webnovel

Void Ocean Spiritual Palace

Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang dalawang araw, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay mas mabagal na ngayon bago pa ito makarating sa patutunguhan nito.

Sa loob ng silid ng kapitan, dumilat si Zhao Feng at pinunasan ulit ang dugo sa kanyang bibig. Ang munting pusang magnanakaw ay umupo sa kanyang balikat at hinigop ang aura mula sa Ancient Dream Realm.

Sa mga nakaraang ilang araw, gumamit si Zhao Feng ng tatlong bariles ng heart blood essence, at pumasok siya sa Ancient Dream Realm nang ilang beses.

Ang kanyang kalagayan ng pag-iral at katawan ay kapansin-pansing nagyabong matapos gamitin ang heart blood essence. Ang kanyang kalagayan ng pag-iral ay halos maikukumpara na sa isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord, at ang kanyang bloodline power ay naging mas dalisay rin dahil dito.

Syempre, dahil din ito sa Ancient Dream Realm aura.

Ang munting pusang magnanakaw ay may napakinabangan din, ngunit walang makitang pagkakaiba si Zhao Feng dito.

"Ang aking kalagayan ng pag-iral at katawan ay ang pinakamalakas kong katangian ngayon. Ang aking soul power at mental energy ay kasunod, parehonf maikukumpara sa Small Origin Core Realm. Ang pinakahuli ay ang aking cultivation.

Kakaiba ang pakiramdam ni Zhao Feng. Noon, mahusay siya sa mental energy, at ang kanyang katawan ay walang kalamangan laban sa kahit kanino, ngunit ngayon, ang kanyang kalagayan ng pag-iral at katawan ay nakalagpas na sa pareho niyang cultivation at soul power.

Gayunman, ang path of cultivation at tungkol sa pagpapataas ng kalagayan ng pag-iral ng isang tao.

Ang siyam na antas ng Consolidated Realm hanggang sa pitong skies ng Ascended Realm ay nakatuon sa pagpapalakas ng katawan ng isang tao at paghahanap ng potensyal niya.

Ang Ascended Realm hanggang sa True Spirit Realm ay isang kapansin-pansing pagtaad sa kalagayan ng pag-iral ng isang tao, at kaya nang makipag-ugnayan nang tunag ng isang tao sa kalangitan at kalupaan. Kapag nakarating na sa True Spirit Realm, malalagpasan na nila ang haba ng buhay ng mga mortal ay mabubuhay nang dalawa o tatlong daang taon.

Ang True Spirit Realm hanggang sa Origin Core Realm ay tungkol sa pagiging kaisa ng kalikasan. Ang lifeforce at lakas ng isang tao ay kapansin-pansing tataas. Ayon sa nalalaman ni Zhao Feng, ang isang Origin Core Realm ay mabubuhay sa pagitan ng 500 hanggang 800 taong gulang.

Kahit na wala pa sa Origin Core Realm ang kaniyang cultivation, ang kaniyang lifeforve at katawan ay halos maikukumpara na sa isang Great Origin Core Realm, na ang ibig sabihin ay mabubuhya siya nang ilan pang daang taon.

"Kapitan, ayon sa iyong mapa, kailangan ay nandoon tayo..."

Ang boses ng Loulan Zhishui ay umalingawngaw. Si Zhao Feng ay lumabas sa palapag at tumingin sa distansya.

Kahit na ang marka sa mapa ay maliit, lkabis itong malakit sa totoong buhay.

Halimbawa, ayon sa mapa, nasa ilang daang libong milya sila ng Void Ocean Spiritual Ocean. Hindi nangahas si Zhao Feng na gamitin ang kaniyang God's Spiritual Eye at sa halip ay pinagmanman ang kaniyang mga mandaragat.

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay mabagal na lumagpas sa karagatan.

Whoosh!

Sa isang sandali, isang aura ng Sovereign ang lumipad sa kanilang mga ulo, at lahat ng mga mandaragat ay hindi na mapakali.

Ang bagong dating ay isang lalaking nakalilang damit at nasa katamtamang gulang na bahagyang tumigil nang mapatingin sa Blue Lightning Sea Sly Ship, ngunit lumipad rin kaagad palayo.

Isang maikling panahon pa ang nakalipas:

Sou! Sou! Sou!

Isang half-step Origin Core Realm at dalawang peak True Lord Rank ang naglalakbay nang magkasama sa isang direksyon."

"Ang mga henyo mula sa True Martial Sacred Lang ay madaling natalo ang mga core disciple mula sa Luozhen Sect, kasama ang isa sa Six Youth Prodigies, si Pu Yingyun."

"Luozhen Sect? Isa ito sa limang two-star sect sa Thousand Flowing Islands zone, at bawat isa sa Six Youth Prodigie ay may cultivation na Origin Core Realm."

