webnovel

Spiritual Palace Gold Token

Editor: LiberReverieGroup

Ang matapos ang hamon ng isang daang panalo sa loob lamang ng dalawang araw ay isang rekord sa Eternally Sealed Islands Zone na mahihirapan masira sa ilang libong taon.

Sa hindi mabilang na hiyawan at suporta, maraming mga eksperto ang nakatingin kay Zhao Feng.

"Ang lakas na iyon at potensyal. Kung maaari ko lamang siyang maging kapanig…"

Maraming tao mula sa malalaking pwersa at pangkat ang narito.

Ang talento at lakas ni Zhao Feng ay bihira maging sa mga two-star at two-and-a-half-star sects.

Para naman sa mga one-star clans, ang lakas ni Zhao Feng Feng ay natalo na sila.

"Ang lakas ni Zhao Feng ay natalo na ang 99% ng Sovereigns sa Azure Flower Continent. Tanging ang nasa lebel lamang ng Patriarch ang maaaring…"

Maging ang Skeletal Division Leader sa Ten Thousand Ghost Pearl ay may taimtim na ugali. Ang makaharap si Zhao Feng na lalong lumalakas araw-araw, nagsimula nang magbago ang kanyang ugali.

Sa ngayon, hindi niya na naisip na kalabanin si Zhao Feng. Sa halip, nakapokus na lamang ito sa pagkuha mang tiwala ni Zhao Feng at magpatuloy na mag trabaho para sa kanya.

Sa loob ng arena, ang iba ay masaya at ang iba ay hindi.

"Hindi ko naisip na matatapos ng batang iyon ang isang daang panalo."

"P*ta, pumusta ako ng isang dosenang high-grade Primal Crystal Stone sa 90 na panalo."

Ang mga pumusta ay puno nang pagsisisi. Hindi marami ang naglakas loob na pumusta sa isang daang panalo, at kahit na puklmusta sila, hindi ganoon kalaki ang kanilang pinusta.

Sa simula ng hamon ng isang daang panalo, ang proporsyon nang pagbalik ay isa sa tatlumpu. Sa ikalawang araw, ang proporsyon nang pagbalik ay isa sa sampu, at matapos ang ika pitumpung panalo, naging isa sa lima na lamang ito.

Pumusta si Zhao Feng nang isang milyong high-grade Primal Crystal Stone sa kanyang sarili, na maikukumapara sa isang daang milyong normal Primal Crystal Stone.

Ayon sa isa sa tatlumpung proporsyon, makakatanggap si Zhao Feng ng tatlong bilyong normal Primal Crystal Stone.

"Hahaha, tatlong bilyong Primal Crystal Stone ay sapat na upang bumili ng one-star clan."

Sobrang saya ni Zhao Feng.

Maging si Li Yunya ay nakatanggap ng pera. Kanina, ginaya niya si Zhao Feng at pumusta ng ilang dosenang Primal Crystal Stone sa kanya at siya ay masaya dahil sa 3000% na balik.

"Zhao Feng, ang Palace Lord ay personal kang bibigyan ng gantimpala."

Ang elder na nakapulang roba ay ngumiti at magalang na umalis.

Bago ang hamon, ginawa niya ang lahat upang mapigilan si Zhao Feng, ngunit ngayon, nakuha na ni Zhao Feng ang respeto ng lahat dahil sa walang kapantay niyang battle power.

Kadalasan, mayroon lamang isang panalo sa bawat isang daang taon. Anong klaseng gantimpala kaya ang kanilang ibibigay?

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na masabik.

Matapos ang isang oras, pumunta si Zhao Feng sa esteemed guest stands upang kuhanin ang kanyang gantimpala.

"Masagana ang hinaharap na henerasyon."

Ang taong nagbigay ng gantimpala ay ang Eternally Sealed Palace Lord, at siya ay nakangiti at pumuri.

"Ayon sa patakaran, ang panalo sa hamon ng isang daang panalo ay makatatanggap ng mid-tier Earth-Grade weapon, ang Spiritual Palace Gold Token at isang bilyong Primal Crystal Stone."

