webnovel

Ang Galit ng Isang Sovereign Lord

Editor: LiberReverieGroup

Ang pagkamatay ng babaeng nakaitim na belo ay labis na binago ang ekspresyon ng lalaki.

Ang sitwasyon ay napakabilis na nagbago.

Walang nag-akalamg babalik si Zhao Feng nang napakabikis at gagamitin ang Blade of Purple Destruction sa sandaling siya ay lumitaw. Kahit ang skeletal Division Leader ay may hindi makapaniwalang ekspresyon.

Ang taong pinatay ni Zhao Feng ay nasa late-stage Small Origin Core Realm.

Ang totoo, ang Blade of Purple Destrucyiom ay makakapagbanta lang sa early stages ng Small Origin Core Realm, at habang nagbibigay rin ito ng panganib sa mga middle-stage Small Origin Core Realm tulad ng skeletal Division Leader at ang lalaking mukhang mabangis, ang panganib ay halatang bababa kung sila ay handa para rito.

Gayunman, ang panganib na naibigay nito sa late-stage Small Origin Core Realm ay limitado.

Ang pangunahing dahilan ng tagumpay ni Zhao Feng ay dahil sa kombinasyon ng Wings of Wind and Lightning at ang Blade of Purple Destruction.

Una, sa proseso ng paglalakbay, ang Blade of Purple Destruction ay naipon na. Kahit na naunawaan niya ang 20 hanggang 30% lang ng Purple Destruction Wind Lightning, sumama ito sa aura mula sa Ancient Dream Realm, kaya ang dalisay na power of destruction ay nakalahpas na sa Wind Lightning Emperor noong pareho sila ni Zhao Feng ng cultivation.

Ikalawa, ang Wings of Wind and Lightning ay may kakayahang mapataas ang kapangyarihan ng Wind Lightning technique. Dagdag pa rito, ang bilis ng atake ni Zhao Feng ay napakabilis sa tulong ng Wings of Wind and Lightning.

Ang isa pang hati ng dahilan sa pagkamatay ng babae ay ang kamangmangan, at labis na siyang napinsala ng skeletal Division Leader pagkatapos talunin ni Zhao Feng ang kanyang Dark Jade Skeleton.

Sa hangin, ang salpukan ng dalawang Sovereign Lord ay nagdahilan ng mga nakakayanig na pagsabog.

"Ano…?"

Ang sitwasyon sa ibaba ay nagpaiba sa ekspresyon ng Metal Triangle Pirate captain.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit niya pinagbantaan ang elder ay dahil may makapangyarihan itong alagad, at ngayon ang kalamangang ito ay sinira na ni Zhao Feng.

"Hahaha… Mukhang tama ako sa pagpili aa ungas na iyon."

Ang Third Elder mula sa Gan Cloud Pavilion ay may pulang mukha at tumawa nang maging mas agresibo sa kanyang mga atake.

Hindi niya maiwasang isiping sumugal siya nang tama. Bago magsama, naramdaman lang ng elder na hindi simple si Zhao Feng. Hindi niya naisip na si Zhao Feng ay labis siyang gugulatin.

Aa pagkamatay ng babaeng nakaitim na belo, ang resulta ay malinaw na.

"Purple Destruction Wind Lightning Whip!"

Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kanyang half-step True Yuan at inipon ang isang malabong lilang latigo ng hangin at kidlat, na nagbibigay ng aura of Destruction habang nagliwanag ito sa hangin.

Ang Purple Destruction Wind Lightning Whip ay umatake sa lalaking Sovereign mula sa likuran, na nakabuo ng atake kasama ang skeletal Division Leader.

"Zhe zhe zhe…"

Ang skeletal Division Leader ay tumawa at pinataas ang opensa, na napuwersa ang mukhang mabangis na lalaki na umubo ng dugo.

Ang lalaking mukhang mabangis ay nagsimulang mataranta. Ni hindi nga siya katapat ng skeletal Division Leader sa harapang laban, ngayon pa.

Ang suporta ni Zhao Feng ay napuwers ang lalaki sa kalungkutan.

Whoosh!

Sinelyo ng Purple Destruction Wind Lightning Whip ang lahat ng maaaring daanan ng lalaki para tumakas. Nahulog siya sa whip of Wind Lightning, at nahati sa dalawa ng flaming bone giant na ang sleletal Division Leader.

"Hahahaha! Magaling!"

Ang elder sa hangin ay tumawa nang malugod, habang ang ekspresyon ng Metal Triangle Pirate captain ay napuno ng malamig na killing intent nang tignan si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader.

