Tumaas ang lakas ng sumpa ng Ghost Corpse Cursed Array matapos lamunin ang blood essence at ang kaluluwa ng dalawang Sovereigns.
"Hindi 'to maganda."
Isang nasa pananghaliang-edad na lalaking nakabalot ng gintong baluti. Siya ang may pinakamataas na cultivation sa tatlong nanghabol na Sovereigns. Siya ang nakaabot ng late-stage Small Origin Core Realm, nalagpasan niya rin ang Skeletal Division Leader, at maihahambing din siya sa Blue Lightning Pirate Leader.
Kaya lang, sa oras na iyon, inaagnas na siya ng Ghost Corpse Cursed Array, at sugatan na rin siya dahil sa dalawang Earth-Grade weapons.
"Sige!"
Winagayway muki ni Zhao Feng ang bandila. Naging ahas ulit ang maitim na usok ng Ghost Corpse Cursed Array, at bigla silang sumugod patungo sa lalaking naka-gintong baluti.
"Nine Deadly Yin Bone Stab!"
Nilabas ng Skeletal Division Leader ang kaniyang kamay. Isang nasusunog na bone-spike ang umikot sa lakas ng Ghost Corpse Cursed Array.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com