"Napag-alaman hindi man lang makasangga si Pu Yingyun ng tatlong atake."

Ang tatlong manlalakbay ay mabagal, nag-uusap sila sa daan. Ang kanilang tingin ay napunta sa Blue Lightning Sea Sky Ship, ngunit nagpatuloy sila sa paglipad."

"Sundan ninyo ang tatlong iyon."

Si Zhao Feng ay may lifeforce at katawang halos maikukumpara sa isang Great Origin Core Realm, kaya kahit na hindi niya sadyaing subukan, nakakarinig siya sa loob ng sampung milyang distansya.

Halika na!

Matapos makumpirma ang direksyon ng Blue Lightning Sea Sky Ship, ang mga mandaragat ay bumilis.

Whoosh!

Isang barko ng walang hanggang karagatang kasinglaki ng Blue Lightning Sea Sky Ship ang lumipad.

"Hmm? Hindi ba iyan isang barko ng pirata?"

Ang tingin ni Zhao Feng ay napunta sa ilang mga mabangis na anyo sa barko. Mukha silang malupit, at halatang mga hindi normal na mandaragat.

Sa barko ay isang Sovereign na iisa ang mata na nakatayo sa palapag.

"Hmm?"

Ang kapitang may isang mata ay tumingin sa barko sa ibaba at lumitaw ang isang kakaibang ekspresyon. Sinuri niya ito gamit ang kaniyang Spiritual Sense at nalamang ang barko ay gawa sa may mataas na kalidad na mga materyal, at ang kapitan ay isa lang youth na nasa half step Origin Core Realm.

Dagdag pa rito, kung titignan ito, ang barko ay mukhang ginawa para sa mga pirata.

"Boss, aatake ba tayo?"

Isang piratang may isang braso ang tumawa nang nakakasindak.

"Papasok na kami ng Void Ocean Spiritual Palace. Maraming mga eksperto sa paligid, kaya mas mabuting hindi gumawa ng gulo."

Nagsisising nagbuntong hininga nag kapitan at umiling.

Hu~~~~

Ang barko ng mga pirata ay lumipad sa ulo ni Zhao Feng at nagsitawanan ang mga anyo, na nagdahilan para magulat si Zhao Feng. Kung titignan, lahat ng uri ng tao ay naglalakbay sa Void Ocean Spiritual Palace.

Matapos lumipad ng isa libo pang milya, mas maraming mga eksperto at barko ang lumitaw. Hindi kakaibang makakita ng isang Sovereign, at minsan ay may isang aura mula sa isang Great Origin Core Realm.

"Tignan niyo!"

Isang mandaragat ang sumigaw.

Isang bola ng asul na liwanag ang lumitaw sa harapan, at unti-unti itong lumaki habang nagliliwanag.

Sou! Sou! Sou!

Maraming mga anyo sa paligid ang pumunta sa bola ng liwanag kasama ang kasama ang kanilang mga barko.

Habang sila ay papalapit, ang bola ng luwanag ay mas lumaki at luminaw, at nagpakita ng isang palasyo. Ang panlabas na suson ng palasyo ay tila isang pader, kaya parang magkahalo itong palasyo at kastilyo.

Ang suson ng asul na liwanag ay tila nasa "panloob na suson," katulad ng isang nasa paligid ng Eight Desolate Mountain.

"Iyan ang Void Ocaen Spiritual Palace?"

Si Zhao Feng at kaniyang mga kasama ay sinuri itong mabuti habang nakatayo sa palapag ng kanilang barko.

Whoosh!

Ang mga eksperto sa paligid ay lumipad papunta sa bola ng liwanag. Iba ito sa Eight Desolate Mountain dahil ang asul na liwanag ay may kaunting partikular na pasukan na maaaring pasukan ng isang tao.

Kung titignan ito, ang palasyo ay may laki lang na ilang daang yarda, ngunit ang tunay na laki nito ay mas malaki pa.

Si Zhao Feng at kaniyang mga kasama ay pumasok na sa bola ng liwanag. Si Zhao Feng ay may kakaibang pakiramdam nang dumaan dito, at bigla siyang nakaramdam ng isang ragasa ng makapal na Heaven Earth Yuan Qi.

Shua!

Ang palasyo ay unti-unting lumaki, na nagpakita ng isa pang mundo.

"Isa itong palasyo?"

Si Zhao Feng at kaniyang mga kasama ay nagulat. Sa halip na isang palasyo, dapat itong tawaging Void Ocean Spiritual City.

Void Ocean Spiritual Palace: apat na salitang may gintong liwanag na nakaukit sa palasyo, na naglalabas ng isang aurang nakagulat sa mga diyos at multong magkatulad.

"Ang Void Ocean Spiritual Palace ay talagang hindi simple."