Dahil sa dalawang ito, hindi na siya nakakuha ng parte ng balyena, marami ring nawala sa kaniya.

Sou! Sou!

Si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay sumugod sa kapitan ng Metal Triangle Pirates sa hangin matapos patayin ang dalawang Sovereign.

"Sinasamahan niyo ang kamatayan!"

Ang kapitan ng Metal Triangle Pirates ay ngumisi nang pinalabas nito ang kanyang Great Origin Core Realm aura. Ang aura ng isang Great Origin Core Realm ay pinipigilan at nililimitahan any kapangyarihan ng normal na Sovereign.

"Ice Imperial Spear!"

Nagpalabas si Zhao Feng ng tunay na bersyon ng kanyang Ice Imperial Spear. Isang sinaunang asul sibat na nagningning sa liwanag.

Ngayong naging mas dalisay na ang bloodline ni Zhao Feng higit sa kanyang bagonf half-step Origin Core Realm cultivation, madali na niyang mapapalabas ang tunay na bersyon ng Ice Imperial Spear.

Dagdag pa rito, ang lakas nito ay nagsimula nang mabuksam pagkatapos mahigop ang aura ng Ancient Dream Realm.

Bam~~~~~

Ang Ice Imperial Spear ay naglabas ng isang ipinagbabawal na malamig na kapangyarihan na pinagyelo ang lahat ng bagay sa paligid.

Wham! Wham!

Ang sinadyang shockwave mula sa kapitan ng Metal Triangle Pirates ay pinagyelo rin ng Ice Imperial Spear, na nadurog din kaagad.

Nang walang alinlangan, matapos makalagpas, ang lakas ni Zhao Feng ay labis na tumaas. Magagamit na niya ngayon ang mas maraming kapangyarihan ng Ice Imperial Spear.

"Sige!"

Tumuro si Zhao Feng, at isang multo ng sibat ang umatake sa Metal Triangle Pirate captain, na nagdahilan para magyelo ang buong lugar.

"Limitless Sky Extreme Demonic Stab!"

Ang skeletal Division Leader ay sumaksak rin gamit ang Earth-Grade weapon, na mukhang nakalagpas sa lugar habang inatake nito ang kapitan ng Metal Triangle Pirate mula sa kabilang panig.

Kahit ang isang Great Origin Core Realm ay hindi mapabayaan ang magkasmang atake ng dalawang hindi karaniwang Earth-Grade weapon.

Crack! Boom~~~~~

Ang kapangyarihan ng dalawang Earth-Grade weapon ay napigilan ng dark iron blades sa paligid ng kapitan ng Metal Triangle Pirates.

Sa ilalim ng normal na sitwasyon, hindi niya papansinin si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader, kahit na sabay pa itong umatake. Gayunman, mayroon pang isang Great Origin Core Realm elder na umaatake rin.

Ang puwersa ng Ice Imperial Spear phantom na sumasabog ay bumagal, at ang Nine Deadly Yin Bone ng skeletal Division Leader ay humina ang depensa nito.

Ang mga maliit na epektong ito ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Sapat na ito para masira ang balanse kasama ang isa pang Great Origin Core Realm.

"Isang Earth-Grade weapon na halos nasa middle tier at isang inheritance Earth-Grade weapon…"

Ang Metal Triangle Pirate captain ay nakaramdam na hindi pa ito tapos. Kahit na siya ay isang Great Origin Core Realm, ang kanyang Earth-Grade weapon ay hindi kasing galing ng sa skeletal Division Leader.

Kasabay nito, ang elder ay tumawa nang gumamit ng secret technique na sumaksak sa kahinaan ng Metal Triangle Pirate captain.

Boom!

Ang salpukan ng dalawang Sovereign Lord ay nakagawa ng shockwaves, na napatalsik si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader palayo.

"Sila ay nasa Great Origin Core Realm nga…"

Si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay halatang nararamdaman ang kaibahan sa pagitan nila at ng Great Origin Core Realm.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nagsimulang dumaloy ang dugo mula sa bibig ng Metal Triangle Pirates captain. Tumingin siya kay Zhao Feng at sa skeletal Division Leader nang may poot, ngunit mas lumakas lang ang kanilang mga atake.

Boom! Boom! Bam~~~~

Ang tatlong Sovereign ay nagpatuloy sa pag-atake sa Metal Triangle Pirate captain.

"Atras."

Nagngalit ang ngipin ng kapitan ng Metak Triangle Pirate. Tumingin siya kay Zhao Feng at skeletal Division Leader nang may nakakamatay na mata, "Ungas, huwag mong hayaang makita kitang muli."