Saad ng elder na nakapulang roba.

Spiritual Palace Gold Token.

__

Mid-tier Earth Grade weapon.

__

Isang bilyong Primal Crystal Stone.

Hiyawan ang narinig sa lugar.

"Ang Spiritual Palace Gold Token ay nagrerepresenta ng esteem at noble guest ng Void Ocean Spiritual Palace, at ang may ari nito ay maaaring manatili nang libre sa Void Ocean Spiritual Palace. Higit pa roon, makakatanggap sila ng 40% off sa pamilihan na pinatatakbo ng mga opisyales sa Eternally Sealed Islands Zone."

Hindi mapigilan ni Li Yunya na huminga nang malalim. Maraming benepisyo ang Spiritual Palace Gold Token, kabilang ang pananatili sa Void Ocean Spiritual Palace nang libre at pagiging esteemed guest.

Makakatanggap din sila ng 40% off sa pamilihan na pinapatakbo ng mga opisyales.

Sa harap ng mga tao, kinuha ni Zhao Feng ang Spiritual Palace Gold Token. Mayroon itong espesyal na ukit na nagrerepresenta sa dangal ng hamon sa isang daang panalo.

Ang mid-tier Earth-Grade weapons ay mahalaga rin. Ang Earth-Grade weapons ay sobrang bihira na lamang. Maging ang ilang Sovereignsay wala kahit isa nito.

"Ang mid-tier Earth-Grade weapon ang may pinaka malaking hlaga sa tatlong gantimpala."

Kumislap ang mata ni Zhao Feng.

Maging Nine Deadly Yin Bone ng Skeletal Division Leader ay malapit lamang sa mid-tier Earth-Grade.

"Ito ang Earth-Grade weapon - ang Tyrannical Emperors Hammer, at isang bilyong Primal Crystal Stone.

Ang Eternally Sealed Palace Lord ay binigay ang lahat ng premyo kay Zhao Feng.

Ang Spiritual Palace Gold Token, Tyrannical Emperor's Hammer at isang bilyong Primal Crystal Stone.

Agad na nagpasalamat si Zhao Feng.

Matapos matanggap ang mga gantimpala, malalim na tinignan ng Eternally Sealed Palace Lord si Zhao Feng bago maglaho.

Mabilis siyang nawala. May gustong sabihin si Zhao Feng, ngunit huli na.

Gusto niyang makausap nang pribado ang Eternally Sealed Palace Lord, ngunit sa ngayon, maraming mga pwersa at eksperto ang nais na makilala si Zhao Feng.

Matapos ang kalahating araw, nakaalis na rin si Zhao Feng sa arena.

"Captain, hindi mo kailangan na magmadali. Ang Eternally Sealed Palace Lord ay mahilig sa mga henyo at sigurado akong ipapatawag ka rin niya."

Ngumiti si Li Yunya at sinabi ito.

magapos bumalik sa hotel, naupo si Zhao Feng at binawi ang kanyang Yuan Qi.

"Kaka abot ko pa lamang sa Small Origin Core Realm, at kahit mataas ang kalidad ng aking Core Center, hindi sapat ang dami nito…"

Binalikan ni Zhao Feng ang kanyang mga laban sa hamon ng isang daang panalo at nagsimulang mag-isip.

Ang laki ng kanyang Core Center ay sampung beses na mas maliit sa normal Small Primal Crystal Stone, at may malabong ilaw ito. Kadalasan itong nangyayari kapag ang Core Center ay magiging Crystal Core na, ngunit si Zhao Feng ay kaka abot pa lamang sa Small Primal Crystal Stone.

Matapos ang kalahating araw, nabawi na ni Zhao Feng ang kanyang Yuan Qi.

Mabilis lamang niya itong nabawi dahil sa kanyang makapangyarihang bloodline, na maikukumpara sa ilang maalamat na bloodlines mula sa Ten Thousand Ancient Races.