Nakaramdam si Zhao Feng ng puwersa sa kaniyang kaluluwa nang tumingin sa mga salita. Kapag mas mataas ang mental energy level ng isang tao, mas malakas ang pakiramdam.

Sigurado siyang ang nagsulat ng mga salitang ito ay nasa Void God Realm.

Sou! Sou! Sou!

Ang mga ekspertong nagtipon ay naglabas ng isang token bago dumaan sa pasukan ng Void OceanSpiritual Palace.

Sa pasukan ang may walong Small Origin Core Realm na naglabas ng makapangyarihang aura, na ginulat ang mga sinubukang pumasok nang palihim.

"Sandali."

Itinabi ni Zhao Feng ang Blue Lightning Sea Sky Ship at pinasunod ang mga mandaragat.

"Kapitan, kailangan natin ng katangi-tanging token para makapasok."

Sabi ni Loulan Zhishui.

May isang side-hall malapit sa pasukan na responsable sa mga token, at nang makarating na sila Zhao Feng, ang pila ay mahaba na.

"Ang isang Void Ocean Token ay nagkakahalaga ng isang daang high-grade Primal Crystal Stone, at sampu pa sa bawat araw na mananatili ka."

Hindi makapaghintay na sinabi ng isang matandang lalaking may mahabang balbas.

"Sampung high-grade Primal Crystal Stones para sa isang araw? Pagnanakaw ito!"

"Ang sampung high-grade Primal Crystal Stone ay maikukumpara na sa isang daang low-grade Primal Crystak Stone, na maaaring ipalit sa sampung milyong substandard Prima Crystal Stones."

Sabi ng ilang True Lord Rank ang sa pagkadismaya.

Sa panlabas na mundo, ang batayan ag low-grade Primal Crystal Stones. Para sa substandard Primal Crystal Stones naman, limitado ang paggamit nito sa mga maliit na lugar.

Ang mgaPrimal Crystal Stone ay nahati sa ilang grade: low, mid, high at peak.

Ang isang daang high-grade Primal Crystal Stones ay katumbas na ng sampung libong mid-grade Primal Crystal Stone, isang milyong low-grade Primal Crystal Stones, o isang daang milyong substandard Primal Crystal Stones.

"Ang bayad sa pagpasok ay mahal. Ang Void Ocean Token lang ay isang daang high-grade Primal Crystal Stones na."

Nanghina si Loulan Zhishui at mga mandaragat.

Syempre, ang isang milyong low-grade Primal Crystal Stones ay hindi gaanong malaki para sa mga Trur Lord Rank. Ang sahod na binigay ni Zhao Feng bawat buwan ay lagpas sa halagang ito, ngunit isa lang itong pambayad sa pagpasok.

"Hmph, anong alam mo? Ang Void Ocean Token ay nagkakahalaga ng higit sa isang daang high-tier Primal Crystal Stones, at magagamit ito sa bawat Void Ocean Spiritual Palace. Ang spiritual palace ay hiwalay na dimensyon na ginawa ng isang tao, at ang halaga ng Primal Crystal Stones ay ginagamit sa bawat araw na makakabili na ng isang half-star clan."

Ngumisi nang palihim ang matandang may balbas.

Kahit na inisip ng mga baguhang itong hindi patas ang mga halaga, binili pa rin nila ito.

"Labing-isang tao."

Si Zhao Feng ay dumirekta na sa punto.

"Labing-isa?"

Ang matandang may balbas ay tumingin sa kanila at sampu lang ang nakita, at hindi na nagsalita.

Si Zhao Feng, Loulan Zhishui, at walong mandaragat.

Ang bawat token ay isang pagkakakilanlan. Ang kailangan lang ng isang tao ay maglagay ng pangalan o palayaw. Hindi kailangan ilagay ang totoong pangalan. Ang ikalabing-isang token ay inihanda para sa skeletal Division Leader, at nilagay ni Zhao Feng ang "Kalansay" bilang palayaw sa token.

Kasabay nito, nagbayad siya para sa dalawang buwang pananatili.

Ang matandang may balbas ay hindi maiwasang tumingin kay Zhao Feng sa gulat. Ang isang normal na eksperto ay hindi madaling makakapagbayad ng halos isang doseang token at dalawang buwang pananatili.

Ang mga taong nakapila ay hindi maiwasang tumingin kay Zhao Feng nang may panibagong pananaw.

Matapos makuha ang mga token, pinangunahan ni Zhao Feng ang grupo at naglakad sa pangunahing pasukan ng palasyo.

Sou! Sou! Sou~~~

Hindi nagtagal ay pinasok na ng sampu ang Void Ocean Spiritual Palace, at isang abalang mundo ang kanilang nakita.

Bab berikutnya