Ang kapitan ng Metal Triangle Pirates ay pinrotektahan ang pag-atras ng ibang mga pirata.

Matapos silang habulin nang ilang libong milya, ang kapitan ng mga pirata ay labis na napinsala, ngunit ang elder hindi siya gaanong pinuwersa, kaya sumuko na ito.

Iniisip pa rin niya ang tungkol sa balyena ng walang hanggang karagatan.

"Salamat."

Ang ngiti ng elder ay labis na malaki, at ang tatlo ay kaagad na bumalik sa kinaroroonan ng balyena.

Si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay bumagsak sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Nanalo tayo?"

Sinabi ng magandang babae nang may galak nang tumingin kay Zhao Feng nang may paghanga. Malaki ang naging parte ni Zhao Feng sa pagtulong sa pagtalo sa Metal Triangle Pirates.

"Maliit na kaibigan, maraming salamat sa iyong tulong. Kung mayroon kang nais, sabihin mo lang."

Sabi ng elder at ngumiti.

Hinahangaan niya ang isang henyong tilad ni Zhao Feng at gustong malaman ang karanasan nito. Ang karamasan ng ganitong tao ay siguradong hindi simple. Hindi pinapansin ang iba, ang dalawa sa kanila ay parehong may hindi simpleng Earth-Grade weapon.

"Senior, kung hindi mo kami tinulungan, siguradong namatay na kami sa tiyan ng balyena ng walang hanggang karagatan sa loob ng ilang araw."

Nagpapasalamat na sinabi ni Zhao Feng. Hindi na siya humingi ng kahit ano, ibinigay pa niya ang buong balyena sa elder.

"Hindi namin gusto ng kahit anong parte ng balyema. Ito na ang kabayaran para sa pagligtas ng Senior sa aming buhay."

Sabi ni Zhao Feng nang may matapat na tono.

Ang elder at dalawang youth ay bahagyang nahiya at sinubukan siyang pilitin. Dahil malaki ang nagawa ni Zhao Feng at hindi pa rin gusto ng parte ng balyena.

"Ang karanasan ng youth na ito ay siguradong hindi simple. Siguradong nanggaling siya sa isang two-star sect, o maaaring may kaugnayan sa isa sa Spiritual Sacred Lands."

Ang elder ay nagbuntong hininga habang pinapanood amg Blue Lightning Sea Sky Ship na paalis.

"Siguradong hindi na muli ako makakakita ng ganoong henyo sa buhay ko…"

Mababakas ang pagkadismaya sa mukha ng babae at lihim itong nagbuntong hininga.

Sa kanilang angkan, siya ay isang prodigy - isang henyong nakikita lang sa bawat isang daang taon. Ngunit simula sa umpisa hanggang sa huli, ang youth na ito ay hindi man lang tumingin nang maayos sa kaniya.

"Magsimula na tayo."

Pinangunahan ng elder ang pares ng youth at nagsimulang buksan ang katawan ng balyena ng walang hanggang karagatan. Dahil ang katawan ng balyena ay labis na malaki, ang tatlo ay nagdesisyong mag-umpisa sa pinakamahalagang parte para kapag may nangyaring kakaiba.

Makalipas ang isang sandali, pumasok ang elder sa loob ng balyena.

"Hmm? Bakit hindi ko makita ang puso ng balyena?"

Ang elder ay nagtataka.

Dumaloy ang dugo mula sa lugar na nababalot ng yelo, at mayroon itong mga marka ng paghiwa.

"Dapat ay nandito ang puso."

Ang ekspresyon ng elder ay nagbago. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumibok nang mabilis nang mag-isip ng maraming bagay.

Iwinagayway niya ang kanyang kamay at ipinalaganap ang kaniyant True Yuan para tunawin ang yelo.

Ang yelo ay nakabalot sa kasinglaki ng isang maliit na palasyo, at ito ay halata na may hinukay dito.

"Hindi kaya…?"

Mababakas ang poot sa mukha ng elder.

Sa sumunod na sandali:

Boom! Shuu~~~~~

Sumirit ang dugo sa lugar, na umapaw sa elder. Nasa lugar kasi siya kung saan nakalagay ang puso; nang matunaw ang telo, lahat ng pinigilang dugo ay biglang sumirit at nakagawa ng baha.

Makalipas ang isang sandali:

Whoosh!

Isang nagulong elder na basang basa ng dugo ang lumabas sa katawan ng balyena.

"P*t*ng*n*ng ungas~~~~!"

Isang malamig na boses na puno ng galit ang umalingawngaw sa karagatan, at isang aura ng Great Origin Core Realm ang nailabas.

Bab berikutnya