pinto ay sabay na nagsarado.

Tanging ang isanh gilid ng Demigod Forgotten Garden ang makikita sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak.

Kahit naa ang mga nasa Divine Senses ng mga King at Emperor ay nahirapan ding pumasok sa Demigod Forgottem Garden.

Shua!

Ang katawan ni Zhao Feng ay napadpad sa matandang kagubatan.

Isang nakakadurog na puwersa ang nanggagaling sa Demigod Forgotten Garden na agad na lumapag sa kaniya.

"Hindi na nakakapagtaka."

Ang anyo ni Zhao Feng ay bahagyang tumigil bago nagsimulang maglakad.

Ang espasiyo sa pagitan ng Demigod Forgotten Garden ay mas malakas kaysa sa Sacred Land. Nalaman ito ni Zhao Feng ilang araw na ang nakakalipas.

Sa parehong oras na ring iyon, ang karamihan sa mga henyo na pumasok sa Demigod Foegotten Garden ay natisod-tisod.

"Napakalakas na puwersa."

Ang mga henyong ito ay namula ang mga mukha at nahirapang makahinga.

Ang mga nasa Small Origin Core Realm ay hindi nagawang makalipad dito. Kahit na ang mga nasa Great Origin Core Realm ay nahirapan din.

Maliban dito, ang lahat ng klase ng mga kapangyarihan at intent ay limitado lamang dito.

Halimbawa, sa panlabas na mundo, ang isang wide-area na atake mula sa Great Origin Core Realm na maaaring umabot sa loob ng dose-dosenang milya at makasawak ng maliit na siyudad, ngunit sa Demigod Forgotten Garden, ang parehong atake na iyon ay aabot lamang sa sampu o dalawampung yarda. Ang bawat aspeto, kagaya ng bilis, ay limitado rin.

*Translator Note: Si Brother Nan ay hindi si Nan Gongsheng. Ang dalawa ay magkaibang tao.

Bab berikutnya