Matapos iyon ay sinimulan niya nang ayusin ang kanyang kayamanan. Pansamantala niyang binigay ang Spiritual Palace Gold Token at ilang bilyong Primal Crystal Stone kay Loulan Zhishu at sa Skeletal Division Leader upang magamit.

Sa dami ng Primal Crystal Stone, ang lakas ng isang daang cursed ghost corpses at mga mandaragat at mabilis na tataas, at pinahahalagahan ni Zhao Feng ang isang daang ghost corpses.

Sa ngayon, sa tulong ng Skeletal Division Leader, ang maliit na bilang ng cursed ghost corpses ay umabot na sa half-step Origin Core Realm.

Sa sumunod na araw, pumasklok si Zhao Feng sa esteemed guest rooms ng Void Ocean Spiritual Palace gamit ang Spiritual Palace Gold Token.

Noon, sina Jiang Fan at Chen Yilin ay nanatili sa silid na iyon.

Nagsimulang mag hintay si Zhao Feng sa silid na iyon.

Matapos ang tatlong araw:

"Captain, ang Eternally Sealed Palace Lord ay pinatawag si Ye Moyu, dalawang araw na ang nakakalipas."

Saad ni Li Yunya.

Noong marinig ito, kumunot ang noo ni Zhao Feng. Hindi niya maintindihan; nagwagi siya sa hamon ng isang daang panalo at natalo niya si Ye Moyu sa lahat ng aspeto.

Sa pagmamahal ng Eternally Sealed Palace Lord sa mga henyo at sa talim ng mata nito, dapat ay si Zhao Feng ang una niyang pinatawag, ngunit wala nang ginawa ang Eternally Sealed Palace Lord matapos ipatawag si Ye Moyu.

"Hindi dapat ito ganito…"

Sa simula, hindi rin maintindihan ni Li Yunya, ngunit matapos pag isipan ay nagkaroon siya ng hula.

"Master, hindi na mahalaga ang rason. Sa iyong estado, may karapatan kang makita ang Eternally Sealed Palace Lord."

Mungkahi ni Li Yunya.

"Tama iyon. Hindi ko na kayang maghintay pa. Pupuntahan ko na ang Eternally Sealed Palace Lord."

Alam ni Zhao Feng na wala na siyang masyadong oras.

Una, patuloy pa rin ang Pursuit of Death.

Ikalawa, kapag pumasok na sa seklusyon ang Eternally Sealed Palace Lord, ang mga ganoong lebel ay umaabot sa ilang buwan o kalahating taon.

Hindi na siya makakapag hintay pa.

Sa araw ding 'yon, pumunta si Zhao Feng sa palasyo ng Eternally Sealed Palace Lord.

Spiritual Palace Gold Token!

Ang mga puso ng mga bantay sa labas ay nagulat at nagpakita ng respeto.

"Bilis, bilis, bilis! Sabihin niyo na sa Palace Lord!"

Dalawa sa kanila ang nakakilala kay Zhao Feng bilang ang nagwagi sa hamon ng isang daang panalo.

Matapos ang isang sandali, umabot na sa Skeletal Division Leader ang balita.

Lahat ito ay inaasahan na. Matapos ang lahat, ang battle power ni Zhao Feng ay maikukumpara na sa Great Origin Core Realm, ang kanyang bloodline power ay malapit na sa Ten Thousand Ancient Races, at siya ang nagwagi sa hamon ng isang daang panalo.

Sa loob nang tahimik at kalmadong hardin sa palasyo:

"Hehe, iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin ni Zhao Feng."

Nakangiti si Eternally Sealed Palace Lord habang ang kanyang kamay ay nasa likuran niya. Sa tabi niya ay nakatayo ang eleganteng lalaki - si Ye Moyu.

Sa loob nang ilang araw, ang Eternally Sealed Palace Lord ay nagbigay nang ilang payo kay Ye Moyu, at sa pagdating ni Zhao Feng ay nakaramdam nang presyur si Ye Moyu.

"Palace Lord, bakit hindi mo pinatawag si Zhao Feng? Natalo niya ako sa lahat ng aspeto."

Kumislap ang mata ng Eternally Sealed Palace Lord habang nagsalita siya sa mababang tono, "Kung tama ako, may komplikadong background si Zhao Feng; marahil ay nagmula siya sa malaking pamilya, pinaka mababa na ang Void God Realm Elders…"

Naintindihan na ni Ye Moyu matapos niya itong marinig.

Tama iyon. Kung ang isang tao ay walang malakas na pwersa o elder na sumusuporta sa kanya, mahirap na makamit ang malalaking tagumpay sa murang edad.

Kung si Zhao Feng ay mula sa malakas na pwersa, mahihirapan ang Eternally Sealed Palace Lord na gamitin siya.

Naintindihan na ni Ye Moyu. Kaya pala hindi masyadong pinapansin ng Eternally Sealed Palace Lord si Zhao Feng. Sa madaling salita ang potensyal ni Zhao Feng ay masyadong mataas, at ang Void Ocean Spiritual Palace ay hindi sapat para sa dragon na katulad niya.

Mayroong Void God Realm Intent si Zhao Feng. Halatang mula ito sa proteksyon ng Elder.

Saad ng Eternally Sealed Palace Lord sa kanyang puso. Bilang isang half-step Void God Realm, nararamdaman niya ang aura sa kaluluwa ni Zhao Feng.

Hindi nagtagal ay nakita na si Zhao Feng ng Eternally Sealed Palace Lord, at umatras si Ye Moyu.

"Binabati kita, Palae Lord."

Lubhang magalang si Zhao Feng sa Eternally Sealed Palace Lord.

Hindi mayabang o nagmamadali. Ang ganyang klaseng puso ay mahirap makamit.

Lihim na tumango ang Eternally Sealed Palace Lord. Masasabing perpektong henyo si Zhao Feng sa bawat aspeto, at maikukumpara siya sa mga henyo sa Sacred Land.

Matapos umupo, kaswal na nakipag usap si Zhao Feng sa Eternally Sealed Palace Lord.

"Palace Lord, kailangan ko ang iyong tulong. Kung tutulungan mo ako, tatandaan ko ito at babayaran nang ilang beses sa hinaharap."

Sinabi na ni Zhao Feng ang kanyang pakay.

"Oh? Anong tulong ang kailangan ng henyo na nagwagi sa hamon ng isang daang panalo?"

Ngumiti ang Eternally Sealed Palace Lord at hindi na siya nagulat. Bilang isang Palace Lord ng Void Ocean Spiritual Palace, malakas ang kanyang kapangyarihan, kaya maraming tao ang lumalapit sa kanya upang humingi nang tulong.

Minsan, maging ang Vpid God Realm experts ay humihingi sa kanya ng tulong.

"...mayroong Spiritual Zone Teleportation array sa Void Ocean Spiritual Palace…"

Sinabi ni Zhao Feng ang dahilan kung bakit siya pumunta rito, at ang Eternally Sealed Palace Lord ay agad na naintindihan.

Mukhang gustong pumunta ni Zhao Feng sa Martial Sacred Lands at ang Spiritual Zone Teleportation Array ay magpapabilis sa kanyang pagpunta.

"Dapat ay alam mo na ang Zone Telwportation Array ay hindi bukas sa publiko, at ang lugar na iyong pupuntahan ay True Madtial Sacred Lands. Ang Sacred Lands ay sarado sa panlabas na mundo at hindi madaling makapasok doon."

Nagsalubong ang kilay ng Eternally Sealed Palace Lord at mukhang problemado siya.

"Balisang naghintay si Zhao Feng. Kung gagamit siya ng bangka, aabutin siya nang lima o anim na taon, at haharapin niya ang Death of Pursuit sa kanyang byahe.

Matapos mag-isip nang ilang sandali, nagsalita ang Eternally Sealed Palace Lord, "Zhao Feng, hindi ka kasapi ng Sacred Lands, hindi matukoy ang iyong background. Kung susuwayin ko ang batas at tutulungan ka, malaking panganib din iyon sa akin."

Bab berikutnya